Chapter 2

4 0 0
                                    



Nakangiti kong tinitingnan ang mga kaklase ko kasama ang pamilya nila ngayong graduation. Kahit walang medalyang nakasabit sa kanilang mga leeg ay kita mo parin na kuntento na sila sa kanilang buhay.

Tinitigan ko ang gintong bilog na nakasabit sa leeg ko at naisip sila mama at papa. Kanina ko pa sila hinihintay, nasaan na kaya sila? Tapos na ang kaganapan pero wala pa rin sila.  Hahahaha Hindi ko na pinasama si lola kasi hirap na siyang maglakad at sinabi kong dadalo naman sila mama at papa.

Imbis na malungkot at dumiretso ako sa tindahan malapit sa eskwelahan. Masarap ang pansit do'n ni aling Tonying at mura pa, pagtapos ay dumiretso na ako sa bahay.

" oh iha, congratulation! Ang galing galing talaga ng apo ko. " masayang salubong ni lola sa akin. "Oh nasaan na ang papa mo?" Tanong ni lola at agad napawi ang ngiti ng mapansing wala akong kasama. Pilit kong pinipigilan ang luha ko para hindi na siya mag alala sa akin. Masaya naman ako kasi andito si lola.

Isinabit ko sa leeg niya ang medalya ng nakangiti at napangiti rin siya ng mas malaki.
" 'la, para sayo yan. Ikaw ang the best lola sa lahat." Sabay yakap ko kay lola.

Pagtapos namin ay kumain kami ng masaya at nagkwentuhan tungkol sa eskwela. Mga karanasan at mararanasan ko pa kapag pumasok na ako sa sekondarya.

Kinabahan ako sa mga sabi ni lola na iba na raw kapag high school. Kailangan daw ay mas galingan ko pa para madali daw akong makapasok sa college. Hindi pa lingid sa kaalaman ko ang mga binibigay na impormasyon ni lola. Ang tumatak lang sa isip ko ay ang mas galingan ko pa.

Natapos ang bakasyon. Nanghingi naman ng paumanhin si papa sa hindi pagdalo sa araw ng pagtatapos ko at agad ko rin naman siyang pinatawad dahil may importante daw silang inasakaso noong araw na iyon.
Nakapag enroll na rin ako sa gusto kong school dito sa probinsya namin at ang nakakatuwa pa ay nakapasok ako sa iskolar. May binibigay naman si papa na pang allowance ko pero iba parin ang iskolar. Makakapag ipon ako at bibilhan ko si lola ng daster dahil mahilig siyang masuot ng ganoon.

Nagsimula ang klase at nakakatuwa na ang iba kong kaklase sa elementarya ay kaklase ko ulit ngayon. Kaya sila ang sinasamahan ko ngayon.

" Aidee! Tara libot tayo pagtapos natin maglunch!" Excited na sabi ni Tonnet. Medyo malaki rin itong school namin kumpara sa iba at ito rin ang pinakasikat sa probinsya. Marami ring mayayaman ang nag aaral.

Tumango ako at niligpit na ang gamit para papunta sa canteen.

" Sama ako Aidee..." biglang lumapit si Lhuel sa akin. Kaklase ko rin noong elementary pero hindi kami masyadong close kaya medyo nagulat ako sa paglapit niya sa akin.
Ang pagkakaalam ko marami siyang kaibigan at hindi nawawalan ng kasama kaya bakit naman siya sasama sa amin?

"Ahmm. Sige lang. kasama ko si Tonnet maglunch eh." Matagal bago ko siya nasagot.

" okay lang." kislap matang sagot niya.

" ah-eh wala kang kasama? Y-yung mga kaibigan mo?" Nagdadalawang isip kong tanong sa kanya.

" ahh. Wala eh hindi nagsipasok. First day palang naman daw. Wala pang gagawin." Nakangiti niyang sabi.

Tumango nalang ako at sumunod na kay Tonnet noong tawagin niya kami. Mukhang closed na rin pala sila ni Tonnet kaya parang hindi na siya nagulat na kasama ko si Lhuel.

Pagtapos kumain ay dali dali kaming naglibot sa school. Hindi na sumama si Lhuel dahil may importante daw siyang gagawin.

" sa susunod nalang ako sasama sa inyo Aidee ah." Pahabol pang sabi ni Lhuel bago umalis.

Kung saan saan kami inabot at medyo sumakit na ang paa ko. Nasalubong kasi namin yung isa naming kaklase at sinabing next meeting nalang daw aattend yung teacher namin kaya naglibot libot nalang ulit kami. Tumigil muna kami sa gym at naupo sa bleachers para magpahinga saglit. Nakabili na rin kami ng pagkain at inumin kaya doon na kami kumain.

Habang nagtatawanan kami ni Tonnet ay biglang may pumasok na maiingay na grupo ng kalakihan sa loob ng gym kaya napatahimik kami at napatingin doon sa gawi nila. Mga nakasuot sila ng varsity uniform at mga hawak na basketball ang isa sa mga lalaki.

Halatang nagkakantyawan sila dahil lahat tumatawa maliban sa isang lalaki na parang hindi natutuwa sa nagyayari. Siguro siya yung inaasar?

"Ang gugwapo naman ng mga yan." Nagulat ako sa bulong ni Tonnet. Napatingin ako sa kanya at halata ang mangha sa kanyang mukha.

Napabaling ulit ako doon sa gawi ng mga lalaki ngunit doon parin ang tingin ko sa seryosong lalaki.

Oo nga gwapo nga. Mabuti at hindi lumabas sa bibig ko itong naiisip ko.
Kahit medyo malayo ay kita mo parin ang aliwalas ng mukha niya. Siguro anak mayaman ito? Ilang taon na kaya siya? Mukhang mas matanda siya sa amin ng dihamak.

Sabay kaming napabaling sa pasukan ng gym no'ng may narinig kaming magikgikan ng mga babae at dumiretso agad sila sa kabilang bleachers sa katapat namin. Halatang nagpapapansin sila sa mga lalaki.

" ay ano bayan, may mga girlfriend na ata yung mga players." Dismayado si Tonnet na akala mo naman ay gusto niya lahat iyon.

Natawa ako sa kanya at kumain nalang ng fries. Habang sumusubo ako ay napatingin ako sa lalaki at nagulat ako dahil nakatingin din pala siya! Nalaglag pa ang fries sa bunganga ko! NAKAKAHIYA!!!
Agad akong umiwas ng tingin at humarap kay Tonnet saka uminom ng tubig. Lintek naman oh! Nakakagulat kasi! Nakipagkwentuhan nalang ulit ako kay Tonnet. Maya maya no'ng nabawi ko na ang pagkapahiya ko ay tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakikipagtawanan na siya sa mga kaibigan niya.

Tsk parang kanina lang ang seryoso seryso ng mukha niya, nakita niya lang akong napahiya ngayon saya saya niya na!

Chos! Ang assuming ko do'n ah!

Natawa nalang ako sa iniisip ko. At maya maya pa ay napagpasyahan na naming bumalik sa room. Bago umalis ay sumulyap pa ako sa mga babae at ganon parin ang itsura nila. Akala mo mga bulating kinikilig. At sabay balin ko sa mga lalaki naglalaro parin sila ng basketball. Akala ko titingin pa yung lalaki sa akin hindi na pala! Assuming ko talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Changing WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon