"Piolo! Anak. Bumili ka muna ng San Marino kina Aling Nena. Kailangan Kong bumalik agad sa school may tinatapos pa kami dun." Sigaw ni Mama sa kusina. Bumaba na ako at pinuntahan si Mama. Tss. Naglalaro ako ng SF eh. Matatalo nanaman ako neto. Bakit kasi ako pa nandyan naman si Justin. Teka asan nga ba un?
"Ma,ano po ulit yung bibilhin?"
"San Marino" Sagot niya ng hindi tumitingin dahil busing-busy sa pag-aayos ng kanyang bag.
"Ayieh..si Mama naghahanap ng true love! Isusumbong kita Kay Papa! Hahaha" pabirong sabi ko.
"Ikaw bata ka! Puro ka kalokohan ikaw maghanap ng true love! Bumili ka na nga. Ang dami ko pang gagawin sa school" pagtataboy niya sa akin.
"Pero teka nga Ma. Asan ba kasi yang si Justin. Napakagala. Kanina lang nandito yun. Nakatakas na nanaman tsk!" Naiinis na sabi ko. Eh yung SF ko nga kasi.
"Nandon kina Alice. May tatanong daw siya."
"Naku Ma nanliligaw lang yun. Kaya pala Alis ng alis kasi ang pangalan ng nililigawan Alice. Hahaha" nakakinis siya gumagala. Ako eto utusan.
"Anak. Puro ka kalokohan. Tigilan mo na nga kapatid mo. Bata pa yun di pa yun manliligaw. Anak para kang bakla ang dami mong sinasabi. Bumili ka na" pabiro niyang sabi.
"Ma!!! Hindi ako bakla! May nililigawan ako!" Naiinis na sabi ko.
"Hahaha. Talaga anak?! Sino naman tong kawawang este maswerteng babae. Pakilala mo naman sa akin hahaha"
"Bahala kayo Ma. Makabili na nga"
Lumabas na ako. Dahil ayaw tumigil ni Mama sa kakatawa.
Ang totoo nyan wala naman talaga akong nililigawan. Hindi man sa pagmamalaki pero heartthrob ako sa school namin.. Ayoko munang manligaw kasi ayokong makasakit ng tao lalo na kapag babae. Gusto ko kasi lahat ng bagay pinag-iisipan ko muna bago ko gawin. Kasi mahirap na.. Yung iba kasing lalaki laro lang ang kanilang pinasok. Hanggang sa makasakit na sila. Marami akong nakikitang girls na madalas umiyak sa may garden sa school namin. Halos maubos na nga ang panyo ko sa kakabigay sa kanila. Sinasabi ko kasi na wag na nilang ibalik. Para may pamunas sila kapag umiyak ulit. Gusto ko ding tumulad sa Papa ko,nakita ko kasi sa kanya kung paano niya mahalin si Mama kung paano niya irespeto,iparamdam na mahalaga ito. Gusto ko maging kagaya niya na Hindi kayang magpaiyak ng babae.
BINABASA MO ANG
Find true love in 20 pesos
Teen FictionNagbayad ako ng 50 pesos. Sinukli sa akin 20 pesos na pag-ibig? Paano nangyari yun?! Alamin! :D