Your Wish

193 4 0
                                    


One, wait 'til 11:11 but never look at the clock after 11:00 and before 11:10.

Two, make a wish.

Three, wait 'til 11:13 then your wish will come true.

But there's a condition, if you saw that the clock turned to 11:12, your wish will never come true.

•••

"Bakit kaya ganon, Bundol? Bakit kaya gustong gusto ng mga tao na matupad 'yong mga wish nila? Hindi pa ba sila kuntento sa kung ano ang meron sila?" Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa'rin siya sumasagot kaya napatingin ako sa kanya.

"Hay nako, kailan ba kita makikita ng hindi karga karga 'yang buto mo?" And again, he didn't answer. "Snob." Ni hindi manlang siya tumingin sa'kin, attitude 'tong aso na 'to ah.

"Sabagay, kung sasagot ka baka mahimatay ako dito." At hindi nga siya sumagot, kailan ko ba 'to makakausap ng maayos?

"Halika ka na nga," Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko pero hindi man lang siya gumalaw, nakahiga lang siya at kagat kagat ang buto niya. "Hoy, tayo na. Tumayo ka na, dali." Hinila-hila ko ang tali pero hindi parin siya gumalaw kaya nagtaka ako.

Nilapitan ka siya at kinarga, naku, natutulog pala 'tong isnaberong asong 'to. Pagkauwi namin sa bahay, sinalubong ako ng ama ko.

"'Diba sinabi kong itapon mo na 'yang asong 'yan? Bakit pa andito 'yan?" Si nanay naman ay nakatingin lang sa'kin at sumesenyas na sabihin ko nalang na itatapon ko bukas.

"Sorry po, 'tay. Madami kasing tao kaya hindi ko matapon basta basta." Nakayuko lang ako at nakatingin kay Bundol, ayaw kasi ni tatay sa kanya dahil pabigat daw. Wala na kasi kaming makain tapos dumagdag pa daw si bundol.

"Ilang beses mo nang sinabi 'yan, kung hindi mo kayang itapon ang pabigat na 'yan, ako nalang ang gagawa ng paraan." Mabilis na nahablot mula sakin ni tatay si Bundol kaya hindi ko agad naagapan.

"Gabo, itatapon niya naman bukas kaya pagbigyan mo na, 'wag ganito." Sabay kaming nagmakaawa ni nanay pero parng bingi lamang siya. Sinubukan namin siyang pigilan pero kinuha niya ang itak niya, at dahil sa takot, napaurong kaming dalawa.

"Pinayagan kitang umuwi ng ganito kagabi tapos hindi mo man lang nagawan ng paraan? Sabihin mo, ano ba talaga ang ginawa mo doon? Nagsasayang kalang ng oras, hindi ka na nga nakakatulong sa gastusin, dumagdag kapa ng palamunin! Wala kang silbi." Hawak hawak pa rin ni tatay si Bundol habang tinitimpla ang ipapakain niya dito.

"'Tay, s-sorry, gusto ko kasing ibigay si Bundol sa isang taong maalagaan siya. H-hindi ko siya kayang itapon, 'tay, maawa ka sa kanya." Nagsilabasan ang mga kapitbahay namin dahil sa mga sigaw ni tatay at sa mga hagulhol namin ni nanay.

"Wala akong pakialam! 'Wag na 'wag kayong lalapit dito kundi pagtatagain ko kayo ng itak ko. At ano ang tinitingin-tingin niyo!" Itinutok ni tatay ang itak niya na kani-kanina niya pa dala sa mga kapitbahay namin kaya nagsipasok ito sa kani-kanilang mga tahanan. Nagpatuloy sa paghalo si tatay kaya napatingin ako kay Bundol na tumitingin sa'kin. Kita ko sa mga mata niya ang pagkatakot at lumilikha rin siya ng mga ingay na parang nagmamakaawa.

"B-bundol..." Itinapat na ni tatay ang inihalo niyang pagkain dito. Inamoy-amoy niya ito at kalauna'y kinain rin.

Kinain niya ang lason na ako mismo ang bumili...

"S-sorry, bundol, hindi ka kayang protektahan ng Ate Belle mo." Sambit ko sa isipan ko. Hindi ko manlang siya nabayaran sa pagligtas niya sa'kin sa pagkakabundol, kaya nga bundol ang ipinangalan ko sa kanya eh. Napatawa ako ng malungkot sa isipan ko. Wala nga talaga akong silbi, ni hindi ko nailigtas ang nag-iisang kaibigan kong palaging nasa tabi ko. Wala akong silbi.

Napatingin ako sa orasan naming sira sira na at nakitang 11:11 na. Sa mga panahong ito, naging desperada na ako kaya pinikit ko ang mga mata ko at humiling. Pagkamulat ko, nakita kong naging 11:12 na ito. Napatingin na lang ako kay Bundol na ngayon ay ubos na ang pagkain. Hindi matutupad ang hiling ko, ang hiling kong makasama ulit si Bundol...


Ever a Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon