Lumipas ang mga araw na sunod-sunod ang bigay ng notes and gifts ng secret admirer ko. Nung una nakakakilig pero lately nakakainis na. Grabe sya! Wala ba syang balak magpakilala?! Ugh.
Di na ko makapagtimpi kaya nagpatulong na rin ako sa mga friends ko.
Sinimulan namin sa mga lugar na kung saan lagi nya kong binibigyan ng mga regalo. Lahat yung binalikan namin. Pag-akyat namin ng rooftop nagulat kami na nakita namin si Transferee Guy. Nakasandal sa pader naka-earphones at kumakain ng banana.
"Transferee Guy?! Anong ginagaw--"
"Transferee Guy? Ayan parin ang tawag mo sakin?! I'm TEMPO." paliwanag nya sabay tapon ng balat ng saging kung saan.
"Hoy! Wag ka nga mag-kalat dito! Di ka kase naglilinis eh. Bakit ka ba andito?!" pasigaw na tanong ni Sky.
"Nag-papahangin lang. Sainyo ba to?!" sagot nya habang ngumunguya ng isa pang piraso ng saging.
Inawat ko si Sky pero si Transfe--- este Tempo talagang hindi umalis. Though may point naman kase sya na hindi nga namin pag-aari tong rooftop pero ngayon ko lang kase sya nakita dito tas nag-kakalat pa!
Kaya ang ending umalis nalang kami at tumambay sa isang bench.
Natapos ang lunch break at nagsi-balikan na kami sa classroom namin.
-Classroom-
Pag-upo ko sa upuan ko andun si Yienna at si Tempo na as usual si Yienna kuda lang ng kuda samantalang si Tempo walang reaksyon sa mga sinasabi nya.
"Hoy Spring! so-s-sorry sa kanina." sabi ni Tempo na ikinagulat ko naman kase ang isang tulad nya mag-so-sorry?! epekto ba ito ng banana na nakain nya kanina?
"Whaaat?! anong sorry?! close ba kayo nyan ni Espi?!" sabat ni Yienna. Nag-sorry lang close na?! the eff.
Nakita Kong tinitigan ni Tempo si Yienna ng masama at sabay sabi
"None of your f-cking business!"
Oh ayan kase eh! na-None of your business ka na nga , na-mura ka pa! kaso di parin yun tama ah!
"Ok lang." matipid na sagot ko sabay nods. Grabe! ang moody naman netong tao na to. Pero ang weird padin kase nag-sorry sya?!! I mean ,di naman kami close or what.
Nagpa-kopya si Ma'am ng notes at inilabas ko ang notebook kong color green na may cute animated frog na design. ^__^
"Mahilig ka sa mga palaka?"
tanong nya nang naka-kunot noo.
"Yeah....kase favorite ko ang color green!" sabi ko habang naka-ngiti.
"Ahh." tumango sya at bumalik sa pag-kopya ng naka-paskil sa board.
Okaayy? that's weird! Bakit suddenly kinakausap nya na ko? Hindi naman kaya sya yung secret--- NO! Thats impossible! Erase erase erase. ><;
BINABASA MO ANG
GOOD TO YOU (TOPBOM fanfic)
FanfictionEven though they all say that you're a bad boy I honestly liked you It felt right But they were right? Good girls like bad boys, why Bad boys like bad girls, why ------- inspired from 2ne1's GOOD TO YOU song :D