"Ano 'yan?" Tanong ng kaibigan kong si Daisy na may pakunot noo pang nalalaman.
"Papel malamang." Pilosopo at medyo natatawa kong tugon.
"Hoy, Justine. Alam kong papel 'yan pero ano nga exactly 'yan?" Agit na niyang pag-usisang muli at sinabayan pa ito ng pag-ikot ng mga mata. Sarap tuloy tusukin.
Sinagot ko na lamang ng matino-tino ngunit may pang-aasar pa rin. "Naalala mo yung sa Humanities natin no'ng First Year, Manang Daisy?"
Sumimangot naman siya sa pagtawag ko ng Manang sa kanya. "O anong meron doon?" Pagsasawalang-bahalang tugon na lamang niya sa aking tanong.
"'Di ba no'ng midterms, si WPS ang nag-check ng test paper ni Sarah?" Si Sarah ay kaibigan din namin.
"Sino si WPS?" Nahihiwagaang balik-tanong niya.
"Si Wong Ping, na ang English name ay Sean. Yung-"
"-crush mo!" Pagtatapos niya sa sinasabi ko.
"Oo." Natatawang tugon ko. "Ito yung part ng test paper ni Sarah na sinulatan ni WPS ng name at signature niya.
"Ikaw kaya pumunit niyan Daisy. Kaya ako napagalitan ni Sir." Sabat naman ni Sarah.
"Seryoso! Nasa 'yo pa rin 'yan?" Gulat na tanong ni Daisy na isinawalang bahala ang sinabi sa kanya ni Sarah.
Nakita ko lang naman 'to sa wallet ko. At kapag nakikita ko 'to naaalala ko mga kabaliwan namin dati.
Ang bilis ng panahon, Fourth Year college students na kami. Akalain mong hindi lang pala kaba ang dulot ng test paper, pwede rin namang alaala.
