Scandal

25 1 0
                                    

I roamed my eyes at my reflection. White mini dress, black killer heels, and light make up to cover my imperfections.

"Ang ganda naman ng bestie ko." Patalon-talon na pumunta sa'kin si Riley. Nakapaskil ang malaking ngiti sa labi niya.

"Mas maganda kaya ang bride's maid ko," pangcha-charot ko  naman sa kanya. Sabay kaming tumawang pero kalaunan ay nagseryoso rin ang mukha niya.

"Ewan ko sa'yo. Hali ka na nga, naghihintay na ang sasakyan." Sumunod ako sa kanya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. I'm married!

•••

Nasa isang resort na kami para sa reception. Nagkakasiyahan ang lahat at ang ilan sa mga kaibigan namin ay nagbibigay ng mga mensahe nila. At 'di naman dun nagpahuli ang mga magulang namin na hindi na napigilan ang pag-iyak.

"Are you happy?" tanong ng asawa ko habang hinihimas-himas ang kamay ko. Tumango naman ako at kinurot ang pisngi niya.

"Oo naman, wala ng mas makakapagsasaya sa'kin kundi ang magpakasal sa'yo at bumuo mg pamilya kasama ka." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko at tumayo.

"Anong ginagawa mo?" Napatingin ako sa mga pamilya naming nagsasayawan na pala sa gitna. Ni hindi ko napansin na kanina pa pala kami nakaupo dito.

"May I dance with my wife?" Ngumiti siya sa'kin at nilahad ang kamay niya.

"Sure." Inabot ko ang kamay niya at tumayo saka sinenyasan ang organizer na iplay ang video na hinanda ko mismo.

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at nilagay niya rin ang mga kamay niya sa gilid ng bewang ko. We swayed while memories of how we started flashed through the projector.

"I'm so lucky to be with you, let's stay happy, shall we?" Then he carefully encircled his arms around my waist while pulling me closer.

"Let's be ha--" Napalingon kami sa projector ng naglikha ito ng kakaibang ingay.  Ngunit ilang segundo lamang, napalitan ito ng isang malaswang video. Napuno ng mga ungol nila ang buong silid at lahat kami ay napatigil sa paggalaw.

"Ano 'yan?"

"Takpan niyo ang mga mata ng mga bata!"

"Sino-sino ang mga 'yan?"

It was a scandal. Ngunit natatabunan ang mukha ng babae. Napatingin ako kay Sean ng mamukhaan ko kung sino ang lalaking nasa video.

"Paano?" sambit ko sa nanghihinang boses.

"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita, ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko! Tapos ganito lang ang igaganti mo?! Hayop ka!" Nagkakagulo na ngayon ang lahat at nagwawala na rin si papa pero napigilan siya ng mga kamag anak namin. Pinatay na rin ang video na mas nagpaingay sa lahat.

"Son, what was that? Pa'no mo nagawa 'to? Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi ka na nahiya--" Napahawak si Tito sa dibdib niya kaya naman napasigaw si Tita sa pag-aalala.

Kahit na gusto ko nang maiyak ay kinalma ko ang sarili ko. Kinuha ko ang mikropono at nag-umpisang magasalita ngunit walang nakinig.

"Making kayong lahat!!! Kumalma po tayo!!!" Sa wakas ay napatingin rin sila sa direksiyon ko. "Palabasin niyo po muna ang mga bata at magsiupo po kayo. Kailangan po nating kumalma." Napatingin ako kay Sean na nakatulala lang sa kawalan kaya naman ay pinuntahan ko siya.

"'Diba hindi pa naman tayo nang nangyari 'to?" Tanong ko habang hinihimas ang balikat niya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Halos binulong niya ang kanyang sinabi pero narinig ko pa'rin ito. Parang nanghina ang mga tuhod ko kaya kumuha ako ng suporta sa paghawak sa mga balikat niya.

"W-what are you s-saying?" Unti-unti akong napabitaw sa mga balikat niya habang hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang mikropono.

"Sorry... Natukso lang ako. Hindi ko sinasadya. Tinukso ako ni Riley kagabi. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ko, Lei. Please? I'm sorry. I'm so sorry." Everybody was watching him as he dropped to his knees. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya ngunit walang may naglakas loob na magsalita ni isa sa'min.

I looked back at Riley at nakita kong sinampal siya ni mama. What is happening? Nilipat ko ang tingin ko sa kanya habang umaagos ang mga luha sa mga mata ko. I didn't expect all of this to happen. Paanong naging ganito?

"Sean, the v-video was edited. I-it was all a prank a-and everybody knows it."

Did my plan just backfired?



Ever a Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon