IT'S GOOD TO BE BACK

181 1 0
                                    

KATHRYN'S POV

First day of school na! 3rd year na ko! Grabe ang bilis ng panahon, next year g-graduate na ko! Tapos next-next year college na ko! YEAH!

Nandito na ko ngayon sa University namin. Nagpahatid na lang ako kay Kuya Thran. Konti pa lang naman mga students na andito na rin, ang aga pa kasi eh.

I am studying here at our very own University. Bernardo High Padilla University is the name! Actually may ka-share kami sa school na to which is obviously the 'Padilla Clan.' Highschool Department ang major na mina-manage ng 'Bernardo Royalties,' which is my family while yung College Department naman ang major ng 'Padilla Clan.'

"Hi sis!" Ooops! Ano ba namn tong si Julia, basta-basta na lang sumusulpot out of nowhere!

"Hey! Aga mo din ah! Excited?" asar ko

"Duuh! Tigilan mo nga ko Kath! Aga-aga eh!" Inis na inis kasi talaga yan sa FDOS. [First Day Of School] Ang boring daw, nakakainip daw, paulit-ulit na lang daw blah! blah! blah!

"Chillax! Oh open mo bluetooth mo. Pampa-Good Vibes naman sayo" In-open nya na nga yung Bluetooth nya at si-nend ko na sa kanya yung mga 'The-Best-Funny-Pranks-Ever' videos sa YouTube na si-nave ko sa phone ko. Pampa-full nga lang yung mga yun ng memory ko eh pero who cares, bestfriend ko naman yan eh, ayos lang nawiwili naman sya. Tuwang-tuwa naman--este--tawang-tawa naman pala sya sa mga ganun! Haha

"Yes! Thanks bestfriend! Hooo! Hahaha tignan mo to Kath dali! HAHAHA! Ayos to! HAHAHA ang epic nito! HAHAHA" told yah! With matching hampas sa braso ko pa ang bawat tawa nya! Hay naku, napapa-iling na lang ako! Ang baliw talaga!

"Hoy madapa ka naman! Bangas ka! Ikaw naman ang tatawanan ko pag nagkataon! Hahaha tapos saktong na-videohan ko pa? Naku idadagdag ko yun dito sa mga prank files ko and syempre i-a-upload ko pa! Hahaha----aray ha!" Kanina pa ko hinahampas nito ah! Hindi naman ako pinanganak sa mundong to para lang hampasin nya noh! Aba mahiya naman sya sa nanay ko! Siyam na buwan akong iningatan sa tyan tapos paglabas hahampas-hampasin lang pala?!

"Sama neto! Pasalamat ka Kath bestfriend kita!" Aba nangonsensya pa!

And sakto, here we are! Andito na kami sa classroom namin. Konti pa lang din yung mga classmates namin na andito na rin. Actually, yung two girls and yung P5 pa lang pala yung nandito na. And actually ulit, Parking 4 lang pala, kulang pa sila eh. Wala pa yung leader nila eh.

Di na kami nag-abala pang pumunta at makipag-siksikan pa dun sa may bulletin board para lang sa Room # and Section namin. Lagi naman kaming A1 ni Julia eh tsaka isa pa, owner ako dito kaya may access kami sa Main Office.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon