I'd Lie (One-Shot)

76 3 0
                                    

Kaileen/Kukai's POV

"Hindi ko nga siya type. Ang kulit niyo. Doon na nga kayo!" Ang kukulit kasi. Bakit ba ayaw nilang maniwala na "BESTFRIEND" lang ang turing ko kay Keiffer. Tss.

"Nako! 'Wag mo na kaming lokohin Kukai. Deny ka pa dyan." Sabi ni Patrice habang kumakain ng pizza.

By the way andito nga pala kami sa canteen. Lunch break. Nagrereview ako habang kumakain sila Patrice and Cloe. My barkada.

"Bahala ka! Isipin mo na lahat lahat ng gusto mong isipin. Kumain ka na lang dyan." Sabi ko at lumipat ng table.

Hindi ako makapagreview ng maayos sa kanila. Porket tapos na sila ginugulo nila ko. Mga kaibigan ko abnormal. Tsktsk.

"Ohh. Bumalik ka dito. Pro--" napatingin ako sa kanya nang hindi niya natuloy ang sasabihin niya.

Nanlalaki ang mga mata na para bang nakakita ng multo. Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Si Keiffer? Anong nakakagulat dun? Hay nako! Ang sakit nila sa buto.

"Oh my! Kristine Kaileen ayan na yung prince charming mo! Hihi." What the! PRINCE CHARMING?! Naloko na. Sarap batukan nito Day!

"Praning ka ba?! Kain ka pa. Gutom ka pa din ata." Sigaw ko sa kanya ng matauhan man lang.

Kinawayan ko si Kei na papunta sa table namin.

"Hi Best! Kumain ka na?" Sabay kurot sa pisngi ko. Psh. Lagi na lang.

"Yan ka na naman. Pisngi ko na lang kaya kainin mo, nang maumay ka naman. Tss." Nakakaasar. Lagi na lang pisngi ko. *pout*

"Sungit mo! Pero cute ka pa din. Pakurot nga. Haha." Hinampas ko ang kamay niya bago pa man makadapo sa pisngi ko.

"Tss. Bakit ngayon ka lang nagpakita? Isang linggo hindi pumasok. Hindi ka man lang nagpasabi." Pag mamaktol ko sa kanya.

Biglang lumungkot ang mukha niya at niyakap ako. "Sorry na Kai. May ginawa lang."

"Okay. Sige na. Pasok na tayo. Malapit na magtime." Tumayo ako at nagpaalam na kay Pat at Cloe.

---

Keiffer's POV

Hay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Bes na may sakit ako.

Oo, may sakit ako. Kaya absent ako ng isang linggo naconfine ako dahil meron akong cancer at tinaningan na ako ng doctor.

Natatakot ako. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang mapaamin si Kukai na mahal niya ako, na gusto niya ako. Dahil ako, mahal na mahal ko siya.

---

Kukai's POV

Papasok lang ako, rinig ko na ang tawanan sa loob. Tsk. Andyan na naman ang Boyfriend ko. Ooops. Haha. Bestfriend pala.

"Nandito na ko!" Sigaw ko at nagmano kay Mama.

"Oh Bes! Kanina ka pa namin hinintay ay." Hinalikan niya ako sa pisngi.

Myghad. Anong nangyari? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. No Kukai! Di pwedeng mainlove kay bestfriend. Tss.

Oo na type ko na siya. Ay hindi mahal ko na siya. Pero ayokong masayang ang pagkakaibigan namin. Dapat pigilan ko to.

Natauhan ako ng nag aya na si mama para kumain.

---

Katatapos lang namin kumain at nandito kami ngayon ni Keiffer sa garden.

"Bes, alam mo bang mahal kita?" Tanong ni Kei.

"Ha-Ha. Oo naman no. Bestfriends kaya tayo. He-he." Sagot ko na may pagkailang.

I'd Lie (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon