III: Koro

18 1 0
                                    

"Break na muna tayo," pag-aya ko sa kanya.

"Ha? Saan ba ako nagkulang, Jai?" Tignan mo, nagdrama pa ang loko.

"Sira! Bahala ka nga d'yan," sabi ko at iniwan si King doon na nag-iihip pa rin ng lobo.

Sa cafe gaganapin ang surprise birthday party para kay Tita Amy. Inorganisa ito ng mga anak niya na pinsan ko rin. Sa ngayon ay nagseset-up kami ni King ng stage design at buffet table.

Pumunta muna akong locker room para kunin 'yung baon kong chichirya. Pagkatapos ay lumabas na ako at tumapat sa aircon. Hay, sarap buhay.

"Pahingi!" biglang lapit ni King. "Favorite ko 'yan, e."

Naalala ko nga na noong high school, itong Moby 'yung madalas niyang bilhin sa canteen.

"Ayoko nga," pang-aasar ko. "Bumili ka ng sa'yo."

"Damot," bulong niya bago hablutin 'yung Moby. "Hoy!" tawag ko. Ang walang hiya, nagpahabol pa!

Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may nagsiputok na lobo dahil naapakan ko.

"Oh," balik niya sa Moby na tila kalahati na lang yata 'yung laman. Nagpeace sign pa!

Akalain mo nga naman, magdadalawang linggo ko nang pinagtitiisang kasama ang kumag na ito. Madalas naman siyang matino, pero may mga pagkakataon lang talaga na umaatake ang pagkabalasubas niya.

Gaya nung isang araw, halos makatulog na ako habang shift kasi umuulan at malamig. Wala rin namang gaanong umoorder. Paggising ko mayroon na akong cat whiskers sa pisngi! Kaya pala tumatawa 'yung ibang customer.

Ikaw ang paborito ko
Paboritong mukha sa mundo
Inis man at nang-aaway
Isang lambing lang naman ang hiling

Sa'yo ang paborito ko
Paboritong ngiti sa mundo
Galit man at nang-aaway
Isang lambing ay nakuha mo na naman ako 🎶

"Anyare, natahimik ka d'yan?" tanong ko sa kanya dahil parang hindi siya mapakali sa isang sulok. Medyo namumula pa 'yung mukha niya. Dahil ba sa pagtakbo? 'Yan kasi!

Nilapitan ko siya at hinawakan sa noo. Wala naman siyang lagnat. "May hika ka ba?" Umiling lang ito at pumasok sa kitchen.

Tumungo na lang ako sa cellphone kong naka-charge sa gilid para tignan kung nagtext na ba 'yung magdedeliver ng pagkain.

'Paborito by IZ'—saad ng nagpeplay sa Spotify ko na nakaconnect sa speakers.

* * *

"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta ng lahat ng bisita bago hinipan ni Tita Amy 'yung kandila sa cake. Sakto ring bumukas ang party poppers.

Nagsimula na 'yung programa. May mga tinatawag ang host para magbigay ng mensahe kay Tita Amy. Pagkatapos ay pumila na ang mga tao sa buffet.

"Grabe Jai, magtira ka naman sa iba," sabi ni King habang kumukuha ako ng fruit salad. Kaunti lang naman ang kinuha ko! Pang-asar talaga 'to.

Ka-share namin sa table sina Ate Shara at Kuya Vien, mga empleyado rin sa cafe. Pati ang mga magulang ko at si Tita Mylene, kaibigan nina Mama.

"Kumusta, Jai. Tumaba ka yata ah," bati ni Tita Mylene. Kita ko namang nagpipigil ng tawa si King sa tabi ko.

Gusto ko sanang sagutin ng 'Kayo rin po' pero tanging pilit na ngiti lang ang sinagot ko.

"Mayroon ka na bang boyfriend?" usisa pa ni Tita. Bakit ba ako ang nasa hot seat dito?

"Wala po." Wala na.

"O eh ba't hindi na lang kayo nitong si King, kay gwapong bata. Ano, mare?" lingon nito kay Mama.

Kunwari pa itong si King na mahiyain. May pa-"Hala, hindi naman po" pang nalalaman.

"Oo nga, anak. Bagay kayo, kaysa doon sa isa," tukoy ni Mama kay Alas. Jusko po, lamunin na sana ako ng lupa! Ang sarili kong nanay, binubugaw ako. Si Papa naman tahimik lang, paano kasi inaanak niya itong si King. Magkasamahan sa office 'yung tatay ni King at si Papa.

Dagdag pa sina Ate Shara at Kuya Vien na mapang-asar akong tinitignan. Buti na lang naagaw ang atensyon namin nang magsalita muli ang host.

Nagpalaro ito ng singing contest sa karaoke. Ang cash prize sa may pinakamataas na score ay isang libong piso. Ilan sa nagvolunteer sumali ay mga pinsan ko.

Masasabi kong karamihan ay maganda talaga 'yung boses. Pero ang iba ay dinaan lang sa lakas ng loob. Ang pinakamataas na score ngayon ay 97.

"Mula sa table na 'to, sinong representante niyo?" tanong ng host sa amin. Tumingin ako sa ibang gawi dahil hindi ko kayang kumanta sa harap ng maraming tao. Sinubukan nila akong pilitin pero ayoko talaga.

Si King naman ang napagdiskitahan nila. "Sige na King! Ang KJ niyo ni Jai," pilit ni Ate Shara. Bakit ba hindi na lang sila ang kumanta kaysa magturo ng iba?

"Ayon! Mayroon tayong bagong challenger!" anunsyo ng host. Nagulat ako na nasa harapan na pala si King at pumipili sa song book. Seryoso ba? Hindi ko pa siya naririnig kumanta.

Pumindot na siya ng numero at lumabas ang 'Tulad Mo' by TJ Monterde sa karaoke.

Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba?
Sana nama'y wala

Di mo 'ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O, kay ganda, o binibini 🎶

Napakunot ang noo ko. Maganda ang boses ni King. Pero hindi ko mawari kung bakit parang pamilyar ang pagkanta niya.

O, ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan at 'di pababayaan
'Pagkat ikaw sa'kin ay prinsesa 🎶

Nakatanaw ako sa labas nang may dumaang estudyanteng may sukbit na gitara. Sa puntong iyon ay napagtanto ko na. Mabilis akong lumingon kay King at saktong nakatingin siya nang diretso sa akin.

O, magandang diwata
Sana'y may pag-asa
Pag-ibig ko'y aking sinulat
At ikaw ang pamagat
Sana naman ay mapansin
Himig nitong damdamin
Na walang iba pang hinihiling
Kun'di ikaw ay maging akin 🎶

Pumipintig ang mga tainga ko. Siya ba? Si King ba? Dahil kung oo, may eksplenasyon ba sa lahat ng ito? Nagkataon lang ba? O sadyang... Sinadyang...

Tumayo ako at agad lumabas. Naguguluhan ako.

"Jai," tawag nito mula sa likod ko. Sinundan pala niya ako...

Huminga muna ako nang malalim bago lumingon. Kukumbinsihin ko na lang ang sarili ko na wala namang nakakagulat doon. Ano naman ngayon? Ano naman kung siya si—

"IZ," tawag ko sa kanya. Mukhang alam naman niyang alam ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KodaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon