thirty-two

65 0 0
                                        

Sean's POV

"Kuya," tawag ulit ni Sakura.

"I'm coming!"

"Monique, tara sa closet tayo," lumapit ako sa may pinto ng closet at dahil hindi naman masikip dito, dito ko nalang siya muna itatago.

Lumapit siya sa closet at pinaupo ko siya sa may floor.

"Stay here, you'll be safe here, I promise nothing will happen," mahinang pagkasabi ko, tumango-tango naman siya, tatalikod na sana ako nang tawagin niya ako.

"Sean."

Kaya tiningnan ko siya, napayakap siya sa'kin.

Nararamdaman kong kinakabahan siya.

Pero mas masarap sa feeling ang yakap niyang ito.

"Mahal pa din kita," bulong niya din, napangiti ako.

"Kahit daddy mo si Santiago Mondoñedo," bulong niyang muli, saka bumitaw sa pagkakayakap.

"Bababà na ako," sabi ko din.

"Sige," sabay ngiti niyang mapait.

Isinarado ko ang closet saka binuksan ang pinto ko, naglakad na ako pababà sa staircase at nakita kong may pinapakita si Sakura kay Daddy sa libro niya.

"Nandito ka na pala" wika ko at lumapit na, hindi ko kailanman sasalubongin ng yakap ang daddy kong makasalanan, kaya 'yon nalang ang bungad ko sa kanya.

"Is that how you greet your dad a welcome back?"

Napataas naman kilay ko at ngumiti ng pang-iinsulto.

"Dad? Haha, so tell me bakit ka umuwi?" tanong ko pa.

"Ayaw mo bang umuwi ako? Nagpadala ako ng letter hindi mo ba binasa?" tanong din niya pabalik.

Definitely ayaw ko siyang umuwi at hindi ko din binasa ang letter na naglalaman pala na uuwi siya.

"Kuya," tinawag ako ni Sakura.

"Yes?"

"Na 'san na po si Ate-"

"Sakura!" tinawag kaagad ni Kuya Seth si Sakura na nasa kuwarto niya.

"Po?" tanong naman nito at umakyat na. Lumapit naman ang yayang inutusan ko kanina na may dalang tray at meryenda.

"Sir ito na po ang meryenda para sa bisita-"

"Yaya pakiakyat nalang po niyan kina Kuya sa taas," kinakabahang sabi ko.

Masyado akong ninerbyos.

Nanginginig ang mga kamay ko, tiningnan naman ako ni Dad.

"May bisita ka pala? na 'san na siya?" tanong kaagad ni Dad.

"Hindi mo na kailangang itanong dad," saad ko naman.

"Bakit ka nga umuwi?" tanong ko na naman, lumakad kami papunta sa sofa.

"I heard that Lim Shao was the boss of that Prof. Vivian, and Isa pa itong si Jacxson Clifford, Nabalitaan kong ang grupo ng gang ng anak niya ay pinagplanuhan kayong magbabarkada."

"So what's about it?"

"I'm here para makipagkita kay Lim Shao, ang nasira kong kaibigan."

"Paano 'yong negosyo mo sa ibang bansa?"

"Nandoon si Kyle para magmanage and si Seth na rin ang umaayos ng transaction dito para mapadala kay Kyle sa Amerika," sagot niya, si Kyle ang cousin naming mas matanda kay Kuya Seth na nasa Amerika, at ang tinutukoy ni Santiagong transaction ay ang mga babaeng pinapadala sa ibang bansa na magtatrabaho sa club niya, Tsk! Wise old man.

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon