Finding 3: The Beginning

14 2 0
                                    

#Finding 3#
The Beginning


March 13, 2016

Masarap ngayon ang taho na ibinigay sa akin ni Florence. Babalik ulit ako doon sa foodcourt. Araw-araw na lang bumabalik ako sa foodcourt hahaha. Masarap taho doon eh.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa nabasa kong journal ni Lina. Pinayagan ako ni Tita Susan na basahin ang mga journals ni Lina, para rin naman daw iyon sa kanyang anak. Para mahanap si Florence I.

"Baka naman nagbebenta lang yan ng  taho sa foodcourt at binigyan siya. Maraming Florence sa mundo." Florence said.

Two weeks na ang nakalipas nung nagkita at nagkakilala kami ni Florence. Nag offer din siya ng tulong para mahanap si Florence I at tinanggap ko naman ang tulong na 'yon.

"Pero wala naman siyang sinabi na nagtitinda ah. Posibleng siya nga si Florence na tinutukoy niya, baka nagkikita sila sa foodcourt." si Meds naman ngayon ang nagsalita. Nandiyan din si Meds para tumulong.

Pinagtapat ko ang ang sulat ni Lina sa journal niya noong March 13 at ang huling sulat niya noong October 12 Umiling-iling ako dahil sa napansin.

"Hindi siya ang Florence na hinahanap natin. Meron akong napansin sa sulat, look." tinuro ko ang pinagtabing sulat. Nilapitan iyon ni Florence at Meds at tinignan ang pagkakaiba.

"Base sa sulat niya noong March 13, nagkikita sila ng Florence dahil sa sinabi niyang 'binigay na taho' pero sa huling sulat niya, parang pinapahatid niya lang na hindi niya pa ito napupuntahan o nakikita, plano niya palang." paliwanag ko. Tumango silang dalawa.

"Pero para masiguro natin puntahan natin sa foodcourt ang Florence na nagbigay sa kanya ng taho, baka nandoon siya. Baka may makuha rin tayong impormasyon." Florence suggested.

"Sige, dahil weekend naman ngayon." tumayo si Meds habang ako ay nakaupo parin.

"Em?" Meds called me. Bumaling ako sa kanya.

"Paano kung wala tayong makuhang impormasyon?" tanong ko at inilipat ang tingin kay Florence.

"Meron yan! Tara na!" sabi niya at hinila niya ako palabas ng restaurant. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Binalewala ko lang iyon at nakita kong sumunod naman si Meds na dala ang mga gamit namin.

_______


Nasa loob kami ngayon ng sasakyan at hininto ni Florence ang sasakyan sa gilid ng kalsada dahil naalala namin na hindi naman pala namin alam kung saan na foodcourt ang sinasabi sa journal ni Lina. Napayuko kaming tatlo at bumuntong-hininga.

"Em, tapusin mo muna ang journal ni Lina. Baka mabanggit niya diyan kung saang foodcourt ang sinasabi niya." napatingin ako sa journal ni Lina na hawak ko matapos magsalita ni Meds.

"Start reading, maghihintay lang kami." si Florence naman ang nagsalita.

I took my time to read Lina's journal at sa kalagitnaan ng pagbabasa ay nakita kong isinulat niya kung saang foodcourt ang tinutukoy niya.

"Nabanggit niya! Sa SM fairview!" sigaw ko dahilan para mabuhayan silang dalawa.

"Okay, here we go." agad na pinaandar ni Florence ang engine ng sasakyan.

Pagkarating namin sa SM fairview agad kaming pumunta sa second floor dahil doon naka pwesto ang foodcourt.

"Meron bang tahong binibenta dito?" Meds asked.

Finding FlorenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon