Maynila

3 1 0
                                    

Harvey's POV

Nawalan na ako ng pag-asa sa scholarship dahil mag-isang linggo na pero wala pa rin text..

"Nong! Nong!" Sigaw ni Jimboy.

"Lahat kami napatingin sa kanya." sa pagkakataong ito lahat kami ay nasa bahay lang.

"Ano?" tanong ko.

"Nakapasa ka!!"

"Ano???"

"Congratulations Manong! Nakapasa ka!!" Halos matumba si Nanay ng narinig ang magandang balita na nakapasa ako!

Pero biglang naghalo ang laman ng utak ko...

Nakapasa ako.. Ngunit kapalit nito ang pag-iwan ko kila nanay at tatay at sa dalawa kong kapatid...

Maabot ko ang pangarap ko pero di ko naman maaabot ang aking pamilya..

"Nong! Nong!" kanina pa pala ako tinatawag ni Jimboy.

"San-o ka malakat?" (Kailan ang alis mo?) Tanong ni tatay.

Iniisip ko pa lang ang kalalagyan nila rito sa probinsiya parang ayaw ko na lang tumuloy...

Kaso ang pangarap ko ang makakapag-ahon sa kanila sa hirap...

"Tatlong araw simula ngayon Tay.." sagot ko.

"Malapit na.. Daw dasig man.." (Ang bilis naman) sambit ni Jimboy.

"Nay.. Diin makadto si manong?"( Nay, saan pupunta si Kuya?) inosenteng tanong ni Kikay.

"Mag-aral lang ya si manong mo para makapagtapos at makatulong sa atin..." malumanay na paliwanag ni Nanay.

"May ara naman to eskwelahan sa babaw..." tugon ni Kikay.

"Ma-balik lang din si Manong.." pagpapaliwanag ko kay Kikay.

-end of flashback-

Probinsiyano meets the Party GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon