1

6 1 0
                                    

"Tara na kasi, Sae!" Pagpadyak ko pa sa harap nya.

"Yuna pwede ba? Sunod sunod na araw mo gusto kumain sa hepalane! Gusto mo ba talaga mamatay?" Aburidong sagot sakin ni Sae.

"Ang OA naman. Patay agad? May nabalitaan ka bang namatay sa pagkain dun?!" Isa pa, sino naman may gustong mamatay di ba? Baliw din to.

"Ikaw pa lang, maybe after few days." Umirap pa ang bruha.

Ang hepalane ay isang street na punong puno ng street-foods. As in! Name it and you'll have it. Siomai, fishball, kikiam, isaw, betamax, even burgers na puchu puchu, nandun!

Hindi ko din alam pero tuwang tuwa ako pag kumakain ako dun. May iba pa akong kinakainan bukod sa hepalane. Yung sisigan ni Aling Jek! Sobrang sarap! Kaya lang, etong si Sae nakakita ng ipis nung minsan, ayun, ekis na kagad sa kanya. As if naman kasi sa pagkain n'ya nakita yung ipis. E gumagapang lang naman sa gilid. Apaka arte!

"You're not poor but your taste is so low." Sabi nya habang naglalakad kami.

"Kailangan mahirap para kumain ng street-food?" Sagot ko sa kanya na lalo nyang ikinainis.

"My goodness, Yuna! Pwede naman kumain sa medyo malinis linis na kainan. Hindi yung ganyan na lahat na ata ng studyante ng FEU at UE nasawsawan na yung sawsawan ng fishball na kinakain mo!" Grabe lang yung tawa ko. Feeling ko nga din di na napapalitan yung sawsawan. Dagdag na lang ng dagdag. Dagdag sarap din siguro yun.

"Ang OA talaga, Sae!" Sagot ko na tumatawa pa din.

"Di lang yun no! Lahat ng uri ng sasakyan dumadaan dito sa lane natin. Di mo ba naisip lahat ng alikabok na napupunta sa pagkain na yun?" Patuloy nya sa paglilitanya. Napapailing pa.

Huminto kami sa maliit na church dito sa loob ng school namin kaya natahimik kami sa pagbabangayan ni Sae. Lagi kami pumapasok at nagdadasal sandali bago kami umuwi.

Papa God, kalabitin mo naman po tong kasama ko o. Gusto ko po talaga ng isaw. Promise po, dalawang stick lang. Please? Ay! Salamat po pala kasi mukhang perfect ko po quiz namin sa Law. Thank you din po kasi mukhang matatapos ko ang sem na 'to na nakakapasa sa lahat ng subjects. Gabayan nyo po ako pauwi ha? May dreams pa po ako. Sige po, kain na po muna ako. Love you, Papa God!

After namin magdasal ay sinamahan na rin ako ni Sae sa hepalane. Hindi nga lang sya kumain at nakasimangot pa din ang mukha. Okay na din, at least nalaman ko talaga na ang lakas ko kay Lord. Nakalabit nya agad tong kaibigan ko.

After ko kumain ay deretso na kami sa sakayan ng jeep. Pareho kami ni Sae ng sinasakyan na jeep pero magkaiba kami ng binababaan. Sa Don Quijote kasi ako, habang sya ay sa Maria Cristina. Mauuna ako pero sa sunod na kanto lang naman sya.

"Una na ko." Sabi ko sa kanya ng malapit na ako.

"Bata ka pa." Sagot naman nya.

"Epal ka." Sagot ko bago ako tuluyan ng bumaba ng jeep.

Sa pinaka kanto lang naman ang apartment namin kaya di hassle sakin. Mga dalawang tumbling at isang kembot, nasa apartment na ako.

Nagulat pa ako pagpasok dahil naabutan ko si Mama sa loob. May pasurprise visit na naman. Akala naman nya mahuhuli nya ko.

"Ma." Lapit ko sabay mano at halik sa pisngi nya.

"Anak!" Nakangiti nyang bati sakin.

"Napadaan po kayo?" Tanong ko habang linalapag ang gamit ko sa sofa. "Uuwi naman na po ako bukas ah?"

"Nagpunta kasi ako sa mga Tita mo. Nagbigay ako ng konting gulay at prutas na ani natin." Sagot nya naman habang naglalabas ng take out food.

"Kumusta po sila, Ma?" Tanong ko habang nagpapalit ng damit pambahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Typical Fairytale, Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon