CHAPTER TWENTY-THREE

1 1 0
                                    

"Ano na naman yun Pyan? diretsuhin mo na ako"lakas loob kong sabi

"Lexine do you like m--"pagkasabi nya noon pumunta siya sa unahan ko

"Hindi kita gusto Pyan tsaka ano ba pinagsasasabi mo?"

"So I want to be honest,i like you"

"Gusto mo ko?ano to prank?kung prank to di mo na ako maloloko asan yung camera?"sabi ko habang naglilingon"please itigil mo na to,hindi ako pumunta dito para makipagbiruan"

"Di kita niloloko,okay?maniwala ka sakin,please,totoo yun gusto kita at hindi yun biru-biruan"

"Pyan di mo ako maloloko,kung gusto mong paglaruan yung feelings ko,pwes wala na akong nararamdaman sayo ibuhos mo nang lahat kay Angel,wag mo siyang lokohin"

"Angel?"

"Oo,Angel Rivero,wag ka na nga magmaang maangan,diba girlfriend mo siya,diba?wag mo nang itanggi"

"Lexine promise,walang namamagitan samin ni Angel we're just friends,ikaw yung gusto ko"

"If pinapunta mo lang ako dito para iprank,para paikutin please,pabayaan mo na akong umalis"sabi ko habang pinipigilan ang pagluha ko"Ayoko nang maniwala ayoko nang umasa,dahil hindi ako sanay nang nasasaktan"dugsong ko pa

"Lexine di naman kita paasahin,i really really like you,di kita lolokohin,ikaw talaga yung gusto ko at mahal ko"

"Pyan ayoko na,ayoko nang maniwala,marami nang pruweba,kaya wag mo na akong paikutin!kung ikatatahimik nyo ni Angel ang paglayo ko lalayo ako para tantanan na ako nung feelings ko sayo"

Pagkasabi ko noon aalis na ako.Pero hinigit nya ako at napalapit ako sa katawan nya nakulong sa bisig nya at unti unti nyang inilapit ang labi nya sa labi ko

Hindi ko alam ang gagawin ko kung kakawala ba ako o itutuloy ko...

Hanggang hindi ko na naialis ang sarili ko at dumampi na nga ang labi nya sa labi ko.

Nang kumalas na ito ay napasandal ako sa puno na malapit roon dahil sa biglaan kong pagatras

"I know my limitations,kaya kung ginagawa mo to para pahuluguhin ako please wag na,ayokong masaktan,hindi ko alam ang gagawin ko"

"Lexine hindi kita sasaktan,I like you and please can you be my girlfriend?"sabi nya bago ako yakapin dahil tuluyan nang tumulo ang luha ko

Pero kumawala na ako mula sa pagkakayakap nya

"Pyan gusto kita,pero ano yung sa inyo ni Angel,nung nakita kita doon sa madalas upuan nina lola Pasita na iniintay mo si Angel,tapos ano yung kahapon na lumabas kayo ni Angel at nakita ko kayo na magkausap"

"Are you jealous?"tanong nya sa isang pabirong tono

"What if sabihin kong oo?diba wala naman akong karapatang magselos dahil ano mo nga ba naman ako?,wala namang tayo diba?"malakas kong sabi sa kanya

"so nagseselos ka nga?"

"Oo nga!pero diba wala naman akong karapatan?kasi siguro magkaibigan lang tayo at baka nga hindi rin tayo magkaibigan,Be honest ano mo ba talaga ako?ano ba ang turing mo sakin?ano ba talaga tayo"sabi ko habang pinupunasan ang luha ko

Niyakap nya ulit ako

"Mahal kita and what I hold would be mine"

"Hindi mo ako hawak,yakap mo ako"

Is This Love?Where stories live. Discover now