Scholarship

3 1 0
                                    

Harvey's POV

Maayong aga sa tanan!! (Magandang umaga sa lahat!!)

Bukas na ang aking exam para sa scholarship na maaaring mapasaakin kung papalarin akong makapasa.

Tulad ng dati kong ginagawa ay nag-iigib na ako ng tubig, lahat ng lagayan ay nilalagyan ko na dahil hindi ko na inaasa pa kina Nanay, tatay o Jimboy ang gawaing ito.

Nagsibak na rin ako ng kahoy at may nag-aabot sakin ng kalahating sakong uling.

"Salamat tiyoy!" sabi ko kay tatay na di ko masyadong matandaan kung sino.

Pagkatapos ko magsibak ay kinuha ko na ang gamit ko at umuwi na ako.

"Tay!! May nag-hatag sa akon sang uling..." (Tay!! May nagbigay sa akin ng uling) nakangiting bungad ko kay tatay.

Kinuha ni tatay ang uling at ang mga kahoy, nakita ko si Nanay na nagwawalis kaya naman hinanap ng paningin ko ang dalawa...

"Nay? Diin ang dalawa?" (Nay? Saan ang dalawa?) tanong ko kay Nanay.

"A-to-to gina-ayos ang takway..." (Andon sila, inaayos ang takway, isang klase ng gulay) sabi ni Nanay.

"To, kailan ang imong exam?" tanong ni tatay sa akin, akala ko nakalimutan na niya hahahaha....

"Buwas po tay..." (Bukas po tay) sabi ko.

"Nag-aral kana To?" muling tanong ni tatay.

Mahalaga sa akin ang scholarship na ito, sayang kung hindi ko pag-iigihan.

Pagkatapos ko mag-igib sa poso ay naglalaan ako ng ilang minuto para magbasa, kapag magsisibak naman ako ng kahoy ay magpapahinga ako sa puno ng star apple at doon ipagpapatuloy ang pag-aaral. Kapag gabi naman ay mag-aral ako ulit kapag tulog na ang lahat.

"Opo tay..." sagot ko.

"Mag-aral ka to liwat.. Ibutang lang da kag si Jimboy ang ihalili.." (Mag-aral ka na ulit, ilagay mo lang dyan at si Jimboy ang ipalit ko dyan) sabi ni tatay.

"Jimboy!" Sigaw ni tatay at agad na lumabas si Jimboy.

"Tay?" Tawag ni Jimboy kay tatay.

"Dali di anay..." (Halika muna rito), "Ang manong mo ma-aral sa sulod kay ikaw man mag-himo ni..." paliwanag ni tatay at agad naman sinunod ni Jimboy.

Lahat kami napalaki ng maayos nina tatay at nanay dahil buntis pa lang si mama kay Kikay ay na-aksidente ang Papa namin at nung isilang si Kikay ay hindi nagtagal ay namatay si mama dahil bumaba ang kanyang dugo kasabay nito ang pagdurugo ni mama.

Bata pa lang kami ay namulat na kami sa hirap. Pero pinipilit nila tatay na makapag-aral ako... makapag-aral kami at ibigay ang mga talagang pangangailangan namin.

Si Kikay medyo mailap sa akin.. Ewan ko pero sabi ni Nanay parati raw kasi ako wala sa bahay kaya hindi kami ganoon ka-close.

Tulad ng sabi ni tatay ay nag-aral ako ng mabuti.

"Nong... Makaon na ta..." (Kuya, Kain na tayo) tawag sakin ni Jimboy.

"Ma-sunod lang ko.." sagot ko.

Ilang oras pa ako nag-aral dahil may hindi ako maintindihan sa Math, hindi ako matalino sa totoo lang pero sabi ni mama sa akin noon "daig ng masipag ang matalino..." hindi kasi ako makapag-aral noon ng maayos dahil lagi akong nasa uma bata pa lang....

Nagising ako sa huni ng ibon... Nagulat ako ng makita ko ang pwesto ko, dito na pala ako nakatulog...

Agad-agad akong kumilos ngunit nagulat ako ng makita ko na puno na lahat ng lagayan namin ng tubig, napatakbo ako sa kusina at maayos na nakasalansan ang bagong sibak na mga kahoy. Muli akong bumalik sa sala at kita ko ang uniporme kong walang bahid ng gusot gayon din ang sapatos ko na kumikinang na tipong bagong bili...

Probinsiyano meets the Party GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon