Chapter 1

11 1 0
                                    

How do you find Mr.Right? And where?


Ang tagal ko ng hinahanap si Mr. Right. Sa mall, sa lugar namin, sa coffee shop, maski nga sa school, panay na ang hanap ko, nagbabasakaling mahanap ko ang magpapatibok sa pretty little heart ko, but I haven't seen him yet.



Sa Facebook, or Instagram account ko,panay din ang pagadd ko,yun nga lang puro chaka naman.







Alam ko naman sa sarili ko na Im not pretty like the other girls,sabihin na lang natin na may natatago akong ganda.







Maganda ang mga mata ko, matangos ang ilong ko, at ang lips ko,mapula.Kahit walang lipstick. Lalo na kapag kinakagat-kagat ko ang lips ko nervously kapag hindi ko nasagot ang tanong ni Ms. Rodis sa Geometry. Hindi naman ako bobo sa math pero hirap ako kapag Geometry ang tinuturo. Ewan.








Ayan lumilipad na naman ang isip ko,kung saan saan napupunta. Ang pinag-uusapan nga pala ay si Mr.Right at kung paano ko siya hahanapin.








Desperada na kung desperada,pero ayoko naman grumaduate ng college ng wala akong boyfriend! Gusto kong maranasan lahat ng klase ng romance.







"Skyler! Tulala ka na naman diyan, kanina pa kita hinahanap".





That's Czeck Candava, my friend na sobrang talino and jolly. But in fairness, siya yung friend ko na di pa nagkakaboyfriend. Kaya hinahangaan ko to, puro studies laman ng utak. Valedictorian nung highschool, ewan ko ba dito. Puro aral inaatupag, gusto yata na tumandang dalaga. Myghaaad! Puro libro lagi ang kaharap,di ko yata keri yon e.










At ang tinawag niyang Skyler? Ako 'yon.
Yes, ako si Skyler Athena Montero. Ipinangalan ako ng nanay ko alinsunod sa pangalan niya.








Kaya noong maliit ako, hate na hate ko ang second name ko ambahong pakinggan. Skyler ang prefer ko,mas unique. Ang labanan ngayon,pa-unique-an ng name para mapansin ka.









"Alam mo naman na Im thinking about my Mr. Right" saad ko kay Czeck  nang tumabi siya sa akin sa cafeteria.







"Nood tayong sine ," yaya niya. "Palabas na ang. Maganda raw." 'Yan si Czeck, mahilig sa gala. Laman ng mall.






"May class pa tayo, 'no?" At 'yan naman ako, mahilig sumunod sa rules. Kapag bawal,ayoko.







"Boring naman ang Geometry, eh. Saka first day pa lang naman ng class. Wala pang ituturo 'yan."





"I know right? Hindi ko nga maintindihan ang Algebra, Geometry pa kaya. Pero ayokong umabsent. Katakot. Nagpapakahirap parents natin para makapag-aral tayo tapos sasayangin lang natin."







"Ay, may kasama pala akong madre! Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend, masyado kang straight. Paano mo makikita ang Mr. Right mo kung dito ka lang sa school. Wala namang cute boys dito."








"A, basta ayoko. Kung gusto mo, after class. Sasamahan kita. Basta ilibre mo ako," nakangiti kong pahabol.





"Sige na nga. Isama na rin natin si Eizel para mas masaya."






Yes you hear it right. Eizel San Diego, isa sa kilalang top models ng buong bansa. Isa din ang pamilya niya sa mga pinakamayaman. Bukod rito, ang kumpanya ng kanyang pamilya ang nangunguna at pinaka-best around the world.






Masaya talagang kasama si Eizel. Mahilig kasi siyang bumili ng mga branded clothes, shoes and bags.





Siya na din bumili ng ticket for the movie sa Trinoma Cinema, after ng sine nagshopping lang kami. Bili ng new clothes to wear at school.










Doon ko nakita si Mr. Right.
Sino si Mr. Right? Siya yung bumibili din ng damit. Omg! Ang guwapo niya. At dumagubdong ang aking pretty little heart.




Falling for Mr. WrongWhere stories live. Discover now