Chloe's POV:
Kanina pa akong mukang tanga kakatago kahit saan dahil sa lalaking yon! Tsk,kawawa ako kapag nakita nanaman ulit ako non. Bakit naman kase napakahilig sumama sakin ng baklang yon.
Pasimple kong tinatago ang mukha ko sa bawat paglakad ko dito sa caf. ng skwelahan na ito. Tsk. Bakit kase ang tagal namin makagraduate?! One week na magmula ng ikasal yung dalawang ahas,char lang. Okay na ako no! Wala ng dahilan para maging bitter.
Pero yung mga tao talaga masyadong bitter pa rin saakin. Tsk,i don't care. Akala nila ako yung kontrabida, well ako nga pfft pero ano ba magagawa ko? Eh kung sa ganito ang ginawa saakin ni Harold eh. Pwe! Kasal naman na kase yung dalawa at nananahimik na pero yung mga bunganga ng tao hindi matahimik. Kakaimburna.
Nagpalinga-linga muna ako bago umorder ng pagkain ko dito. Since lunch ngayon ay dito nalang ako sa caf. kakain. Ayoko kaseng umuuwi pa sa bahay. Wala lang nakakapagod lang,para kaseng bata kung uuwi pa ako diba? So ayun ng makita kong walang bakla ang umaaligid saakin ay prente at taas noo akong naglakad papalapit sa cashier para umorder na.
"One spag and One Chocolate Milk." pag kakasabi ko nun ay agad akong kumuha ng pera sa LV wallet ko. Pfft. Agad ko itong ibinigay sakanya. "Keep the change." ani ko rito kaya naman nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti sa mukha nya.
"Thank you po,maam!" maligayang ani nito at kinuha yung order ko. Nakalagay ito sa serving tray kaya madali ko lang itong nailagay sa vacant table na nakita ko. Good for two person ang table but wala akong kasama kaya naman ignore nalang.
Dun ako sa hindi masyadong kita na table dahil baka biglang sumulpot si bakla,may lahing kabute pa naman yon. Nako nako.
Nagsimula na akong sumubo ng spaghetti dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Since wala yung kaibigan kong si Joyce ay ako lang mag isa ngayon. May major kase sya ngayon at magkaiba kami ng major, dahil ang major nya ay BTC beauty take care yan. Mahilig din kase sa make up yon,habang ang major ko naman ay Culinary arts. Mahilig akong magluto eh, pero wala akong major ngayon dahil unang-una, lunch na pangalawa minsan lang magturo prof namin since always hands on kami sa pagluluto. Eh yung BTC 11:00 palang dapat nag lunch ka na kase basta 12:00 na, kailangan mo ng pasukan yung major na yun dahil sa dami nilang kailangan ayusan,at dahil na rin palagi silang nailalaban sa mga patimpalak sa iba't-ibang bayan. Nagkakasama lang kami ni Joyce kapag vacant namin. Pero ganon pa din minsan lang ang vacant. Classmate ko naman sya pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan kase ayoko ng madaldal sa klase. Like dzuh. Pumasok tayo para may mapag-aralan hindi para pag aralan ang mga ganap sa skwelahan.
"Aish! Iniiwasan mo ba ako,Chloe ha?!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si bakla. Pakshet umiinom ako ng Chocolate milk ko ng bigla syang sumulpot kaya ang ending natapunan ko sarili ko!
"Yah! What's your problem?! Yan tuloy natapon!" inis kong sigaw rito. Agad naman syang kumuha ng panyo sa bulsa ng slacks nya at lumapit saakin para punasan ang uniform ko.
"Sorry na! Iniiwasan mo kase ako eh!" nakanguso nyang usal habang pinupunasan ang top ng uniform ko.
Shit! Too close! Nakakainis 'tong lalaking 'to! Bakit ganon?! Kahit inis na inis ako sa presensya nya makita ko lang ang maamo nyang mukha nawawala agad inis ko. Aish! Nakakainis!
Tinulak ko sya para mawala na yung mga bother thoughts sa isipan ko. "Ako na! Wala na, nadumihan na!" padabog kong kinuha yung panyo na ginamit nya para punasan ang uniform ko.
Napansin kong naupo sya sa bakanteng upuan ng table na ito. Hindi pa sya nakuntento at itinabi ang bangko nya sa bangko ko at nangalumbaba sa harapan ko. Tinitigan nya lang ako hanggang sa matapos ko ang pagpupunas ng madumi ko ng uniform.
YOU ARE READING
He's Inlove With A Kontrabida
Novela Juvenil(⚠ Warning⚠: Pumapatay ng judgemental ang author.) Paano kaya kung yung dalawang tao na hindi napili ay silang magkatuluyan? Yung babaeng kontrabida sa isang lovestory tapos yung lalaking second leading man lang? What if sila pala talaga yung nakata...