"Ang Kwento Mo Sa Kanila"
Nakakapagtaka
Kung paano ako kinilig
Nang sabihin
Ibinulong mo sa akin
Kung paanong
Ikukuwento mo ako
Sa mga tala
Habang makulimlim
Ang langit
At bumubuhos ang ulanNakakapagtaka
Kung paanong pinaniwalaan kita
Ang iyong mga salita
At paghaplos sa kamay
Ang iyong munting ngiti
Noong sinabi mong,
"Hindi ako lilisan.
Ika'y hindi ko iiwanan."Nakakapagtaka
Kung bakit hindi ko napansin
Ang mumunting paalam
Sa pangakong ikaw ay babalik
At ako'y tumingin lamang
Sa mga bituin
Kung sakaling naisin kong
Ika'y muling makapilingMahal,
Bakit ganoon?Bakit mo hinayaang
Tuldokan ng isang bala
Ang ating pagmamahalan?
Hinayaang maging abo
Ang iyong mga pangako
Sa kagustuhang maipaglaban
At sundin ang gobyernong
Ilang beses nang tinalikuran
Ang mga mamamayan?Mahal...
Hindi ko matanggap
Minahal kita
Kahit ginusto mong maging sundalo
At ipaglaban ang bayan
Na kinalakhan mo
Pero bakit ganito?
Bakit?
Bakit...Ang ganda ng kalangitan
Malamig ang simoy ng hangin
Ngunit mas gusto kong titigan
Ngayon ang mga tala sa langit
Andiyan ka na ba?
Kasama mo na ba sila?
Mahal...
Kinukuwento mo na ba ako sa kanila?
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
PoetryThis is a compilation of my poems related to the title itself. - Please do not post anywhere else without my permission. Remember, plagiarism is a crime.