CHAPTER 5

98 7 1
                                    


Pa uwi na kami ni Ethan galing sa lakad namin, nasa kanto kami ngayon para maghintay ng tricycle na dadaan.

Iisang tricycle lang din ang aming sasakyan dahil iisang daan lang din ang uuwian namin pero ako nga lang ang unang mahahatid ng driver dahil medyo malayo sa amin 'yung hotel na tinutuloyan ni Ethan.

"Thankyou for this day Rei, you make me happy! I really enjoy." wika ni Ethan.

"Ako din, masaya ako sa araw na 'to. Sana ay ma ulit muli para mas marami tayong ma build na memories sa lugar namin." sabi ko.

"Sure, I will build more memories here with you and I will cherish every moments and I'll treasure it in the end." sabi niya at hindi na ako nagsalita.

Siya lang 'yung lalaking nakilala ko na nag papahalaga ng memories.

"Manong dito na lang po," sambit ko nang makarating ma malapit sa bahay namin. Pagbigay ko nang pamasahe ay biglang hinawi ni Ethan ang kamay ko.

"Ako na," usal niya.

"Hindi na, kanina ka pa libre ng libre sa'kin. Hayaan mo na ako pamasahe lang naman 'to e. Ako na lang Ethan hehe! Salamat Ethan, ingat ka!" sabi ko at nag paalam na sa kanya.

"Okay.. Thank you din Rei, take care also." I just nodded and waved at him bago pumasok ng bahay.

5pm na pala ng hapon kaya agad akong pumunta sa kuwarto para magbihis dahil naisipan kong ako na lang muna ang magluluto ng hapunan namin kasi hindi ako nakatulong kanina sa gawaing bahay.

"Mama! Ano po ang uulamin natin? Ako na lang po ang magluluto," sabi ko at nagmano kina mama at papa dahil ngayon lang din sila naka uwi galing baybayin.

"Saan ka galing Shawn?" tanong ni papa.

"Sa kaibigan ko po," sagot ko.

"Madalas ka ng sumasama sa kaibigan mong 'yan."

"Dalawang beses pa lang naman po." sabi ko.

"So may balak kang sundan pa ng ilang beses ha? Shawn?" medyo galit na tanong ni papa.

"Hindi naman po pa, mabuti naman po 'yung kaibigan ko. I'm just helping him po,"

"Tulongan siya? Bakit ikaw pa ang tutulong sa kanya?"

"Kasi ako lang kilala niya dito nang magkilala kami no'ng nakaraang araw at nag prisenta na ako na ako ang tutulong sa kanya. Diba po nasabi ko na sa inyo ni mama?" nakayukong tanong ko. Hindi na sumagot si papa at nagpahinga na ito sa sofa.

"Mama.." usal ko.

"Pagod lang ang papa mo, segi na magluto ka na ng pinakbet. Nasa ref ang mga gulay ma binili ng ate mo. Bumalik na pala ang ate mo kanina sa ibang bayan kasi tinawagan na siya ng boss niya." sabi ni mama kaya napatango na lang ako.

Ngayon ko lang din naalala si Ate, umuwi na pala siya kanina hindi man lang ako nakapag paalam kasi kasama ko si Ethan.

Hays! Ano ba tong pinanggagawa ko?!

Nagalit si Papa at hindi ako nakapag paalam kay Ate. I'm doing wrong ba? Mali ba 'yung ginawa ko kanina na makipag kita kay Ethan?

Nag umpisa na akong magluto ng kakainin namin at hindi man lang ako naka ngiti habang nagluluto baka hindi masarap ang kinalabasan nito. Masyado lang akong nalungkot, my family is my weakness.

"Shawn? Tapos ka na?" mahinahong tanong ni mama.

"Opo ma, kain na po tayo." aya ko.

"Arthur kain na tayo, nakahain na ang pagkain na niluto ng anak mo." sabi ni mama kay papa.

Sumunod naman si papa at pumunta sa'kin para halikan ako sa buhok.

"Hindi ako galit sayo anak at may tiwala ako sayo. Ayaw ko lang na dumating ang araw na baka mawalan ka ng landas dahil sa ibang tao." paalala ni papa sa'kin.

"Opo, alam ko naman ginagawa ko papa. Sorry po! Huwag po kayong mag-aalala dahil mabait naman po ang kaibigan ko. Iba po siya sa lalaking nakilala ko." sabi ko.

"D'yan nag sisimula ang lahat Shawn 'Ang iba siya sa lahat ng nakilala ko' kaya sana ay alam mo dapat ang ginagawa at desisyon mo."

"Opo papa, makaka asa kayo na magiging maingat ako." sabi ko at ngumiti sa kanilang dalawa ni mama.

"Tara na! Kumain na tayo!" sambit ni mama.

Habang kumakain kami ay puno kami ng tawanan at kwentuhan noong mga bata pa kami ni Ate ay pina alala ni mama 'yung mga kahihiyan na ginawa namin ni Ate noon. Natatawa ako sapagkat naalala pa ng mga magulang ko 'yon.

"Mama! Papa! Masaya po ako at kayo ang naging magulang ko. Mahal na mahal po namin kayo ni Ate," wika ko.

"Mahal na mahal din namin kayo ng ate mo Shawn," sabi ni mama.

"Walang titibag sa pamilya natin." sabi ni papa at sabay yakap ko sa kanila isa isa.

Nagligpit na ako ng pinagkainan at ako na din ang naghugas ng pinggan. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kuwarto para matulog. Hindi na ako nag bukas ng cellphone dahil ayaw ko muna maka usap si Ethan.

Masyado akong napagod ngayong araw kaya nakatulog ako agad.

-

"Shawn? Mag iingat ka! Ingatan mo ang 'yong puso sapagkat maraming darating na haharapin mo. Kailangan mong magpakatatag."

Napalingo lingo ako habang naririnig ang boses na 'yon sa aking panaginip. Pagmulat ko sa aking mga mata ay bigla akong naluha at puno ng pawis ang aking mukha.

Anong ibig sabihin no'n? Anong klaseng panaginip 'yon?

May kinalaman ba 'to kay Ethan? Na kailangan kong ingatan ang puso ko sa kanya?

Ganito din ba ang napapanaginipan niya?

Pinilit ko munang kumalma bago naisipang matulog. Hindi ko alam kung ano 'tong nangyayari. I'm dreaming!

Nang magising ako kina umagahan ay naalimpungatan ako sa sinag ng araw.

Naalala ko ang nangyari kaninang madaling araw dahil sa boses na napanaginipan ko.

Sino iyon? Bakit niya ako kilala?

Bumangon na ako sa aking higaan at nagligpit na. Katulad kahapon ay maaga akong naligo bago muna kumain para mahimasmasan ako sa nangyari sa'kin.

Ayaw ko mang isipin pero baka connection 'to sa mga napapanaginipan din ni Ethan?

Pero impossible hindi kami magkilala. Naalala ko ang sinabi ni mama noong isang araw sa'kin. Totoo kaya ang kuwento na 'yun?

Erase! Erase! Wala lang 'to! Panaginip lang. Isang panaginip na hindi makatotohanan.

Nang matapos akong maligo ay pumasok na ako sa kuwarto para mag bihis ng makita ko ang cellphone ko ay agad ko itong binukasan.

I saw Ethan messages.

Ethan :

Reiiii, Goodnighttt!

Rei, Sleep ka na?

Thankyou ulit.

Rei, I'm dreaming. Narinig ko ang isang boses sa aking panaginip. I want to share this to you Rei.

Matapos kong mabasa 'yon ay bigla akong nanlamig.

Wtf! is Happening??

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now