I'm inlove w/ a.. Ghost? (one-shot) Complete

1.4K 50 18
                                    

Araw araw akong pumupunta dito sa park para makita ko ang crush ko

Ay, hindi pala araw araw kundi hapon-hapon pala.

Mag ga-gabi na kasi, wala nang araw.

Kunti lang ang tao dito.

Asan na kaya si crush?

Ah! Ayun!

Nka upo siya sa tabi ng puno.

Waah. ang gwapo tlaga niya.

Sumagi lang siya sa isip ko, kinikilig na ako.

As usual, naka whole black nanaman siya.

Black T-shirt w/ matching black leather jacket, Black pants, and Black robber shoes.

Para tlaga siyang gangster!

Waaah. Ayaw ko pa naman sa mga ganster. Ang hilig nila sa gulo.

Iwan ko ba kung bakit ako nagka crush dito. Parang may something sa kanya na hindi ko ma explain.

Hah! Basta! kahit ano pasiya, tatanggapin ko siya.

Hindi ko lang ata siya basta crush, parang m-mahal ko na siya.

Tama MAHAL ko na siya.!

Naka upo din ako sa isang puno dito, hindi kalayuan sakanya.

Waaah. Ang gwapo tlga niya. Kapag natitigan ko siya, hindi na maalis ang mga mata ko sa kanya.

Nakapikit lang siya, habang nakikinig ng music? Oo ata. Naka headset eh.

___

Waaah. Darating kaya ngayon si crush? Ay. hindi na pala crush ang itatawag ko sakanya. Inamin ko na sa sarili ko na love ko na siya.!

Hmm'.. Ano kayang magandang itawag ko sakanya?. Eh kong SWEET kaya? Corny naman.

Eh kung BABE? HONEY? DARLING? LOVE? Ew. Mas lalong naging corney.

Hmm'.. Eh kung M-MINE kaya?. Oo Tama, MINE na lang para kahit sa isip lang maging akin siya. Mwahahah.

Waaah. Ang saya-saya ko. Dumating si Mine. Naiiyak na ako sa sobrang tuwa.

Miss na miss ko na siya. Bakit kaya hindi siya pumunta dito kahapon?

Umupo ulit siya dun sa dati. Pansin ko lang bakit dun siya laging nka upo?. Ako din naman, dito din ako palagi naka upo, para tanaw ko siya.

Hayyy. Ang Sarap talaga niyang titigan. Sana parati nalang ganito.

Tiyka. Nakatingin siya sa.. Direction ko?

Tumingin ako sa paligid baka iba ang tinitingnan niya. Pero ako lang ang andito. Yung iba malayo sa amin.

So sakin siya nakatingin? >//<

Waah. hindi kaya napapansin na niya ako.?

Napa yuko ako. Waah. Kinikilig ako. Sakin ba talaga siya nakatingin?

Pag angat ko ng ulo ko. Waaah. Sakin tlaga siya nakatingin!

Nagkatitigan kami.

Natigilan ako.

Ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti

B-bakit parang ang lungkot ng mga mata niya? B-bakit p-parang n-nasasaktan siya?

Tumingin siya sa ibang direction.

Tumingin ulit siya sakin tapos pumikit siya.

B-bakit parang maiiyak siya?. B-bakit p-parang nararamdaman ko din ang sakit na nararamdaman niya. Naramdaman ko nalang ang mga  luha ko. Umiiyak na pala ako.

I'm inlove w/ a.. Ghost? (one-shot) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon