PROLOGUE

36 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living ir dead, or actual events is purely coincidental.

-------------------------------------------------------------------

Naalimpungatan na lang ako nang marinig kong mag-alarm ang phone ko.

Antok na antok pa rin ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may mas importante pa akong kailangan gawin.

It's already 4:30 am.

Bumangon na lang ako sa hinihigaan kong double deck dito sa intern's room namin sa isang hospital sa Manila.

"Nakatulog naman ba ng ayos, sis?"

I am already a medical intern and it's been 2 days since we assigned to this hospital for another kind of duty.

Nung mga unang araw kasi namin dito, halos 2 hours lang tulog ko dahil naninibago ako sa lugar. Ganito kasi ako kapag hindi sanay ang katawan ko sa tinutulugan, automatically talagang napupuyat ako ng sobra. But ngayon naman, back to normal na ulit so I guess nakapag-adjust na ang sarili ko.

Tumango lang ako sa ka-intern ko  dahil ramdam ko pa din ang antok.

Dali-dali na lang akong umalis doon sa higaan para dumiretso sa loob ng restroom at maghilamos.

Pagkatapos ko doon ay nagproceed na lang sa may kitchen para kumuha ng kape at timplahin iyon nang ako ay makapagsimula ng magpreview ng readings namin for pharmacology.

"Bakit parang mukhang stress na stress ka ngayan doc ah? Or talagang sinusumpong ka lang?" tanong sakin ni Genesis, ang kaintern ko na akala mo lagi'y walang ginagawang seryoso.

Umiling lang ako. "Inaantok pa din pero it's okay." Sabi ko habang nakatitig pa din sa readings ko at iniintinding maigi ang kagabi ko pang inaaral.

"Hays. Napakasipag talaga nitong si Doc Alliah, how I wish ako din." Sabi naman ni Genesis at napailing kunyari pero natatawa din.

"Ewan ko sayo Genesis, masyado kang pahumble kainis ka, akala mo'y nakatulog na kahit 2 hours man lang. Wag kami Gen!" sagot naman ni Ella.

"Ito naman! Hindi na nasanay! Tsaka di naman ikaw sinasabihan ko ah, si Alliah dahil sanay na naman siya sa mga.. words ko." Sagot namang muli nito.

Hays. Parang mga bata.

But anyways, ayos na din yun para kahit papaano naman hindi masyadong stressful itong room namin, ako lang siguro masyado nagpapakastress sa sarili ko.

But yeah, ano pa bang ibang aasahan ko. I am already here at my intern year and isang year na lang makakapag take na ulit ako ng board so that I can enter residency, my one dream goal.

After completed studying the lessons I need to familiarize and analyze well at pharma, I decided to join them since ayaw ko din naman na masyadong magpakadrain kasi magduduty pa kami mamaya and kailangan mas energetic ako kahit papaano.

We are 10 here in the room we are staying. Malaki naman yung place pero ayun, medyo masikip pa din kasi nga 10 kami and we won't expect much kasi ganito talaga lagi ang sitwasyon ng mga rooms for interns in usual hospitals lalo na't hindi naman siya private hospital.

I decided to join those interns na nagliliwaliw doon sa may lamesa sa may kitchen namin, mga lima sila and yung isa naman ay nag-aaral pa din sa may higaan niya habang nakasaksak yung earphones tapos ang isa ay may binibili naman sa cafeteria.

Countless StarsWhere stories live. Discover now