CHAPTER #14

4 0 0
                                    

Ng makarating kami sa place napaka liwanag.Dahil may mga nakasabit na lights sa mga puno na siyang nagsilbing liwanag sa lugar.

"Ang ganda,nung nakaraang taon ba kayo meron din?"tanong ko kay raniel at tumango naman siya."Ano bang meron,pag Camp Fair?"

"Puro activities lang and marami ka ditong makikilala.Event kasi to na kung saan freshmen students yung bida kaya kasama kaming mga seniors dahil,Part ito ng pagbibigay pugay namin sa mga bago."saad niya,kaya napatango naman ako

Maya maya pinaayos kami ng pila,dahil may magsasalita pa may ginawa kasing mini stage sa harap.Hindi nagtagal ay may umakyat na sa stage na medyo matanda ng lalaki

"Hello to all students,My name is Felip san jose the organizer of this program,and welcome to Camp Fair Hope that you enjoy this Fair.There are a lot of activities here and later the activity will start.But before that kakain muna tayo naghanda yung mga kasamahan ko and hope you like it."sabi ni Mr.Felip

Marami pa siyang sinabi na kung ano ano.Natapos ang Speech ni Mr.Felip at nagsimula na kaming pumunta sa lugar ng kainan.

Kanya kanyang kuhanan,at bago ka makarating sa lamesang pinaglalagyan ng mga pagkain ay talagang gutom kana.Napakahaba ng pila lalo na't halo halo na ang mga studyante.Nakapila na kami nina carl kasama namin sina raniel.Baka daw kasi tapos nayung activities pero hindi padin kami nakakakain kung hindi agad kami pipila.

Malayo layo pa kami sa kuhanan ng pagkain.Pero hindi nakakainip dahil nagpatawa nalang ng nagpatawa ang bakla

"Hagard na ang lola niyo bago makarating sa kainan"sabi ng bakla at nagsalamin sa mini miror niya

"Ano kaba!Matagal kanang hagard, ngayon mo lang napansin"pambabara ni celine

"Wow naman nag salita ang hindi hagard,para sabihin ko sayo teh kaya ka natipuhan ni harvey ay hindi niya masyadong natitigan ang mukha ko.Kung natitigan non ay nako"Carl

"Hoy!Kung ikukumpara ko ang sarili ko sayo ay wala kang panama saakin,mga 100 pang ligo para maging kagaya kita"pananaray ni celine

"Oyy tumigil nga kayong dalawa,baka mag away pa kayo dito nakakahiya"saway ko sa dalawa

"Ayy si katana nag papapansin,sorry teh usapang maganda lang to"pang aasar ni carl,pero wala lang saakin yun sanay na kasi ako

Sasagot pa sana ako nung biglang may magsalita sa likod namin

"Could you please shut up?Nakakairita kayo ang iingay"

Sino pa nga ba edi si ryle na kj

"Ayy sorry papa ryle"carl

"Pasensiya na ryle"celine

Tumahimik nalang ako,dahil alam ko namang ako ang kinagagalitan niya.Kanina pa kaya sila nagkwekwentuhan nung nagsalita ako ngayon,biglang sumabat

"Alam mo bro ang kj mo"saad ni raniel

"Oo nga nandito tayo para mag saya,don't be kill joy"angelo

"The two of you."saad ni ryle at tinuro si raniel at angelo."I don't need your opinion"inis na saad niya

Narinig kopang bumulong si drake pero diko narinig medyo malayo kasi siya saakin.

Malapit na kami sa Table na may mga food ng makita ko si Nicholas papunta sa pwesto namin ang dami niyang kasama.Mga lalaki at babae na mukhang mag jojowa

"Hi katana"bati niya nung makarating siya sa tapat namin.Nginitian ko naman siya.Nakita ko si harvey nilapitan si celine.

"Hello."balik kong bati

Let Me Escape From Reality(SOON to be published)Where stories live. Discover now