Chapter 2.3- I honestly like you.

11 1 0
                                    


5:37AM

Ayos! Naunahan ko yung alarm ko. Kadalasan kase 6AM ko ina-alarm yung phone ko at----

Teka! 6AM? OhMyG! Naalala ko yung usapan namin ni Tempo! Kainis! Di nga pala ko nakatulog agad kagabi dahil sa sobrang kilig!

Bumangon nako at pumunta ng banyo para maligo at mag-prepare na.

5:54 AM

Nang lingunin ko ang orasan sa kwarto ko. Nagmamadali akong mag-sipilyo.Pagkatapos nun ay sinuklay ko ang buhok ko at kinuha ang cellphone ko sabay sukbit ng bag sa balikat ko.

Bumaba ako ng hagdan at nagulat saakin si Mama. Masyado daw akong maaga pumasok. Dinahilan ko na lang na may aasikasuhin pa ko sa school. Paalis na sana ako nang tanungin ni Mama kung bakit ako lang ang may aasikasuhin eh magkaklase naman kami ni Sandy.

Natigilan ako saglit. Naalala ko na lagi kaming sabay ni Sandy pumasok.

"Si Ate kase yung nagmo-monitor ng mga late students sa klase namin kaya dapat maaga daw sya."

Sambit ni Sandy na mukhang kagigising lang. Tinignan ko sya pero blanko lang ang reaksyon nya.

Kadalasan ganito kami ng kapatid ko. Partners in crime kami. Pero hindi ko inaasahan na kahit ayaw nya kay Tempo, pagtatakpan nya parin ako.

"Ahh OK. Hindi kaba muna kakain Espi?" Tanong ni Mama pero sabi ko sa school na lang ako magbre-breakfast. Inabutan na lang ako ni Mama ng sandwich at nagpaalam nako sakanila.

Oh my. 6:08 AM na! Nag-tricycle na ako papunta nang school. Kaya namang lakarin to kaso talagang nagmamadali na ko.

******

Pagdating ko ng school. Bukas na yung gate. Pumasok ako at dumiretso ako sa rooftop. Pagdating ko, hingal na hingal ako habang nililibot ng tingin ang buong rooftop. Hinahanap ko si Tempo.

"Late ka! Sabi ko 6AM di ba? Kaninang 5:30 pako nandito." Bungad na sabi ni Tempo sa akin pero hindi naman sya galit. Nginitian ko lang sya.

"Sorry. Wag mo na kong sermonan. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko para lang puntahan ka."

Tumango si Tempo at iniaabot ang dalang corn. Pagbukas ko nang lalagyan, halatang mainit-init pa dahil sa moist na naiwan sa lalagyan.

"Teka, San ka nakabili ng corn? Ang aga-aga pa ah?!" Tanong ko sakanya.


" Kahapon palang iniutos ko na sa katulong namin sa bahay na bumili na nang corns. Nagtaka nga sila eh. Hindi naman daw kase ako kumakain ng mais. At imbes na magpasalamat ka, puro tanong nakuha ko?" Sabi nya at bumuntong hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOOD TO YOU (TOPBOM fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon