CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Booorrriiinnngggg....

Eto ako nakatingin sa mga kablockmates kong busy asikasuhin ang presentation na gagawin namin para sa nutrition month. Pati pala sa college uso payun? Kala ko hanggang high school lang eh.

Nga pala. Bati na kmi ulit ni Dess. Yung babaeng yun umiyak pa na namiss nya daw ako. Namiss ko rin naman siya pero di ako umiyak. Bawas angas yun eh.

Bawas angas pero umiyak na sa harap ni Shan at Knight? Siraulo tong isip ko ah! Nadala lang ako nang damdamin nun. Di nayun mauulit. Speaking of Shan, di parin namamansin yung asungit nayun. Isa pang asungot ang nakikita ko sa di kalayuan. Papalapit ito samin.

"hi babe! Hi insan!" umupo ito sa tabi ko at inalok sakin ang dala nyang burger. Itong kumag nato ang subrang epal talaga sa buhay eh. Pero di narin masama. Lagi akong may libreng foods eh.

" ay! Andaya! Si bessy lang? Panu yung sakin?" sila lang naman ang laging nagbabangayan eh. Kinuha ko lang ang burger saka hinati sa dalawa at binigay kay Dess yung kalahati. Ayan, para bawas ingay.

Pansin nyu bang parang minsan nalang ako magalit ngayon? Iniiwasan ko kasi talagang magalit ngayon. Napagsabihan ako ni lolo eh. Dumalaw siya sa bahay last week. Nabalitaan nya yung nangyare sa parking lot. Ayun pinagkaisahan nila ako ni kuya. Kala ko nga nakalimutan nayun ni kuya eh. Pero nung nabanggit ni lolo nong dinner ayun! Sobra sobrang sermon ang inabot ko. Kaya eto ako pa good girl muna. Alam ko kasing pinababantayan ako ni lolo sa mga tauhan nya. Haaysss...

Ok na sana yung pagiging good girl ko kaya lang.

" hey Dess! Bakit di kana sumasama sa amin? Balik ka na naman ba war freak mong... Ano tawag sa kanya? Kaibigan o takas rehas?" nagtawanan naman yung mga mukhang coloring book na alepores ni Mitch.

"kailan pa natutong maglakad ang mga coloring book Dess?" napatigil naman yung mga coloring book sa pagtawa. Nalukot din ang mukha ni Mitch.

"excuse me?!"

" aba Mitch! Anlaki nang daan dito ka talaga mag e excuse me? Di naman kami nakaharang ah? Kung dadaan ka. Edi dumaan kana! Isauli mo yang coloring book na hiniram mo sa arts department. Makasuhan ka pang magnanakaw. "

" B*tch what?!"

" ay! Bingi! Sa. Bi. Ko. Umalis. Ka. Sa. Harapan. Ko. Kung. Ayaw. Mong. Ingudngud. Ko. Yang. Mukha. Mo. Sa. Semento!" inisa isa ko talaga para magkaintindihan kami. Mahirap na. Bingi pala yung muse namin. Sana sa sped section nalang sya eh. Masabigan nga si maam minsan.

" Argh! Your so annoying! Btw. Hi chris! If your free later nasa engineering department lang ako. Bye babe!" abat! Nag flying kiss pa ang loka. Tinignan ko si Knight para malaman reaksyon nya pero bigla din syang lumingon sakin kaya napa iwas agad ako ng tingin. Gosh! Nararamdan kong umiinit yung pisngi ko. Yumuko nalang ako at nilukot lukot yung wrap ng burger na kinaib namin ni Dess.

"babe." uminit bigla ang ulo ko sa pagtawag ni Knight.

"ILANG BESES KO BANG SINABI SAYU NA HINDI AKO BABOY!" iniwan ko sila ni Dess dun at nagmartsa palabas ng classroom. Putanginang kumag nayun! Ginawa nanaman akong baboy! Tsk.

Bat di siya dun sa girlfriend nyang mag babe?! Pinagtitripan talaga ako ng kolokoy na iyon eh! May babe nanga sya i bi babe nya rin ako?! Ano akala nya sakin? Isa sa mga babaeng mapipikot nya?!

Haaay! Naku lumalaki g butad ng ilong ko sa asungot na iyon! Grrrr...

*blaaag!

Nabunggo yung isang babae sakin dahil pareho kaming di nakatingin sa dinadaanan at nalaglag ang mga tray na dala nya. Pero dahil mainit ang ulo ko.

"PUTANGINA! tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Letche!" mukhang natakot naman sa akin yung babae.

"s-sorry po!" nagmadali siyang pulutin ulit ang mga trays na nagkalat sa lapag. Mukhang culinary student si ateng.

Tinignan ko lng siya ng masama saka ako nagpatuloy maglakad sa may parking lot. Doon ulit sa kung saan ako inambagan ni ambok dati. Maganda tung lugar natu sa away.maganda yun, nahahanap ako nang basag ulo ngayon.

Di naman ako binigo ng expectation ko kasi may nakita agad akong grupo ng mga babaeng puro piercing ang mga taenga at mukha.

Nakikilala ko sila. Mga 2nd year to eh. Di lang ako sure kung anong course nila pero ok natu. Nakita ko narin sila dati sa mga undergroud fights at gangfights.

"uy. Bata, may pera kaba dyan? Bilisan mo. Ibigay mo samin lahat ng pera mo." angas na sita nung parang lider nung grupo nila. Napangisi naman ako.

"wala eh. Di ba kayu binigyan ng mga parents nyu? Wala kayong... You know? Baon? Kasi the last time i checked. Mayayaman ang mga istudyante dito? How come na nakapasok nyung mga taga... Taga saan kayu nakatira? Skwater?" sinadya ko talagang patinisin ang boses ko ang gayahin ang pananalita ni mitch sa akin kanina.

"di ko gusto yang tabas ng dila mo ah." duro sakin nung lider nila ulit. Mas napangisi naman ako.

"di ko rin gustong gawin to." di na ako nag akasaya pa nang oras at inambahan ko na siya agad nang suntok sa mukha.

Hinawakan ako ng dalawa sa grupo nila at susuntukin sana ako ng isa pa nilang kasamahan ng tadyakan ko ito paitaas sa ikot si likod nga mga humawak sakin at pinag umpog ko silang pareho.

Nakabangon ulit yung sinipa ko kanina at may hawak na itong batuta. Aba! Saan nanggaling yung batutang iyon? Ihahampas nya sana sakin kaso hinila ko patayo kung walang malay nilang lider at ito tuloy ang nahampas nya sa ulo.

"aahh! Sorry boss!" habang nasa ganong pusisyon pa siya ay in upper cut ko na siya. Ayun tulog silang apat. Ni wala akong galos. Tsk. Nasa adrenaline rush pako ng mapabaling ako sa pader nitong parking lot. Sus! Easy.

Tumayo ako at bumwelo saka patakbong lukso ang ginawa ko hanggang sa nasa kabilang side nako. See? Sisiw talaga.

Maangas na nag lakad ako papunta sa dati ko nang tinatambayan.

Pagdating ko sa lugar. Umikot ang paningin ko hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko.

"uy. Napadalaw ka?" sita sakin nung may ari ng resto bar. Siya si kuya Lex. Lungga ito ng mga gangster pero walang away dito kasi may mga tao rin na hindi kasama sa mundo namin. Bali mix ang andito may mga sibilyan at di gangster kang makikita. Pero di naman kataka taka kasi di mo naman iisiping gangster yung mga nandito. Saka masarap mga putahe at mga liquor nila dito. Kainan at inuman lang ang pede dito sa loob, sa labas kana kung away ang gusto mo. Sa likod ng resto bar natu ay ang coliseum. Doon naman nangyayare ang underground fights. Saka minsan gangwars na rin.

"wala ehh.. Gusto ko ng away." natawa naman eto. Inabot nito sakin ang isang bag. Napangiti naman akong tinanggap iyon.

Si kuya Lex ang isa sa mga nakakaalam kung sinu ako. Alam nyang ako si sacred. At siya ang nagtatago ng costume ko.

Agad akong napangisi. Naeexcite tuloy ako.


----------------------------

~joh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon