Bestfriends: His Side

344 16 2
                                    

Ako si Miguel

At siya si Riane

Siya ang BESTFRIEND KO. . .

Sya ang kababata ko. Bestfriend. I’m happy when I’m with her. Parang hindi na ako sanay kapag hindi kami nagkakasama

Simple lang si Riane, mabait at mapagbigay. Maaliwalas ang mukha nya kaya tuwing nakikita ko sya, parang umaaliwalas na din yung buhay ko. Kapag malungkot ako, sya ang nagpapasaya sakin

“Riane! May bagong anime na ipapalabas sa tv!”

“Waaaa! Sana maganda yan!”

Masaya ako kasi sya ang BESTFRIEND ko. Lagi nya akong sinasamahan sa lahat, ganon rin naman ako sa kanya. Marami kaming bagay na pinagkakasunduan.

Duwag ako, sa maraming bagay. . .

Pero dahil sa nandyan sya, nagiging matapang akong harapin lahat ng kinatatakutan ko. . .

Dahil sa tulong nya. . .

Dahil sa kanya. . .

Di ko alam ang gagawin ko kung wala sya. . .

I Love My Bestfriend

Bata pa lang kami gusto ko na sya, pero parang kaibigan lang naman ang turing nya sakin. Kaya tinago ko ang lahat para sa kanya, para hindi masira yung ganitong estado namin

Pero habang tumatagal, parang mas lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya. . .

“Riane! Punta tayo sa tindahan, may bago silang tindang pogs pandagdag sa koleksyon natin”

“Sige ba!”

Ganito lang kami lagi. . .

Masaya. . .

Habang tumatagal, gumaganda si Riane sa paningin ko. May pagkakataon pa ngang binibiro ko sya dahil hindi ko na matago ang nararamdaman ko. . .

“Uy Riane, pano kaya kung tayo ang magkatuluyan?”

“Hah?”

“Joke!”

Joke are half meant, pero sakin, I mean it. Gusto ko sya. . .

Dumating na ang isa sa mga araw na kinatatakutan ko. . .

Dahil sa Kolehiyo na kami ay nagkahiwalay kami ng pinasukang Unibersidad. Minsan ay nagkakausap pa rin naman kami pero madalang na madalang na lang.

Namimiss ko na yung BESTFRIEND KO. . .

Na Mahal na Mahal ko. . .

Tumawag si Riane, parang sasabog sa tuwa ang puso ko

“Miguel!”

“Oh Riane? Kamusta kana”

“Okay lang naman. Ikaw ba? Miss ko na yung bestfriend ko.”

“Miss na rin kita! Okay naman ako, medyo busy lang kasi sa mga school works.”

“Asus. Balita ko marami ang nagkakagusto sayo?”

“Ah yun ba? Hehehe. Wala naman ako panahon sa ganun”

“Nako. Wag mong isarado ang puso mo, baka mamaya nandyan na yung  babaeng nakalaan para sayo :”>”

Pero sa palagay ko, hindi nya ako gusto. . .

Kailangan ko na nga ba talagang tumingin sa iba?

“Anjan kapa?”

“Ahh. Oo. Nandito pa ako.”

“Osige, next time na lang ulit. May gagawin pa kasi ako.”

“Bye Miguel! :)”

 *tooot*

Naiinis ako na ewan. Pero ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Pero hindi nya ako gusto. . .

Ito ang unang beses na masaktan ako ng ganito. . .

Si Marissa. . .

Sya yung nagpaparamdam sakin na mahal nya ako. . .

Bubuksan ko ba ang puso ko para sa kanya?

Siguro nga, kailangan kong turuan ang puso kong mahalin yung nagmamahal sakin. . .

Ayokong mawala si Riane. . .

I love her this much. . .

Eto ang paraan para masunod ko yung gusto nya. . .

Buksan ang puso sa taong nagmamahal sakin. . .

Naging kami ni Marissa. Hindi naman ako nahirapang gustuhin sya, bukod sa mabait ay matatamis ang kanyang mga ngiti na nagpapaalala sakin kay Riane.

Marami silang pagkakapareha, pero ang kaibahan lang, Mahal ko si Riane.

Vacant na namin ng napagdesisyunang lumabas kami at umupo sa bench na malapit sa classroom namin.

Pinipilit kong ngumiti para mapasaya ko si Marissa, pero hindi mawala si Riane sa puso ko. . .

Napabitiw ako kay Marissa. . .

Parang. . .

Parang nakita ko si Riane?

Sya kaya yun?

“Sana ikaw na lang”

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon