Ako si Riane
At siya si Miguel
Siya ang BESTFRIEND KO. . .
Bata pa lang kami, close na talaga kami. Magkapitbahay lang kasi kami tapos close friends pa yung mga magulang namin. Ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko sya. Ganon’ din naman siya, sa tingin ko.
Matalino si Miguel, kung kaya’t kadalasan ay nasa Top 5 sya sa klase. Bata pa lang kami ay kakikitaan mo na ng potensyal si Miguel, lalo na sa pang-akademiyang aspeto.
“Miguel! Tulungan mo naman ako dito sa assignment natin. Di ko talaga maintindihan.”
“Madali lang yan, tara dito at ituturo ko sa’yo kung paano.”
Masaya ako kasi sya ang BESTFRIEND ko. Lagi syang nandyan, nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay, mga problema sa bahay pati na rin sa eskwela.
Oo, mahina ang ulo ko. >.<
Pero dahil sa nandyan sya, ang mapurol kong utak eh kahit papano tumatalim.
Dahil sa tulong nya. . .
Dahil sa kanya. . .
Di ko alam ang gagawin ko kung wala sya. . .
I Love My Bestfriend
Grade school pa lang kami, crush ko na sya. Siguro kasi sya yung lalaking malapit talaga sa akin. Binalewala ko lang yung katotohanan na nagkakagusto ako sa kanya that time kasi bata pa lang kami.
Pero nung nag highschool na kami, parang mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaso binalewala ko parin kasi alam ko naman na sa iisang school lang kami, kaya lagi ko pa rin syang makakasama.
“Miguel! Tara lunch na tayo”
![](https://img.wattpad.com/cover/2510666-288-k401001.jpg)