i love you but im tired =_=

124K 1.6K 87
                                    

at dahil hindi ako pumasok. mag aupdate nalang ako. wag nyong gayahin si Ms xiomai na absenera. hahahaha

dedicated to her. salamat sa pagsupport ^_^

please vote and comment ^_^ meron pang update later ^_^

----------

Moyi's POV

kanina pa ko nakahiga dito pero ayaw akong dalawin ng antok.

nakayakap sya sakin tapos ako nakatalikod. Masama yung loob ko kasi kinalimutan nya.

nung nararamdaman kong malalim na yung paghinga nya lumingon ako sakanya. tulog na tulog sya.

"pasalamat ka mahal kita, kung hindi lang talaga, paguuntugin ko na kayo nung Haylee na yun" bulong ko tapos pumikit na ko.

**

maya maya naramdaman ko xang bumangon, sumilip ako sa orasan sa side table. 5 palang, baka ccr lang.

pero nung naramdaman kong ibang pinto yung bumukas sinilip ko na sya

lumabas sya tapos dumiretso sa kwarto ni Haylee. bakit ganun? sobra na to ah!

maya maya sabay silang lumabas, inalalayan nya pa si Haylee! ano yan baldado?

bumalik ako sa kwarto tapos humiga. ngisip ako tapos pinakalma ko yung sarili ko.

"baby sorry ha? laging mainit ulo ni mommy mo, kainis kasi yung tatay mo e!" ako habang kinakausap ko si baby

**

mga bandang 6 lumabas na ko. ok na ko. kalmado na ko.

paglabas ko. tenen! sumalubong sakin yung masayang puppy love sa mesa. sobra na. kaya tinayo ko si Haylee tapos sinampal ko.

best actress umiyak agad.

"MOYI! ANO BANG PROBLEMA MO?!" sinigawan na naman nya ko.

"ok ka lang ba?" sabi nya sabay alo kay Haylee.

tangna sumosobra na sila. tinulak ko palayo si Xavier tapos tinulak ko ng malakas si Haylee kay ayun nadapa sa sahig.

bilib na ko sakanya. ganyan pala sya kahina. best actress talaga.

kinaladkad ko sya palabas ng kusina, hila hila ko yung buhok nya.

"aray ko Moyi, huhuhu, ano ba ginawa ko ?" iyak nya.

"tangna ka! lumayas ka dito!," sigaw ko habang hinihila ko sya.

di pa rin sya lumalaban. lumpuhin ko to e.

"MOYI! BITAWAN MO NGA! BAKA ANO MAGAWA MO E!"

pigil sakin ni Xav pero di ako papapigil. maxado na sila. bastusan ba to?

nung naabutan ako ni Xavier hinila nya ko agad palayo kay Haylee tapos natulak ako.

bumagsak ako sa sofa. mejo sumakit yung tyan ko pero nawala din. naramdaman siguro nila baby na nag aaway kami.

tinignan nya lang ako tapos tinayo si Haylee na iyak ng iyak.

naramdaman kong tumulo yung luha ko. ano nga naman ang laban ko dyan? bestfriend nya yan.

bumalik ako ng kwarto para dun umiyak.

masakit pala no? makita mo na di ka kakampihan nung akala mong kakampi syo?

hindi ko mapigilang hindi sumilip, ayun nakita ko sila, magkayakap. iyak pa rin ng iyak si Haylee.

ako rin Xav nasasaktan. bakit masyado kang nagfofocus sakanya? paulit ulit kong tanong yan sa sarili ko.

A HOT night with... my new TEACHER ? O.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon