Chapter 1

9 0 0
                                    

Naranasan mo na bang manlimos ng atensyon sa mga taong mahal mo? You just do everything to please them but they don't actually cared at all.

"Ma.. Pa.. " finally I caught their attention. Nandito kami sa Resto na pinareserve ni papa dahil sabi niya dito nalang daw kami magkita noong sinabi kong may maganda akong balita sa kanila.
I smile at them then continue "Valedictorian po ako ngayon ma, pa... pwede po bang kayo nalang po ang umakyat sa akin sa stage?"

"Iyan lang ba ang sasabihin mo Aidee? Pinapunta mo pa talaga kami ng papa mo para lang sabihin iyan? Pwede mo namang itext nalang sa amin!" Kita ko ang dismaya sa mata ni mama.

"E kasi pa gusto ko rin naman po sana kayong makasama ngayon kahit saglit lang po." Pag aamin ko. Ilang buwan ko na kasi silang hindi nakikita. Lagi kasi silang busy sa business nila and most probably sa pamilya nila.

Simula kasi noong tumuntong ako sa pag aaral ay doon na ako kila lola Using nakatira. Siya na ang nag-aalaga sa akin hanggang ngayon. Sabi ni papa kailangan daw nilang pagtuunan ng pansin yung kapatid ko kaya hindi nila ako maaalagaan. Hindi ko naman matanong sa kanila ang tungkol pa doon dahil sa hindi ko naman sila palaging nakikita at hindi na rin naman nila nababanggit sa akin.

"Kailan ba ang graduation mo Aidee?" Tanong sa akin ni papa.

"Sa April 6 po papa" sagot ko.

"Sige 'nak, titingnan namin kung makakapunta kami." Nakangiting sabi sa akin ni papa. Nabuhayan ako bigla at sobrang saya ko ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na makakasama ko sila mama at papa umakyat sa stage.
Simula noong nag aral ako ay lagi kong ginagalingan para may rason akong makasama ko sila mama at papa dahil good girl na ako.

Pag uwi ko ay masaya kong binalita kay lola Using na aattend sila mama at papa sa graduation ko.

"Ganoon ba? Edi mabuti." Nakangiting sabi ni lola pero may halong lungkot yung mata ni lola

Changing WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon