Prologue

47 1 0
                                    


Prologue

I continued taking shots as the model do her poses for the camera.

"Yes, a little fiercer!" I shouted and taked a shot.

"Move your body to the other side a little."

"Ganito po ba?" Aniya.

"Yes, then smirk and look flirty." I continued giving instructions until we were wrapping up.

"Miss Raia Sotomayor!" Napalingon ako sa sa manager nang modelong kinukuhanan ko kanina.

"Yes, Sir Dian." Ngumiti ako sa kanya, tumabi siya ng upo sa'kin at tinapunan ng tingin iyong mga kuha ko.

"Grabe ang gaganda talaga ng shots mo! No wonder pinag-aagawan ka ng mga magazines!" Aniya.

I just chuckled and adjusted the contrast a little, ngayon ay ang tinitinganan namin ay iyong pose ng modelo niyang nakahawak sa beywang at nakapatong ang isang binti sa itim na upuan, suot ang isang daring satin pink lingerie.

"Ang ganda!" Lumapit na rin iyong modelo niya, suot parin ang lingerie na ginamit kanina.

"Miss Raia o Miss Sotomayor?" Nakangiting tanong ng modelo niya sa'kin, naging abala naman si Sir Dian sa pagtingin sa mga kuha ko habang nagbibigay ng komento sa mga taong parte yata ng team nila nung modelo niya.

Ngumiti ako, "Miss Raia na lang."

"I'm Claire, nice to meet you! Hindi tayo nakapag-usap kanina kasi you were so busy supervising your team for the lights and the props!I really wanted to work with your ever since your project in the Carribean, they're so fantastic! I've heard a lot about you and your works!" Nangningning ang mga mata niya at tinanggap ang roba mula sa P.A niya.

"Oh, I hope it's good things." Natawa ako ng kaunti, mas naging malapad naman ang ngiti niya.

"I actually heard that you started from scratch to taking big projects and clients! And you were even featured in The Bachelorettes, for being one of the world best photographers!"

"Thank you for the compliments." I smiled shyly.

"And you're very humble, single ka pa ba o may boyfriend na?" Tanong niya.

"Ah, that well it's a personal thing." Tanging sagot ko, ngumiti naman siya at nagpaalam na.

Marami pa ang kumakausap sa'kin, ang ila'y pinupuri ako, hindi rin naman kami nagtagal doon at tumulak na ako papunta sa meeting na nililigawan ako para maging Photographer nila.

"Miss Raia, saan ka na po?" Tumawag na sa'kin si Eva pagkapark ko ng sasakyan sa parking lot ng AEP.

Sinagot ko ang tawag niya at nagretouch ng make-up ng kaunti at lumabas na sa BMW bago tinungo ang elevator.

"Nasa elevator na papunta pa lang. Floor number 60 right?" Sagot ko.

"Yes, Miss Raia. I will wait in the conference room or I will just wait for you?" Magalang na tanong niya.

"Yes, magsabay nalang tayo.Is my team there?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang pagbiblink ng number ng floor sa itaas.

"Nagtext na po sa'kin na hindi raw sila makakadalo, pero ayos lang po yun dahil ang gusto lang naman po ng kompanya ay makausap ka saka magmemeeting din daw naman po uli tayo kung sakaling tanggapin niyo po itong inaalok nilang project."

"Okay, that's good. Lalabas na ako." Sagot ko  at lumabas na ng elevator, pagkalingon ko sa kaliwa ay nakangiting kumaway si Eva sa'kin na nakatayo sa harap ng isang glass door sa dulo ng hallway, binaba ko na ang tawag at naglakad na papalapit. Gracefully walking with my Sierra Fashion white midriff top and its white fitted skirts with a slit, showing my long legs paired with a brown stilletos.

Midnight Memories (Wounded The Good Series #1)Where stories live. Discover now