2

6.9K 222 64
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad-takbo ni Lea patungong klase namin dahil late na kami. Kung bakit naman kasi tinanghali kami ng gising.

Nang makarating sa tapat ng aming room ay inayos namin ang mga sarili bago bumati sa instructor naming nakatalikod sa gawi namin.

"Good morning, lates. Please take your seats." biglang bati niya bago humarap sa amin na may blankong ekspresyon. Napugto ang hininga ko nang mariin niya akong titigan."Tatayo na lang ba kayo dʼyan?"

"H-Hindi po, Sir! Tara na, Thaddia." ngarag na sabinabi ni Lea bago ako hinila papasok at naupo sa dulong upuan.

Napayuko ako at abot-abot ang hiyang nararamdaman sa mga oras na 'to. Totoo ngang siya ang papalit pansamantala kay Sir Alvin.

Nilingon ko si Lea at bumulong. "Altafranco si Sir, hindi ba?"

"Oo. Kung hindi mo natatanong, sikat sa Facebook at Instagram ‘yan. Achiever, Ambassador, at role model. Nahihiya ka 'no? Pft."

"Gaga!" Isang tanong lang tinanong ko, ang daming sinabi. Sana ginawa niyo ng Santo si Eldritch kung gusto niyong sambahin! “Kainis!”

"Yes, Miss Montefeltro?" tawag ni ser sa surname ko nang biglaan.

"H-Ho?" Teka, nagpapa-recitation ba siya o attendance? “Ah! Present po!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit. Siraulong mga ‘to. Anong nakakatawa?

Naglakad si Sir Eldritch sa direksyon ko na may blankong tingin. Kapansin pansin ang matikas na tindig nito. Nasa harapan ko na ito. Itinuon niya matipunong kamao sa aking armchair. Halos masamid ako sa sariling laway. Ang bango niya, puta.

"Ang galing-galing mong tumira kahapon, ngayon hindi ka makasagot sa tanong ko?"

Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko at tumungo. Hindi ko naman narinig! Pasimple kong tiningnan si Lea. Ang gaga kunwaring nagbibilang ng ilaw sa kisame!

"A-Ano bang tanong mo, Sir?"

"Anong score mo kahapon? Hindi baʼt sabi mo...knockout?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Muling naghagalpakan sa pagtawa ang mga kaklase ko. Pigilan niyo ‘ko. Bibirahin ko mga ‘to!

"Sorry, Sir."

Matunog itong ngumisi. Umalis ito sa harapan ko at naglakad pabalik sa unahan. Hindi niya matanggal sa akin ang blangko niyang tingin. "What are the ethics of an engineer again, Miss Thaddia?"

Aish. Bakit ang ganda ng pangalan ko kapag siya ang tumatawag?

Ethics daw? Ah, oo!

Tumayo ako nang tuwid. Hinila ko pababa ang maiksi kong skirt bago buong kumpyansa na sumagot. "Ethics, Sir?" pag-uulit ko.

Kumunot ang noo niya.

"Yes. What are the ethics of an engineer?"

"Ethics. Hmm, ethics kapag plural form ng mga ethic. Sa english po ay ducks!" ngiti ko pa.

Nagtawanan ang mga putang inang kaklase ko.

"Silence!" suway ni Sir.

Agad nagsitahimikan ang mga kaklase ko sa malakas nilang pagtawa. Pati si Lea ay nakisabay din. Nang lingunin ko si Sir ay nagngangalit na ang kanyang itsura pero nakukuha niya pa ring maging kalmado.

Ngumisi ako.

"Hindi ako nakikipaglaro, Montefeltro." seryosong aniya.

Humalukipkip ako. "E, Sir. Paano ho 'yan? Player ako kaya nakikipaglaro ako—"

Under Skies (Under Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon