Chapter 3

19 0 0
                                    

Nakauwi na ako sa dorm nang 7:30. Masyado pa kasing traffic sa bayan kaya medyo natagalan din ako makabalik.

Hindi ko lang alam kung anong oras sila umuwi pero pakiramdam ko ay aabutin sila ng alas dies doon. Napakalalakas pa man din mag-inom.

"Oh, ba't ngayon ka lang?" bungad sa akin ni Steph pagkabukas niya doon sa pinto na kinakatok ko.

Siya lang ang kasama ko dito sa dorm. Bale pinsan ko siya, ahead din ng isang taon sa akin.

"Inaya kasi ako nina Reese sa 3:16 tapos pag-uwi ko naman, napakatraffic." sagot ko dito habang dumidiretso sa may ref para kumuha ng tubig.

"Ohh. Sinong kasama niyo?"

"Si Thea tapos yung mga tropa ni Reese. Hindi ko nga din kilala, ngayon ko lang nakilala." sagot ko at kumuha ng niluto niyang mojos na nakita kong nakalapag sa lamesa.

"Diba katropa ni Reese sina Gabriel?" tanong niya sakin habang isinara na ang librong kaninang inaaral niya. Mukhang makikipag chikahan na lang siya at hindi na mag-aaral ah.

"Oo."

"So sila yung kasama niyo kanina?"

"Oo. Bakit?" bigla tuloy akong nacurious. Mukhang interesado siya sa mga tropa ni Reese ah or baka kakilala lang din niya since kabatch naman nila yun.

"Wala," tumawa siya. "Tanong lang. Kaklase ko kasi dati ang mga yun nung senior high, ang galing, ang liit talaga ng mundo." sagot niya at lumapit na rin sa tapat ko para umupo dahil ako'y kumakain ng patatas sa lamesa tapos kumuha na din siya.

Bigla tuloy akong may naalala. What if itanong ko kaya yung Louis? Curious lang ako kasi bakit parang napakasungit naman nung taong yun.

Kaso baka naman pag tinanong ko, baka isipin agad na may gusto ako e. Ito pa namang pinsan kong ito, mas malala pa kay Reese kung makapang-asar.

"Edi naging kaklase mo din yung..." di ko maituloy yung sasabihin ko kasi nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko bang itanong o hindi eh.

Pero kasi may parte sa aking gusto ko talagang magkaroon ng information about dun kasi bihira akong makaencounter ng ganong klaseng tao eh. Nakakacurious lang talaga.

"Yung?" napataas ng kilay. "Sino?" tapos sinubo na ulit niya yung patatas.

Hala, bahala na nga. "Yung Louis..." di ko na talaga mapigilan eh. Hayae na kung anong sasabihin niya basta ako'y nagtatanong lang naman.

Tumawa siya ng mas malakas. Luh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ahh, si Louis!" tapos tumawa na naman siya at kita ko sa mukha niya yung pang-aasar. Nako, sinasabi ko na nga ba, magbanggit lang ako ng pangalan ng lalaki, agad bibigyan ng malisya.

"Yieee, crush mo?" pang-aasar na naman niya. Sinasabi na nga ba eh at iba agad ang iniisip.

"Gagi, hindi ha. Tinatanong ko lang!' sagot ko dito. Kasi totoo naman talaga eh, tsaka sino bang magkakagusto sa masungit?

"Oh ay ano ngayon kung naging kaklase ko?" tanong muli niya, para bang may halong panunuya pati sa hitsura niya.

Hindi ko na tuloy alam kung itutuloy ko pa ba o hindi yung itatanong ko kasi baka lalo lang niya isipin na may gusto ako kahit wala naman talaga.

"Masungit ba talaga yun?" diretsong tanong ko sa dito.

Humagalpak na naman siya sa pagtawa.

"Ang saya mo naman? Nakakatawa ba mga tinatanong ko?" at tinaasan ko din siya ng kilay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Countless StarsWhere stories live. Discover now