Buhay sa Probinsiya

8 1 0
                                    

Harvy's POV

Maayong aga Negros Occidental!!!!!!!

Ala-singko pa lang ay gising na ako. Kailangan ko ng magsibak ng kahoy para may panggatong kami kami sa buong araw, kung papalarin ay minsan gamit namin ay uling.

Pagtatapos ko magsibak at tipunin lahat ng kahoy ay dederetso na ako sa poso nila Tiya Berna para mag-igib, hindi ko siya kaano-ano sa amin kasi "tiyay at tiyoy" ang tawag namin nilang paggalang.

"Maayong aga tiyay Berna, mag-iigib lang po..." bati ko kay tiyay na maaga na namang nakaupo sa gilid ng veranda nila at nagmu-muni-muni.

"Sige iho kumuha ka lang dyan... at libre naman ang tubig dito..." dahan-dahan na sambit ni tiyay, may katandaan na rin kasi.

Naka-ilang balik ako dahil lahat ng lalagyanan ay pinuno ko na, pampaligo rin kasi ng dalawa kong kapatid at ni lola at lolo, ganon din sa panlaba ko mamaya at sa iba pang gawaing bahay.

Bago pala ang lahat ako si Harvey Valenzuela ang panganay sa tatlong magkakapatid. Maayong aga sa imo!

Alas-otso na ng natapos ako sa mga kailangan kong gawin.

"Jimboy!" Tawag ni lolo sa kapatid Kong sumunod sa akin.

"Tay saglit lang anay at masunod lang ko.." (saglit lang at susunod na ako) sigaw ni Jimboy mula sa loob.

"Pa-diin kamo tay?" (Pa-saan kayo tay?)  Tanong ko kay tatay habang naghihintay siya kay Jimboy.

"Makadto kami to sa uma kay manguha kami sang ulutanon..." (Pupunta kami sa taniman natin at kukuha ng mauulam) sabi ni tatay at sakto namang labas ni Jimboy.

"Amo na na? May ara pa to nabilin kay nanay kag Kikay?" (Ayan na yon? May natira pa ba para Nanay at Kikay?) tanong ko kay Jimboy ng makita ko ang thermos na hawak niya at ilang kape na nasa stick.

"May ara ko to gin bilin, malakat na kami nong..." (May tinira ako, nauna na kami Kuya) at umalis na sila, mga hapon na ang dating nila dahil malayo ang uma sa bahay namin.

Nang makaalis sila ay pumasok na ako sa bahay, si Kikay ay tulog pa at si Nanay ay nakaupo at nakikinig ng radyo.

"Manyaga ta nay..." (Umagahan na tayo nay) alok ko kay Nanay.

"Karon lang ko ya to, tulog pa to si Kikay.." (Mamaya na ako to, tulog pa si Kikay) lagi kasing sabay kumain si Nanay at Kikay dahil malapit si Bunso kay Nanay.

Kumain na ako dahil maglalaba pa ako ng mga damit namin at para mabilis matuyo kaso medyo makulimlim ata ngayon?

May bagyo ba?

Alas otso-trenta ng umaga hatid sang Alaska! Malakas sang ulan kag malakas na hangin ang aton maranasan ngayong gab-i at ginaasahan bukas kag makalawa. Halong kamo permi at hindi na mag-guwa-guwa.

(8:30 ng umaga, hatid ng Alaska! Malakas na ulan at malakas na hangin ang ating  mararanasan ngayon gabi at inaasahan din bukas at sa makalawa. Mag-ingat lagi at iwasan ang lumabas-labas.)

Pagkarinig ko sa radyo na yon ni Nanay ay binilisan ko ang pagkain at kinuha na ang akong mga labahin.

Medyo marami-rami ang isang to, bulong ko.

Walang ano-ano'y agad na akong nagsimula, medyo matatagalan ako kasi kamay lang ang gamit ko dahil wala naman kaming washing machine.

Kailangan pa naman din matuyo ng mga to dahil bukas gagamitin ko ang uniform ko, kailangan daw kasi naka-full uniform kapag nag-take ng university exam.

Magbabanlaw na sana ako ng naubusan ako ng tubig!

"Nay! Makadto ko to danay kay tiyay Berna, makuha ko sang tubig..." (Nay! Punta lang ako saglit kay tiyay Berna, kukuha lang ng tubig) paalam ko.

"Sarha ang kahoy dira at basi magsulod ang mga pato.." bilin ni nanay. Minsan kasi pumapasok mga manok o pato sa looban tsaka baka madumihan mga nilabhan ko.

Agad ko ng pinuno ang timba na dala ko at naka-tatlong balik ako sa poso.

Medyo mahangin-hangin na ng matapos ako at sakto namang dating nina tatay at Jimboy mula sa uma.

Agad kong sinalubong ang dalawa at kinuha kay tatay ang buhat-buhat niyang isang sako sa balikat at isang sako sa kanang kamay niya.

"Dami ni man tay.." (Ang dami naman nito tay) sabi ko at natawa naman si tatay.

"Wala pa na..." Ani ni tatay.

"May ara kuno bagyo kay dali-dali kami ni tatay na isulod tanan sang pwede ibutang at halos ginkuha na namon tanan na palay kag gulay..." (May bagyo raw kaya binilisan namin ni tatay ilagay lahat at halos kinuha na namin lahat ng pwede na dalhin na pala at gulay) kwento ni Jimboy.

"Sin-o naghambal na may ara bagyo haw?" Tanong ko.

"Si tiyoy Greg kay nabatian niya kuno sa radyo, kag kita namon ga-itom ang langit..." (Si tiyoy Greg kasi narinig niya raw sa radyo ay kita namin na medyo maitim na yung langit) tugon ni Jimboy.

Nang makapasok kami sa loob ay dumeretso kami sa lagayan ng palay at gulay, kumbaga stock room sa mga mayayaman, e samin simple lang naman na halos katabi pa ng kwarto nina tatay.

"Diin ang iba?" (Saan ang iba?) tanong ni Nanay kay tatay.

"Gin bilin namin to kay pareng Greg kay hambal ko si Harvey na ang makuha.." si tatay.

"Tay... Jimboy... Kaon muna kamo di." pinaghandaan ko na sila tatay ng makakain dahil kape at tinapay lang ang kinain nila kanina. Siguradong gutom a ang dalawang iyon.

Lumabas lang ako saglit at nakita ko si Kikay at Nanay na kinukuha ang mga damit na nilabhan ko kanina, wala man gaanong araw pero mahangin naman kaya siguradong natuyo rin ang mga iyon.

Alas nuebe ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tulog na sina tatay, Nanay, Kikay at Jimboy. Alam niyo naman sa probinsiya alas-sais pa lang kumakain na kami ng gabihan at maaga rin natutulog kasi wala naman kami g TV at tanging radyo lang ang paingay sa bahay.

Sumilip ako sa bintana ay talagang malakas ang hangin, rinig din ang kalampag ng yero namin.

Wag naman sana ngayon...

"Nong? Gina-himo mo da?" (Kuya? Anong ginagawa mo dyan?) pikit matang tanong ni Jimboy.

"Wala ah.. Gina-tignan ko lang labas kag pinapakiramdaman ang yero kay basi malupad..." (Wala ah, tinitignan ko lang ang labas at pinapakiramdaman ang yero baka lumipad) paliwanag ko.

Kumuha ng lampara si Jimboy at nilagay sa lamesa at sinamahan ako sa labas.

Maya-maya pa ay nakatulog na si Jimboy at bago ako matulog ay sinilip ko si Kikay, Nanay at tatay sa higaan nila.

At natulog na rin ako...

Probinsiyano meets the Party GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon