"Are you ready for tomorrow?" Tanong ni Dad during our dinner.
"Of course, Dad. Kailan ba hindi?" I respond and smirked.
"I heard he's a playboy so better watch out baka madala ka ng pambobola niya."
"Dad, masyado na akong maraming nakasalamuha na tulad niya. Do you think na mauuto niya ako?" As if anyone can, duh.
You must be curious kung ano bang meron bukas. Tomorrow, I will meet my "possible" fiancé. Yes, possible lang kasi nakadepende sakin kung papayag ba akong ma-engaged sa ipapakilala ni Dad sa akin bukas.
Don't get my Dad wrong. Hindi niya ako pinipilit na magpakasal sa kung sino-sino for the sake of our business kagaya ng mga napapanood natin sa television about arranged marriage. And if he does, as if na papayag ako.
Since our business requires to partner with other businesses to make it grow, arranged marriage is a good way para mapagtibay ang bond na meron ang mga may-ari ng companies and also for the future sake. But mahal ako ng Dad ko, kaya hinahayaan niya na ako ang mag-decide kung agree ba ako sa arrangement.
Also, kapag tumanggi ako sa arrangement, ginagawang reason ito ni Dad para ma-cancel ang partnership niya sa company owners na may hindi magagandang feedback at may hidden agenda towards our business. Gumagawa na agad kami ng investigation about sa company owner at sa anak nito na baka maging fiancé ko. Meron kasing mga naging partner si Dad na gustong gamitin ang company name namin for their selfish desires. Medyo magulo ba? Huwag mo na intindihin kung 'di kaya baka malusaw brain cells mo.
"Ichika, kailan ka ba pipili ng mapapangasawa mo? It seems like you don't actually have any intention na pumili sa ipinapakilala ng Dad mo." Oh, no. Here goes mom and her irritating nagging. Kahit sa pagkain nagsesermon parin.
"Honey, hayaan mo na si Ichika. Syempre she's looking for someone like her dad na gwapo na mapagmahal pa. Right, Ichika?"
"Of course, Dad. If they can't be someone like you, I don't want them." Alright, as you can see, I'm a daddy's girl. He supported me with the things that I like that's why I really love him.
"At ikaw naman, hahayaan mo lang ba talaga na ganyan ang mangyari!? Pwede naman sigurong maghanap ka na lang sa mga anak ng business partners mo at ipakasal mo dyan sa batang yan. Honey, 25 na si Ichika, she needs someone na tutulong sa kaniyang magpatakbo ng business natin in the future. And how can she even choose the right man kung she never experienced to date someone. Baka mamaya matinong lalaki na naka harap niya, di niya pa alam." Ito na lang ang palaging sinasabi ni Mom. I don't know if she really cares for me or the company.
I mean, I know naman na ako ang magmamana ng company kaya nga I studied everything about our business. Gusto ko lang naman ng best para sa akin at para sa future ng company kaya nagiging mapili ako.
"Honey, just let her be. Malaki na ang anak natin. She can do whatever she wants. Mabuti nga at matino yang anak mo eh. She's not like the other kids na walang ibang ginawa kundi mag-party and spend all their parent's money." Pagtatanggol ni Dad sakin.
"Fine, whatever. Lagi naman kayong tama na dalawa. Finish your food, Ichika at matulog ka ng maaga." OMG, seriously? She just said, I'm already 25 pero she talks to me like I'm a kid.
After dinner, I took a shower and do some skin care. Girls, we should take care of ourselves kasi wala namang ibang mag-aalaga satin. Oh? Masakit? Okay lang naman kung single ka, ako rin naman pero masaya naman ako kaya you must be happy too.By the way, ang dami ko ng sinabi at marami na rin kayong nalaman kaya dapat na kayong itumba! Okay, 'di nakakatawa. Anyway, I'm Ichika Sato. Anak ni Isuki Sato, owner of one of the biggest company not only in Philippines but also in Japan. Yes, Japan. Japanese kasi si Dad but he stayed here ever since na nagpakasal sila ni mom. Ang sweet diba? Bumabalik naman siya sa Japan once a year for vacation.
For clarification, hindi ako marunong magsalita ng Japanese kasi hindi ako interested. Nakakaintindi ng few words pero nonsense lang din. The last time nga na punta ko sa Japan is noong baby pa ako.
...........
It's 7:00 in the morning. Hindi muna ako bumangon at tumingin muna ako sa poster ni Shoto Todoroki. Kung hindi mo siya kilala, nawala mo na agad ang kalahati ng maganda mong buhay. Charot lang. Isa siyang anime character na masasabi kong sobrang hot. Oo, I'm in love with anime. Kaya minsan nagsisisi ako na hindi ako nag-aral ng Japanese.
"Good morning, baby! Hayyy, sana totoo ka na lang 'coz you're hotter than any man I know." Okay, sabihin niyo na I'm crazy but I don't care. You don't understand the feeling kasi! Anime guys are way better than real ones.
In few more minutes, I decided to get up and took a shower. Kailangan ko ng mag-ayos kasi kailangan kong makipagkita sa possible fiancé ko na ngayon pa lang alam kong hindi ko magugustuhan kahit bolahin niya pa ako.
Like I said before, we are conducting investigation to them and alam ko na agad ang mga bad sides nila bago ko pa sila makita. I just want to see them para makita ko kung they are hotter in person than in picture Hehehe. What? Mapili ako pero babae pa rin ako, no! But no kidding aside, I want to meet them para I can know how they will act in front of me.
"Good morning, Dad!"
"Good morning." Dad greeted back with a contagious smile. I bet this smile made my mom fall in love with him. If a guy doesn't have a smile like my dad, I don't want him.
"Oh, anak, bakit nakangiti ka dyan na parang baliw? Huwag mo sabihing kinakabahan ka?" Doon ko lang napansin na natulala pala ako.
"No way, no one can make me feel that way." I answered with confidence. Totoo naman. Wala pang lalaking nakapagpakaba sakin except my dad, of course. Kahit mabait si Dad, nakakatakot yan magalit so I don't want to upset him.
"Oh, kumain muna kayo ng almusal bago kayo umalis." Pagyaya ni Mom.
Nag-almusal muna kami ni Dad tsaka umalis.
YOU ARE READING
The Truth Untold
DiversosIt's no ordinary love story. Though every love story is unique, ours is seriously confusing and unexpected. I thought it was impossible. I tried to deny and avoid it but the TRUTH UNTOLD was exposed.