JOYCE NOTE
Ayun matutunghayan muna natin sa Chapter 17 ay ang mga paintings na may kaugnay sa past nina Drake at Keith sana wag kayong maguluhan . Kasi kada pinapaint ni Keith ay may kaugnayan sa kanilang dalawa
Wala muna nang Tamara at Drake sa chapter na to 💙Thank you💜
KEITH POV
#1
Nakatingin naman ako sa kauna unahang pininta ko .
Maraming Cherryblossom na nay babaeng nakaupo sa bench at nakatingin sa langit
Isa lang ang pahiwatig nito.
Nagiintay ang isang babae na dumating ang kanyang mahal para punan ang pagkukulang pati na rin ang kanyang pangakong naiwan sa babae
Nakangiti naman ako sa pininta ko hindi ko alam na maiisip at maalala ko pa ang mga pangako namin ni Drake
Nakaupo kami ngayon ni Drake sa isang bench malapit sa isang playground kakatapos lang namin pumasok at saka naman nagpapahinga kami ngayon
"Yenyen kapag lumaki tayo gusto ko pumunta tayong korea tapos uupo tayo sa maraming cherry blossom diba favorite mo yun tapos magiintay tayo ng mga patak na dahon tapos magwiwish tayo para paglaki natin tayo parin magasawa na tayo gusto mo ganun yenyen kasi ako gusto ko din nun"
Ngumiti naman ako at tumango bilang sagot"Wag kang magkakaboyfriend ah kahit malayo ako dapat ako ang una mong boyfriend para akin ka lang talaga simula ngayon hanggang pagtanda natin"
Nakapout niyang saad habang hawak hawak ang kamay ko"Oo ikaw din dapat"
□End of FLASHBACK□
Mga pangako naman oh tanda tanda ko pa ng ang ganda ng ngiti ni Drake ng araw na yun yung tipong wala nang bukas at sigurado nang kami para sa isat isa in the future kasi hindi andiyan kasi si Tamara Sofia Colton gumugulo sa buhay namin
Siya narin yung mahal ni Drake gusto ko ibalik ibalik ang noon pero paano ? Paano kung ayaw na talaga ni Drake pano kung si Tamara na talaga ang para sa kanya ? Ano pang magagawa ko ?
He's my first love and also my last noong Highschool kami sa kanya lang ako nakatingin may mga nanliligaw sakin pero never ko silang pinansin kasi sumusunod ako sa pangako namin .
Martyr na kung martyr hindi ko naman kasalanan kung bakit minahal ko siyang todo
Napangiti na nalang ako at saka tinalikod ang painting at nilagyan ng sulat
Promise
naman nilagay ko ang p-paint sa tabi ng Kama ko
Nakaramdam naman ako ng uhaw sa pagpipinta kaya naman bumaba na ako napatingin naman ako sa pailigid ang tahimik dito sa bahay wala kasi sina Drake at Tamara monthsarry daw eh edi sila naaaa
Pagkatapos ko uminom nagdala na rin ako ng bote baka sakaling uhawin ako edi hindi na ako pababa kakapagod kaya bumaba sa hagdan aba
#2
Pagkarating ko sa kwarto ko agad ko namang kinuha ang Canvas sa tabi ng aparador ko at pinatong sa Easels kinuha ko na rin ang pencil ko para makapagsimula na ako
Agad naman akong gumuhit ng ..
Ng lalaking nakatigilid habang hawak hawak ang buhok ng babaeOo alam kong simple lang ang p-paint pero lahat ng to ay isang pangarap ni Drake pangarap na hindi hindi mangyayari kasi alam kong may mahal na siyang iba
Naalala ko naman ung mga bata pa kami pero sobrang sweet niya nun yung tipong para talaga kami sa isat isa
"Yenyen paglaki ko liligawan talaga kita tapos di ako papayag na makuha ka ng iba kasi dapat tayo lang " habang sinusuklayan niya ako
BINABASA MO ANG
Loss Of Love (La Tiana SERIES #1) [COMPLETED]
RomancePano ba kung ung mahal mo may mahal nang iba... pano ko ung mahal mo may minamahal na iba.pero para sa kanya isa kang malaking basura Bitch,Slut o ano pa . Dahil sa pagmamahal mo sa kanya nagsisimula ka ng maging Tanga nararanasan mo ng maghirap par...