Chapter Five

79 30 12
                                    

Let the tiger out.


Chapter Five



Umaga ang simula ng klase ko ngayon kaya maaga rin ako umalis. Mabuti na yun dahil hindi ko rin makakasalamuha sila Tita at Tito. Papasok na ako sa gate ng university nang may tumawag sa akin.


"Reinette!" 

Nilingon ko kung sinong tumawag sa akin at nakita kong si Percy 'yon. Oh? Hindi na siya galit sa akin? 

Lumapit siya sa akin at nginitian ako. "Gusto ko mag-sorry kasi hindi ka namin inintindi non... But whatever your decision is, I want you to know that we will always support you, no matter what... Will you forgive me?" she looked at me with her puppy eyes.

I raised my eyebrow when she threw me that look. Tangina, cringe.

"Oo na, don't make that face again, ang pangit mo!" humalakhak ako.


Sumimangot lang siya. Tinawanan ko lang siya at inaya na siyang pumasok, nakita ko naman si Leyton na kakapasok lang din ng school grounds. 

Nang makita niya kami ay naglakad siya papunta sa amin kaya pinatigil ko si Percy sa paglalakad.

"Oh, why did you stop?" tanong niya.

Ininguso ko yung direksyon ni Leyton at napakunot noo siya. "Who's that?"

"Leyton Pecilli." a gang leader.


Nakilala namin ng mga ka-gang ko ang Tribal kung saan si Leyton ang leader nila, sa isang gang fight na sinalihan namin pagkatapos namin maklaro ang desisyon at ang pagsanib ng mga myembro galing Black Society. I think I caught his attention kasi nang manalo kami sa kalaban namin, lumapit na siya sa akin and introduced himself. 

Funny how Tribal and TFF watched us the whole time we were conversing, alerting themselves if neither me or him threw a move that may cause war but nope, I knew he wasn't that dumb, and so am I.


"Wassup, Rei!" umamba ng apir si Leyton nang makalapit siya sa amin pero hindi ko iyon pinansin. Sinimangutan niya lang ako habang si Percy naman ay humalakhak.

"Oh? Who's this pretty lady beside you?" taas kilay niyang tanong sa akin pero kay Percy nakatingin.

"Percylone Teravish." 

"Leyton Pecilli." At nagkamayan sila.


"Diba, we have one same subject? Sa drafting right? May floor plan na kayo?" tanong ni Leyton.

Ah, oo. Magkaklase lang kami sa Drafting dahil pareho kami ng strand pero magkaiba kami ng section. What a small world.

"Meron na, ikaw, Reinette?" baling sakin ni Percy. Binigyan ko siya ng ako-pa-ba look.

"Malamang." sambit ko habang nakataas ang isa kong kilay.


Naglalakad na kami patungong classroom ni Percy dahil pagkatapos ng ilan pang minuto naming pakikipag-usap kay Leyton ay tumunog na ang bell. Pagkapasok namin, nadatnan ko si Abcde sa tabi ng upuan ko, nakatungo. Mukhang tulog.

Kakaupo ko pa lamang sa seat ko nang dumating na agad si Ma'am. Dahil nga first subject namin ang Math, inantok ako bigla dahil puro numero ang nakikita ko. Ang aga aga, ganto bungad sakin.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon