Chapter 10: Kiss.

328 10 1
                                    

DARLYN P.O.V

"Ma, si Papa?" tanong ko kay mama ng pababa ako ng hagdan naabutan ko siyang nagliligpit sa sala.

"Nasa Study Room mas mabuting huwag mo muna siyang abalahin, nak." Pakiusap niya na nagawa ko nalang tanguan.

Ito palagi ang alibi niya pag tinatanong ko si Papa pero kahit paano nagpapasalamat pa rin akong kinakausap at pinagsasabihan ako ni mama. Kahit mailap siya katulad ni papa na walang oras para harapin ako dahil sa sobrang busy niya sa Negosyong pinapatakbo niya.

"Ma pakisabi kay Papa lumabas ako para bumili ng Materyales sa Project ko." Pag iiba ko nalang para mamaalam na lalabas hindi naman ako pinalaki nilang bastos na hindi hihingingin ang Permisyo nila. May sinusunod rin kami rito sa bahay. Nagawa ko pang sulyapan ang Study room kung saan sarado ang pinto.

"Sasabihin ko Anak."

Ngumiti na lamang ako ng mapait bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Ilang buwan nalang Moving up ko na." malungkot na saad ko sa sarili.

Hindi ko pa naamin sa kanilang running for valedictorian ako at malapit na graduation ko. Sino na lamang ang pa-paso sakin paakyat sa stage at magkakabit ng medalya. "Hanggang sa ganitong araw ba naman pro-problemahin ko pa rin to." Sambit ko sa sarili ko sinusubukan kong maging matatag ayaw kong umiyak sa ganitong sitwasyon. Parang hindi nako nasanay sa kanila. Kailangan ko nalang gawin intindihin sila dahil kumakayod sila para maibigay pangangailangan ko kahit sobra na ito.

"kailan ko pa ba mararanasan atensyon nila?" napapikit akong nakatingila sa langit.

God, pinaparusahan mo ba ko? Kasi kong oo anong kasalanan ko? Ang ginawa ko lang naman ay maging mabuting anak gaya ng hinahangad ng magulang sa anak. Bakit hindi pa rin sapat para pagtuonan nila ko ng pansin.

"Hayss." napabuntong hininga na lamang ako ng maibsan ang Pagtatampo ko.

Natigil ako sa paglalakad ng may humila bigla sakin at maramdamang nasandal sa pader mula sa sulok sisigaw sana ko ng takpan niya bibig ko.

"Hmpp!" Impit na ungol ko sa kamay niya na pilit pumipiglas sa pagkaka kulong  hindi ko masilayan ang pagmumukha niya dahil sa nakayuko siya at basang basa ang buhok niyang nakatabil sa mukha niya.

Sino ba to?

"T-ulo hmppp!" pagpupumiglas ko na sinubukang suntukin siya para lang makawala sa pagkakatakip niya sa bibig ko.

"Darlin‘.’"

Natauhan ako ng magsalita siya bago ko naramdaman lumuwag ang pagkakatakip niya sa bibig ko.

"B-boss?. " gulat na sambit ko dahilan na matumba ang ulo niya sa balikat ko.

"A-anong ginagawa-----" huli na ng maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko na animo batang sinisiksik ang sarili sa ina.

"Ano ba umayos ka nga! " sinubukan ko siyang itulak pero masyado talaga siyang mabigat. 

Natutulog ba siya?

"Darlin‘. ’" mainit na pagtawag niya na kumiliti sakin at tuluyan ng alisin ang Basang noo niya sa balikat ko.

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?! " bulyaw ko sa kanya ng magkaharap kami nakayuko pa rin siya.

"Ano bang nangyayari sayo ba‘t bigla ka nalang manghihila ng tao?!  Alam mo bang aatakihin nako sa gulat dahil sayo!" Naiinis na singhal ko sa kanya ng matauhan siya sa ginawa niya hindi yun tama na manghihila siya.  Paano pag ibang tao ang humila sakin?  Edi napahamak pa ko.

"Sasusunod huwag ka bigla biglang humila ng tao ng walang permisyo naiintindihan mo! " mas lalo akong nainis ng hindi siya magsalita pabalik sa mga sinabi ko sa kanya.

"Ano wala ka man lang sasab-----"

Unti-unti siyang nag angat ng tingin na gumulat lalo sakin.  "M-may Sugat ka? "  takhang tanong Ko ng masilayan ang mukha niyang puno ng galos. 

"Anong nangyari sayo? " aligagang nilapitan ko siya at akmang hahawakan ang mukha niya ng saluhin niya ang kamay ko. "Nabugbog ka ba? " sa halip na sagutin ako nag iwas lang siya ng tingin.

"It‘s not a big deal. ’" saad niya sa pagod na  boses.

"Anong Hindi---------" hindi ko natapos sasabihin ko ng mahilo siya na agad ko naman inalalayan manatili lamang siyang nakatayo. "MAY SAKSAK KA?! " nanlalaking mga mata ko ng madapo ang tingin sa tagiliran niya na kanina niya pa tinatakpan sa kaliwang kamay niya.

"It‘s normal. ’"

Kumulo lalo ang dugo ko sa sinabi niya na hindi ko mapaliwanag kong nag aalala ba ko o nagagalit sa ginawa niya sakin kanina.

"NORMAL?  Normal ba ang masaksak?  Normal sayong may Saksak ka?!  Nahihibang ka na ba?!! " buong tapang na sinabi ko sa kanya.

"May sugat ka hindi ka man lang nagpatingin kagad sa Doctor? Manghihila ka bigla ng tao tapos pala may iniinda kang Sugat?!  Anong klaseng Pag iisip ang nasa kokote mo!!" nakita kong nag iba bigla ang ekspresyon ng mukha niya na nanatiling nakatitig sakin.

"Yung totoo Tao ka pa ba------------"

Nahinto ako ng hapitin niya ko sa kanya at bago naramdaman ang paglapat ng labi niya  na hindi ko inaasahang magagawa niya.

*SLAAAP*

"Bastos!" Sigaw ko ng makawala sa halik niya hindi nako nagdalawang isip na sampalin siya at buong pwersang itulak sa pader na nasa likod niya.

"Darl-----" tatangkain pa sana niya kong hawakan ng takbuhan ko siya palayo.

Wala kong paki kung malakas ang pagkaka sampal ko sa kanya kahit may iniindi pa siyang sugat at pasa sa mukha dahil naiinis akong hinalikan niya ko bigla. Ninakaw niya ang halik ko.

Bastos siya!

Ang buong akala ko nanghihina siya dahil sa sugat na natamo niya yun pala napaka bastos niya na hapitin ako para halikan.

Is not just a normal Kiss.
but It‘s my First kiss.

---END OF CHAPTER 10---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon