Kabanata 3

10 0 0
                                    

Tanghali na ng magising ako inilibot ko ang paningin, at inalala kung anung nangyari kagabi. Iniyuko ko ang mga ulo at hinilamos ang palad sa mukha.

"Haysst. napaka weirdo nya talaga."

"Anong sinasabi mo ,tao .?"

Napapitlag ako nang magsalita sya na ngayon ay nasa harapan ko na.

"A--ano, wa--wala."

"Tayo na, hanapin na natin ang moonstone ko."

Tumalikod sya at napalingo-lingo ako.

"Hindi  pa ako kumakain, nagugutom ako."

"Importante ba yun ?."

Aba talagang sinusubukan ako ng babaeng to. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina,napansin kong sumunod sya saken.

"Wala tayong dapat na sayanging oras."

"Apurado,den pala to." bulong ko sa sarili.

"Umupo kana muna diyan, sandali lang to. "

Pinakiramdaman ko sya , hindi na sya nagsalita kaya humarap ako ngunit nawala na sya.
San na yun ? Aha ! baka lumayas na HAHAHA buti naman at wag na syang bumalik pa!!.
Napangiti  nalang ako sa sinasabi ng isip ko,ngunit nawala den dahil nandito na ulet sya sa harap ko.
Bakit ba ang hilig hilig nyang mawala tas biglang lilitaw.

"Ano ang bagay na ito ? bakit nandito ang tirahan ko.?"

Lumipat ang tingin ko sa hawak nyang libro, dahil malayo-layo sya hindi ko malaman kung anong libro ang hawak nya.

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam, sa iyo ito.!"

"Alam mo bang masama ang mangialam ng mga bagay na hindi naman sa kanya.?"

Kinuha ko ang kawali ,nilapag sa stove tsaka kinuha na den ang toccino sa refrigerator.

"Hindi masama samin yun."

"Dahil ba hindi ka taga rito.?"

Ilang sandali siyang natahimik .

"Ano ang tawag sa bagay na iyan, kakaiba sya lumilikha sya ng apoy."

"Wind Proof Ceramic Burner Gas Stove, ginagamit ito upang maluto ang gusto mong kainin."

"Kung ganun, diyan na den kita lulutuin."

Nagsitayuan na naman ang balahibo ko , na iimagine ko ang mga mata nyang kulay lila at ang nga ginawa nya saken.
Naramdaman ko ang malamig at matulis na bagay na dumampi sa leeg ko. 
Patalim ! may hawak siyang patalim !!!!
Nanigas ang katawan ko at hindi makakilos.
 
Papatayin ba talaga ako ng babaeng to?

Mas pinagduldulan pa nya ang patalim sa leeg ko .

"Kung ano man ang binabalak mo , wag mong itutuloy , waaahhhhh !! nakikiusap ako sayo ! Gusto ko pang makasama ang mahal ko at bumuo ng pamilya ,wag ! wag muna ngayon !"

"Anong pinagsasabi mo ? hindi mo ba 'to kakailanganin ?"

Pigil ang hiningang dahan-dahan kong kinuha ang patalim na hawak nya tsaka buong lakas na inilapag sa mesa dahilan para lumikha iyon ng ingay.

"Tang*na ! hindi ganun ang paraan para ibigay mo sa'ken yun ! muntik na'kong maihi sa takot ! "

"Ilang pananakot pa ba ang gagawin mo saken huh !!?"

Inaasahan kong makikita ko sa mga mata nya ang konsensya at hihingi sya ng tawad, ngunit nanatiling walang ekspresyon ang mukha nya at walang salita ang lumabas sa bibig nya.

She is ScienceWhere stories live. Discover now