PANIMULA

17 0 0
                                    

Para sa Dakilang Manunulat
Para sa lahat ng patuloy na nagbabasa
Para sa lahat ng nagmamahal
Para sa lahat ng minamahal

At higit sa lahat,

Para sa iyo na hindi naging akin







Ikaw pa rin

ang nais kong maging paksa
ng bawat isusulat kong tula,
ng bawat ihahabi kong letra,
ng bawat salitang aking itutugma.

Ikaw pa rin

ang nais kong maging kanta
ng bawat paglalapatin kong musika,
ng bawat pagsasamahing mga nota,
ng bawat bubuuin kong melodiya.

Ikaw pa rin

ang nais kong maging larawan
na makikita ko sa papel na aking ginuhitan,
na isasabit ko sa dingding at pagmamasdan,
na masasabi kong akin kahit
na pinta lang.

Ikaw pa rin

ang dahilan kung bakit
lumuluha ang pluma
sa papel na napagod nang makinig
ng aking mga sonata.

Ikaw pa rin

ang dahilan kung bakit
hindi makabangon
ang pusong nalunod na
sa saya ng kahapon.






Ikaw ang galak sa aking galaksiya.







Nagmamahal,

Ivany Micah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tulang Para Sa Iyo Kahit Hindi Ka Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon