Chapter Two:Cleaning Time
Lexine's POV
Bago ko pa yun makuha dumating agad si Lola.
"Ano yung kinukuha mo diyan?"
"Ah,wala po may daga po kasi akong nakita"
"Kumain kana ba?"
"Busog papo ako"pagkasabi ko nun ay tipid akong ngumiti
"Kung ganon magpahinga kana at ako na ang bahala dito"
Pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga.Nakakaintriga yung papel na yun grabe...
Maaga akong nagising siguro dahil sa kaiisip kung ano yun pero bakit ko pa ba yun papakelaman,baka magalit pa si lola,ang dapat kong problemahin ang letcheng lalaki na yun.
Habang naglalakad ako kapansin pansin ang madilim na kalangitan nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagmadali na akong maglakad dahil ayoko namang buksan ang payong ko,pagkarating ko sa room lahat ay naghahanda na para sa casting ng film taon taon ay ginagawa ito dito.
Sumalubong agad sa akin si Kiana...
"I miss you,Kiansss"...bungad ko kay Kiana
"I miss you too"....sagot naman nito sa akin
"Kumusta ang bakasyon?"...tanong Ko
"Ayos naman,pero mas masaya kasi kung kasama ko kayo"
"Sorry,wala kasi kameng pera,tsaka lakad nyo yun ng pamilya mo isasama mo pa kami"...sabat ni Marga
Sinamaan kami ng tingin ni Kiana
"Duh!,pamilya na kaya ang turing ko sa inyo"
Ngumiti na lang ako
Sino kaya ang magiging bagong bida ng film ngayon?...sa tingin ko isang model ulit ang pipiliin nila.
Nagulat ako nang biglang dumating si Mrs.Gopez kaya pumasok na kami
"Class you only have 4days to prepare for the sports festival,i want all of you to join in that activity"
"yun ang ganda nun"...bulong ng isa
"sasali ako,open naman yun sa lahat"
"Susuportahan ko na lang si Benedick"
Si Benedick Villa ang boyfriend ni Kiana
"Ayy,ang sweet"...ani Marga
"Syempre,yun na nga lang yung paraan para makasama ko siya"...ani Kiana
"Namiss mo talaga si Benedick ha?"...dagdag ko
"Syempre mahal na mahal yun ni Kiana eh,ang alam ko ang laban nila is Tuesday next week"...ani Marga
"sila pa rin ba ang kakampi ni Benidick?"...tanong ko
"Oo,kayo wala ba kayong balak na sumali?"...tanong ni Kiana
"Nako!,Kianss tinatamad ako tsaka mas gugustuhin kong manood kesa sumali sa laro"...sabi ni Marga
"Ako naman wala akong gustong salihan,marami ako kailangang gawin"...sabi ko bago tipid na ngumiti
"Napakabusy talaga nito palagi,kaya walang boyfriend"...biro ni Kiana
Tipid na lang akong ngumiti
YOU ARE READING
Is This Love?
Teen FictionTungkol ito sa babaeng nahulog at nagkagusto sa isang lalaking biglang nangiwan at naglaho nang biglaan,gaya nang pagsulpot nito sa kanyang buhay. If someone do this to you would you admire him again,or would you trust him again? In life you would e...