CHAPTER 7

1 0 0
                                    

Bat ang tanga ko?! >__<
Minsan kasi uso ding mag isip ano? Tapos na pala ng race. Ang nanalo? Syempre si I. ~___~

Muntik na sana akong manalo pero naalala ko, i am not S. At hindi pa panahon para ipaalam kung sino ako. Antanga ko na ngang madala sa mga pangayayare ehh.. Bat ba di ko matanggihan ang racing? 😑 buti naalala kong hindi ako si S ngayon.

" mananalo kana sana!" anong gusto nya? Matalo? Tss.. Pasalamat nga sya at naalala kong ---haaayyss....

Ito kasing si I sobrang nagagalit. Im not fair daw kasi. Tumigil kasi ako ng malapit nako sa finish line kaya sya yung nanalo. In short, di ko tinapos ang race.

"sorry." yan lang. Pasalamat sya nagsorry ako ahh. Di ko kadalasang ginagawa yan. Tss.

"I dont need your sorry! I need a fair and square fight!" di nako umimik. Ano pabang sasabihin ko?😑

Tinitigan nya muna ako ng matagal bago sya napabuntong hininga. Sana naman marealize nyang wala akong laban sa kanya para matapos nato.

"stop it now, I." si W. Nakatingin sya sakin ng mataman. Problema naman nito? Di ko sya inaano ah? And i hate people staring at me. Tss.

"yeah. Wala naman akong magagawa ehh. Btw. Magaling ka mag race-- i mean may potential kang maging racer. Why dont you join our group?" anu yun? Hahatiin ko katawan ko? Ako nanga si S diba? Tapos sasali pako sa kasila?

"No thanks. Im not interested." nabigla namn sya sa cold at straight face kong sagot.

"I-I... I thought your S---nah! Its imposible. " ngumiti sya sakin. Tss.

"I have to go." biglang sabi ni W. Pipigilan sana sya nila kaya lang nagmamadaling umalis.

Mayamaya, halos nag alisan na ang mga tao. Ang wings nalang ang natitira. Pero may bumabagabag sakin ehh. Asan na yung asungot? Dadalhin dalhin ako dito tapos date daw pero iniwan din ako. Taenang christopher yun! Hmp. Aalis na nga lang ako. Alam ko naman kong paano umuwi eh.

"Prin!" speaking of. Saan ba nagsususuot ang asungot nato at ngayon lng yata nagpakita? Tss. Aalis na talaga ako at iiwan sana siya kung di pa sya nagpakita. Pano naging date to?! Duh! Di marunong makipagdate!

So umaasa kang date to?

Taena! Ano bayang iniisip ko?! Bwisit natu.

"saan ka galing?" di ako concern nagagalaiti nga ako eh. Natural lang naman ang magtanong diba? Kami lang namang dalawa ang magkasama dito. So talagang iyon ang itatanong ko sa kanya. Ganyan pala kasi yung date sa kanya iniiwan yung partner. Puta. Jay! Ano yang pinagsasabi mo?!

"namiss moko?" he grin. Inirapan ko lng sya. Duhh. Baka miss nya kamao ko? Ok lng naman sakin. Willing akong bigyan sya ng isa. 😊

"wag kang assuming. Tara na nga uwi na tayo." then nauna na akong lumabas. Nakasunod lang naman sya sakin eh. So sumakay kami ulit ng jeep papuntang school tapos kanya kanya ng alis pauwi.

Pagdating ko sa bahay deretso sa kwarto agad ako. Wala na akong ganang kumain so matutulog nalang ako. Wala rin naman si kuya eh.

Pero bago ako makatulog napaisip ako dun kay knight. Nakita nya bang nakipag race ako? Di ko kasi sya nakita eh. Haayss.. Hayaan nanga papakiusapan ko nalang sya bukas na wag ikalat yun kung nakita man nya. Baka maging hot seat pako no. So no thanks pagagalitan pako ni kuya pag nalaman nun ang ginawa ko.

"Argh! Nakakainis! " naiisip ko parin kasing iniwan ako ng damuhong lalaking yun kanina. Bwisit. GANON BA ANG MAKIPAGDATE?! Alam kong di ako ganon ka importante sa kanya at nantitrip lang siya. Pero i deserve a nice date diba?! Argh! Pakasabunot na lamang ako sa sarili ko. Bat kasi super affected ako masyado dun?! Nakakainis na lalaki. Di na ulit ako sasama sa kanya pag inaya nya ulit akong makipag date! Hmp!

So nag eexpect ka ng second date?

Ayan na naman ang bwisit kung isipan! Putang ina ka! Jay! Huminahon ka at nababaliw kana.

Di ko kinaya at tumayo na ako sa kama ko. Kukuha akong gatas para makatulog.

Pagbaba ko nakita ko si kuya sa kusina.

"kuya." napalingon sya sakin.

"oh? Bakit gising kapa?"

"di po ako makatulog kuya. "

"bakit? Ano iniisip mo?" umiling naman ako at tumabi sa kanya. Nililigpit nya yung mga paper works nya. Projects nya siguro yun.

Nasabi ko na ba sa inyong si kuya ang bumubuhay saming dalawa? Pano? Dahil sa mga stocks. Ang gara nga ehh. Nagkakapera sya kahit na natutulog lang sya araw araw. Tapos si lolo din tinutulungan kmi. Lolo namin sa mother side yun. Kami ang tagapagmana ni lolo pagkatapos mamatay ng kanyang nagiisang anak. Iyon si mama.

"matulog kana. Sigi na. "

"magtitimpla lang ako ng gatas para makatulog." tumango lang sya at hinintay akong makapagtimpla ng gatas at sabay na kaming pumanik sa mga kwarto namin ng maubos kona ang gatas.

Sa kwarto ay paikot ikot lang ako sa kama. Nagisip pako ng kung ano ano bago nahila ng antok.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-joh

Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon