-EPILOGUE
Natataranta akong tumatakbo pabalik ng room. Hanap raw ako ni Ma'am at umiiyak raw si Vanessa. Pagkarating ko ng room. Pakiramdam ko lahat ng mata sa akin nakatingin. Puro mapanghusgang tingin. Agad akong kinausap mag-isa ng guro ko sa kanyang pwesto.
"Arianne? Alam kong mahirap tanggapin sa akin ito, pero may nakahuli raw sayo."
Nakayuko lang ako sa harapan ng guro ko habang kinokompronta ako. Sobrang kahihiyan ang nagyaring ito sa akin. Gusto ko ng maglaho. Gusto ko ng mawala. Gusto ko ng mamatay. Nakakahiya ako.
"Ma'am, sorry po."
"Naiintindihan naman kita. Pero sana Arianne huwag na yung mauulit?"
"Opo, Ma'am. Pangako."
***
Agad kumalat ang balita. Maging ang nobyo ko. Agad akong tinawagan sa cellphone ko at nakikipagkita.
"Sorry Anne. Pero-
"Makikipaghiwalay ka na sa akin?"
"Mahirap man sa akin pero, kasi, ano-
"Kasi kinahihiya mo na ako? Hindi mo na ba ako mahal dahil dun?"
"Mahal kita. Hindi kita kinahihiya."
"Eh bakit ganun Enchong. Bakit parang nakikipaghiwalay ka?"
"Sorry talaga. Sorry Anne. Sana maintindihan mo." Paalis na sana siya ng magsalita ako.
"Huwag mo na akong tatawaging Anne. Kung ayaw mo na sa akin wala na akong magagawa. Siguro ganyan ka lang talaga kababaw. At siguro hindi lang talaga ikaw yung taong para sa akin. Wala ka naman palang kwenta eh! Sira ulo ka."
"Sige tatanggapin ko yang sinasabi mo. Pero di ko matatanggap ang katulad mong MAGNANAKAW!" Saad niya habang nakatalikod
"Ede umamin ka rin? Sorry Enchong..." Tumakbo ako ng halos nanlalabo ang paningin ko dahil sa naiipong luha sa mata ko. Hanggang unti unti ng pumatak ang mga luha ko at dumaloy sa pisnge ko.
Tagos hanggang puso, hanggang buto yung sinabi niya sa akin. Ang sakit. Ang sakit na nagmula sa kanya yung mga salitang yun. Mas lalo ko pang kinahiya ang sa sarili ko. Ang kaibigan kong si Marydee, halos iwasan na ako sa school. Ang mga kaklase ko na halos halatang kapag darating ako magpaparinig ng
"Tago niyo na gamit niyo. Lagay niyo na sa bulsa wallet niyo."
Kasalanan ko naman ito. Pero di ko naman inaasahang ganun ang kalalabasan. Kung pwede lang sana. Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan.
-TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
DEVIL INSIDE ME
Подростковая литератураMadalas ang gamiting CHARACTER's sa isang story yung may magandang nakaraan at may magandang personality. Yung halos lahat ng kabutihan nasa kanya... Pero minsan meron ding mga tao na----- Halina at basahin natin ang kwento ni Arianne...