Lakad takbo ang ginawa ko pabalik sa klase. Nawala sa isipan ko na kasama ko pala si Paris at naiwan itong mag-isa sa canteen. Bigla nalang nanlamig ang mga kamay ko at bumibilis ang tibok ng puso habang iniisip kung ano na ang nangyari kay Andromeda. Pagkarating ko sa silid ay agad kong pinihit ang pinto pabukas at hinanap ng mga mata ko ang babaeng may lahing halimaw. Ngunit wala sya. Tumahimik silang lahat at napako ang atensyon sa'ken.
"Nasan siya ?"
Tanong ko sa kanilang lahat, hindi pinapansin na may propesor sa harap.
Kumunot ang noo nila at ang mga mukha na may pagtataka."Si Andromeda , saan sya ?"
"Inutusan ko syang pumunta sa office ko ,para kunin ang attendance record." sagot ng Propesor.
Attendance Record ? Nakalimutan nya pang dalhin? Nahihibang na ata sya.
Lakad-takbo ang ginawa ko makapunta lang sa Office niya. Pagbukas ko sa pinto ay walang Andromeda ang natagpuan ko, walang ni isang tao ang nandito sa silid.
Mas lalo akong kinabahan, hindi ko alam pero kailangang mahanap ko sya agad. Baka naligaw na ang babaeng yun sa laki ba naman ng Unibersidad na ito.Mabilis kong tinungo ang library ngunit wala pa rin sya dun. Pinuntahan ko naman ang Gymnasium pero bigo na naman ako. Saglit na pinakalma ko ang dibdib at isip.
San ba pwedeng pumunta ang isang babae ? Lakad-takbo na naman ang ginawa ko papunta sa Girls Comfort Room.Napahinto ako at nag aalinlangan sa gagawin. Sa tingin ko wala naman siya rito at kung papasok ako baka maging nickname ko ang manyak o pervert. Hindi bagay sa katulad ko.
Hahakbang na sana ako paalis nang makarinig ng tawa kaya napasilip ako, saktong pagbukas ng pinto ay bumungad saken ang malaking salamin at ang repleksyon ng mukha ni Andromeda.
Nakatalikod sa kanya ang dalawang babae na mukhang pinagtatawanan sya. Mahina akong napamura sa unti-unting pag-iiba ng kulay ng mga mata niya.
Dahan- dahan siyang humarap sa dalawa nang nakayuko.
Agad akong lumapit sa kanya, saktong pag angat ng ulo nya ay nasa harap nya na'ko. Kusang tumaas ang isa kong kamay para ipikit ang mga mata nya. Hinawakan ang kaliwang kamay niya at lalong pinalapit ang katawan sa'ken bago ko sya niyakap.Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang segundo at nang mapansing naglakad na palabas ng Comfort Room ang dalawa ,rinig ko pa ang bulong nila na ka ano ano ko raw ang babaeng ito. Humakbang ako pa atras upang ma ayos na tingnan si Andromeda , nakapikit pa rin ito at nakakuyom ang kamao.
"Sa susunod na mag-iba ang kulay ng mata mo , pumikit ka. Asahan mong darating ako sa tabi mo."
Inimulat nya ang mga mata na ngayon ay nagbalik na sa pagiging kulay abo at tinitigan ako ng ilang segundo , bumuntong hininga pa sya bago nagsalita.
Alam kong magpapasalamat ka ngayon HAHAHA."Hindi na kailangan ,panira."
Gulat akong napatingin sa sinabi niya, agad syang naglakad palabas kaya sinundan ko naman.
"Aba , hoy babae tinulungan kita tapos yun pa ang sasabihin mo? Dapat nga magpasalamat kapa e."
Napahinto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako , humarap siya sa'ken at tinitigan ako ng masama.Napaatras ako ng dalawang hakbang sa iisiping may gagawin na naman siya sa'ken.
"Hindi ko hiniling na dumating ka, oras na sana yun para turuan ng leksyon ang dalawa."
May balak pa talaga siyang ipakita kung anong meron sa kanya? Huh ! hindi ba sya nag-iisip sa posibleng mangyari?
"Alam mo kung sino ang dapat turuan ng leksyon dito ?..."
Humugot ako ng malalim na hininga at tumalikod sa kanya.
YOU ARE READING
She is Science
RomanceIsang babae na hindi pangkaraniwan ang darating sa buhay ni Timothy. Kung saan parehong magkaiba ang kasabihan , paniniwala at pinang-galingan. ps.grammatical errors ahead Book Cover : Jason Moore