"HUH?"
labis ang aking pagkagulat ng umulwa ang pagmumukha ng makulit kong manliligaw na si Dino.
"IKAW NA NAMAN!!!"
Iniabot niya sa akin ang isang sim card.
"Para saan to?"
"Insert mo na lang sa phone mo."
"Sa tuwing may mga nagtetext ngang di ko kilala nagpapalit ako ng sim card tapos ngayon binibigyan mo ako? Ede malalaman mo din number ko." mahinahon kong saad
"Please?"
"Bahala na, sige mauna na ako sayo."
Hindi na kinaya pa ng puso ko. Sobra na sa bilis ang tibok nito. Baka marinig na niya kung di pa ako lalayo. Type ko siya kasi makulit siya at pursige kaso ayoko sa kanya kasi ang daming may gusto sa kanya. Kahit sabihin pang ako ang gusto niya. Mahirap na natatakot na rin akong magmahal simula noong nasaktan ako sa relasyon namin ni Enchong...
-To Be Continued
BINABASA MO ANG
DEVIL INSIDE ME
Genç KurguMadalas ang gamiting CHARACTER's sa isang story yung may magandang nakaraan at may magandang personality. Yung halos lahat ng kabutihan nasa kanya... Pero minsan meron ding mga tao na----- Halina at basahin natin ang kwento ni Arianne...