BEST BUDS

21 1 0
                                    

"Psssst!Mati!nasan na yung kodigo?!"pabulong na tanong ni Jomarie sa katabing si Mati.

Hindi siya pinansin ng huli kaya sinundot nya ng ballpen ang kili-kili nito dahilan para humagikhik ito sabay lingon sa kanya.

"Bakit ba?"tanong ng kaibigan sa kanya pagkuway ngumiti ng nakakaloko,halatang balak pa nitong pagtripan sya bago sabihin ang sagot sa tanong nya.Pinandilatan nya ito.

"Wala sa 'kin,nandun kay May."anito sabay nguso kay May na abala sa ginagawang pagsagot .Final examination na nila ngayon para sa taong ito kaya pinagbubutihan nilang maipasa ang pagsusulit na yun kesehodang MANGOPYA.

"Kitams?epal ka rin minsan eh!alam mong limitado oras natin ngjojoke ka pa!sipain kita dyan eh."inis na tugon nya bago kumuha ng malinis na papel,sinulatan,kinuyumos at ibinato kay May.Sapul sa noo!buti di na'shoot sa bibig dahil nagkataong humikab pa.Nakipagpuyatan na nman yata sa patpatin nyang manliligaw na nagpapakahirap mangutang ng VCUT sa canteen mapasagot lang siya.

Gaya ng nakasanayan ,pinulot ni May ang crampled paper dahil sigurado itong may isinulat doon ang kung sinumang kutong-lupa na bumato sa kanya.Binasa niya ang nakasulat doon.

MAY!AKIN NA YUNG KODIGO!KUNTI PALANG NASASAGUTAN KO!

-sabi sa sulat ni jomarie .

Sinulatan ni May ang kabilang bahagi ng papel,kinuyumos at ibinato kay Jomarie.

WALA SAKIN!NANDUN KAY MICHELLE.MUKHA LANG AKONG SUMASAGOT PERO NGDO'DRAWING LANG AKO.HAHA

-sagot ni May .

Sinenyasan niya si May na hablutin ang "kodigo" sa abalang si Michelle.Sinunod naman yun ng kaibigan dahilan maagaw ang atensyon ng huli.

"May!anu ba?di pa ko tapos!"wala sa sariling bulyaw nito sa kaharap at sapat na yun para mabulahaw ang buong klase.

"Ms.Juanico,what's the problem?"tanong ng kanilang guro na parang si Ms.Tapia ang pormahan.Bukod kasi sa may suot itong salamin na kahit di nya suotin ay alam nyang makapal ang lense na tinernuhan ng closed neck na long sleeve at pants na panahon pa yata ni Michael Jackson eh kulot pa ang mahabang buhok.Kunting-kunti na lang nga ay magiging kamukha na nito si Elizabeth Ramsay.Tumayo ito at pumunta sa dako nina Michelle.

"Lagot na!"wala sa sariling sambit ni Mati habang napatampal sa sariling noo si  Jomarie Rose sa pagkadismaya,lahat sila ay nakatingin kina May at Michelle na tila ipinako sa kinauupuan kaya walang nakapagreact nang kunin ni Mrs.Garcia ang "kodigo".

"Kayo na naman?!"nanggagalaiting sigaw ng kanilang guro.Sa harap pa ni May ito naglabas ng sama ng loob kaya ramdam niya ang nagtatalsikang galit ng matandang guro.

"Pano yan?di tayo makakapag'exam haanggat walang umaamin sa atin kung sino gumawa ng leak"nahihintakutang pahayag ni Evamae,ang pinakaduwag sa kanilang magkakaibigan.Kasalukuyan silang nasa school library at nag'aayos ng mga libro bilang parusa sa kanila.

"Para naman kayong mga engot!alam niyo naman na hanggang panakot lang lang yon si madam kulot eh.hehe'si Kelly yon,ang may kayabangan ngunit hikain nilang kaibigan,hindi niya nga alam kung bakit nagkaroon siya ng mga ganitong klaseng mga kaibigan na kung wala mang sakit sa katawan eh sa utak ang problema..Pinukulan nya ito ng matalim na tingin.

"Ayan kna naman Kelly eh , namutla ka nga nung sumigaw si maam eh."sabat ni Evamae,pinandilatan lang ito ni Kelly.

"Tumigil na nga kayo!'saway ni May sabay lingon sa kanya.

"ui Jomarie,ano ng plano mo?"anito sa kanya.Hindi siya kumibo.Ang totoo,kanina pa siya nakikinig sa usapan ng mga bangag nyang kaibigan at gusto na niyang pagbuhul-buhulin ang mga dila nito dahil di siya makapag-isip ng maayos.

"ga-"di na niya tinuloy ang sasabihin ng bumuka ang bibig ni Michelle.

"Sino nalang ba kasi ang aamin sa 'tin para makapag-exam na tayo?"tanong nito dahilan para pukulin siya ng tingin ng mga kaibigan.

"oh ba't sakin kayo nakatingin?"gulantang si Michelle.

"Eh kasi ikaw lang naman ang bayolente ang reaksiyon nung kinuha sayo ni May ang papel."paninisi ni Mati.

'Oo nga,kung hindi kalang sana OA kanina nasa kanto maligaya na tayo ngayon.'paninisi ko sa kanya.Halos mangiyak-ngiyak naman ito dahil wala na yatang makitang kakampi.

"Hala!as in ako talaga?eh diba si Mati ang gumawaa nun?"depensa pa nito sa sarili dahilan para maibagsak ni Matii ang mga hawak na aklat.

"Ooooy!grabe kayo sakin ah.alam niyo nmang mawawalan ako ng allowance kapag pinatawag si tita sa guidance office,'pangongonsensiya nito.

Mukhang kailangan ko na yatang ihanda ang sarili ko sa sermon ni nanay..sabagay sanay naman akong ginagawang sangkalan ang  sarili ko sa mga ganitong sitwasyon.

"ows?!eh diba kung di ka nangulit na agawin kay Michelle ang kodigo di mangyayari to?"kontra ng utak ko.Napabuntunghininga nalang ako.

"Ako na nga lang!"sabi ko.

Limang pares ng mga mata ang sabay sabay na tumingin sakin.

"Talaga?"bakas sa mga mukha nila ang tuwa.Di ko alam kung tuwang-tuwa sila na meron ng aako sa  kasalanang lahat sana kami ay mananagot o natutuwa silang masesermunan na nman ako ni nanay?haaay!ewan ko sa mga taong to!kaibigan ko ba ang mga ito o ano?

"Oo ako nalang dahil nahihiya na ko sa kaduwagan niyo at ayaw kong amagin dito sa library.pero may bayad to."saad ko at kung anuman ang laman ng utak ko ngayon ay siguradong magkakasundo kami.

"Ang pangit ng mukha ni  Mrs.Garcia nung umamin si tets Jhom!haha!'walang humpay na paulit-ulit nakwento ni Kelly.Kasalukuyan silang nasa harap ng tindahan nina Jericho Masongsong at nag-iinuman.

"Nagtaka ka pa eh lagi namang nakasimangot yun ."sabat ni Evamae.Si Mati naman ay pumapapak lang na pulutan nilang popcorn dahil di siya masyadong umiinom.Ang lantang gulay na sa kalasingan ay sina Honeyllaine May, Michelleat ako.Nasa kalagitnaan  na sila ng kasiyahan nang may pumaradang motorsiklo sa harap nila,lalaki ang nagdadrive nun.Si Reij,ang long time boyfriend ni Evamae.Matangkad ito,singkit ang mata at may katamtamang laki ng katawan na may tan complexion.Bumusina ito na ikinagulat ko pa dahil di ko namalayan ang pagdating nya , tiningnan ko lang siya at bumalik na ang pansin ko sa tinutungga namin.Awtomatiko namang tumayo si Evamae at isinukbit ang bag .

"Panu tropa?mauna na kong  umuwi sa inyo..andito na ang sundo ko eh."nakangiting paalam nito.

"Ang KJ naman ni Reij!hmp!"nakasimangot kong saad.Kunwaari'y nagtatampo  ako.

"Oo nga,di pa nga nalalasing si Evamae eh."sang-ayon ni Michelle.

"Sige na munch,alis na kayo,ingat sa byahe."narinig kong sabi ni Mati,siya ang tinuturing kong less abnormal sa grupo namin palibhasa kasi tita niyang nagpapaaral sa kanya.Nginitian ko lang ang magkasintahan  nang kumaway samin bago tuluyang nawala saming paningin.

'Oh!yung may mga boyfriend na KJ dyan magsiuwian na rin.'patutsada  ni May na ang tinutukoy ay sina Kelly,Michelle at siyempre ako.hehe.

"Tara!uwian na,sabay-sabay na tayo total pagabi na rin."sa Mati na naman .Nagsitayuan naman kami at nagkanya-kanya ng lakad kahit pasuray'suray na.

"Hoy!apat na bote ang nainom nyo!di pa kayo nagbabayaad!"si Jericho yun.Ang binatang anak ng  may-ari ng tindahan na paborito naming utangan.

TROPA : BOOK 1 (WALANG iWANAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon