"Skyler! Skyler! kanina ka pa namin tinatawag. Bakit parang namumula ka diyan? Wag mo sabihing nakakita ka ng guwapo," sabi ni Eizel.
"Sabi sayo Skyler, dito mo makikita si Mr. Right mo," wika ni Czeck.
"Nakakatawa kayong dalawa, guwapo lang yung nakita ko. Natulala lang ako. Yun lang yon," sabi ko.
Mukhang nagets naman ng dalawa ang gusto kong sabihin kaya nagpatuloy na lang kami sa pagbili ng mga damit namin. Pero ako? Heto tuliro sa binatang nakita ko. Ang guwapo niya,ang hot pa.
"Skyler, saan ka pupunta?," wika ng dalawa kong kaibigan. Napansin pala nila na di ako sumusunod sa kanila. Nakita nila ang pag-iiba ko ng landas kung saan papunta sa guwapong nakita ko. Hayss. Dumadagundong na naman ang aking little heart. Kasabay nito ang pag-ngiti ng aking mga labi habang papalapit ako sa kanya. I can't imagine na dito ko lang siya makikita.
Hanggang gabi,maski nasa bahay na ako siya pa rin ang iniisip ko. Iniisip ko kung gaano kaperfect ang mukha niya! Well di niyo ako masisisi kung pati sa bahay iniisip ko siya, sobrang guwapo niya kasi.
"Hoy Skyler! Nakatunganga ka na naman diyan. Ang lalim ng iniisip mo ah. Tulungan mo kaya ako rito sa longganisa."
That's my mom. Mom talaga o! HAHAHA! Nanay ko 'yan. Tindera siya sa palengke. Maghapon siyang nagtataga ng pata at tadyang ng baboy, at naghihiwa ng laman at taba ng baka at manok. At pag-uwi, gumagawa naman siya ng longganisa at tocino. Grabe sobrang sipag ng nanay ko. Kaya heto ako pinagbubuti ang pag-aaral ko. Ayokong magbulakbol. Gusto kong makatapos, makapagtrabaho at maging rich. Para mapatigil ko na si nanay sa pagtitinda sa palengke. Itu-tour ko si nanay sa iba't ibang lugar sa bansa.
Kaya rin tumutulong akong maggawa ng longganisa at tocino. Kahit sa totoo lang, nakakapudpod ng ng kuko dahil sa ingredient na asin. Kaya kayo, kapag kumakain ng longganisa at tocino isipin niyo ang hirap na dinadanas ng gumagawa nito, ha?
"Bakit ka ba nakatulala?" tanong ng nanay kong hindi sanay na tahimik. Gusto niya laging may kadaldalan siya. Mapagkwento kasi ako kay nanay, kaya siguro nakakapagtaka nga naman na tulala ako at may iniisip. Sa bagay, bungangera naman si nanay e. Pero syempre advantage ni nanay yon kapag nagtitinda sa market market lalo na pagsumisigaw siya ng Bili na! Bili na kayo ng baboy, baka, manok!
"Iniisip siguro niya 'yung dyowa niya, Nay," hirit ni Kuya Wayde.
Anyway, ang sabi ko kay mader, "nagiimbento lang 'yang si Kuya Wayde."
"Dapat lang! Aba'y nagpapakandahirap at kanda kuba ako mapag-aral at mapagtapos ka lang Skyler. Gumigising ako ng maaga, at pag-uwi ko trabaho ulit. Para ano? Para makapag-aral kayo. Para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan, maayos na trabaho. Hindi yung katulad namin ng tatay mo na hindi nakapagtapos man lang ng highschool kaya heto kayod marino! Sumalangit nawa ang kaluluwa ng tatay n'yo."
Yes, single mother si mader dahil sa tatay ay naheart attack. Alam naman namin ang paghihirap ni mader, kaya nga nagsusumikap kami. Lalo na ako.
"Wala po akong boyfriend," sabi ko sabay bato ng basahan kay Kuya Wayde na natatawa-tawa lang. Si Kuya Wayde ay third year college, kumukuha ng Engineering sa CVSU. Full scholar. Galing 'no?
" Ako ho, may boyfriend na," hirit naman ng bunso naming kapatid na si Azi.
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Azi kasi 8 years old lang siya. Grade two. Imposible namang may boyfriend siya talaga 'no? Dahil kung meron, magwewelga na talaga ako.
"Good evening po."
Napatingin kami sa may pinto, si Eli pala, kapitbahay namin, barkada ni Kuya Wayde. May dala siyang gitara. Mahilig sila ni kuya na magbasketball at maggitara. Madalas siyang pumupunta dito sa bahay, wala namang bago don para ko na rin naman siyang kapatid. Pero ang totoo, may gusto siya sa akin. Paano ko nalaman? Dahil sa tuwing naggitara si Eli, sa akin siya nakatingin. Papungay-pungay pa ang mata na tumititig sakin habang kumakanta at naggitara ng love song. Halos magkandaduling na nga.May itsura naman si Eli, pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Dahil halos sabay lang kaming lumaki ni Eli. Kilala ko ang likaw ng bituka niya. Kilala ko din ang pamilya ni Eli. Mababait din naman ang tatay at nanay niya, masikap din para sa mga anak. In short, walang mystery si Eli.
Ang gusto ko sa magiging jowa ko, 'yung may air of mystery naman. 'Yung hindi mo kilala, pero ang journey ay 'yung unti-unti mo siyang kikilalanin. Getting to know each other kumbaga. Eh samin ni Eli, wala na yung stage na 'yon dahil nga kilala ko na siya simula pa lang nung bata siya.
Ang gusto ko talaga ay 'yung may mystery.
Parang yung nakita ko sa mall. Pero paano ba 'yan di ko na makikita ang guy na 'yon!
But I was wrong!Second day of school, heto late ako. Dahil nagpasama pa ang nanay ko sa palengke. Nagpatulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bayong na may lamang tocino.
Kaya ayun, late ako sa school. Takbo ako ngayon ng takbo. Halos dala-dalawang steps sa hagdan ang ginawa ko. Kaya noong pagliko ko sa hagdan, may nakabangga ako. Isang lalaki.
Kung sa pelikula nangyari ang nangyari sa akin, tiyak nagslow motion ang lahat. At kahit nagulat siya, handa siyang saluhin ako, hahawakan ang bewan ko at iiwasan na mapabagsak ako. At ang audience, matitigilan, magsisigawan at syempre kikiligin.
Pero sorry, hindi ito movie. Walang slow motion. Hindi niya ako sinalo dahilan para bumagsak ako. Bumagsak ako sa matigas na sahig. Malas! Masakit. Mabilis. Wala man lang poise!
At ang mga estudyanteng nakakita,nagtawanan pa.
Inis ako. Gigil. Gusto kong mang-away ng estudyante. Gusto kong awayin ang lalaking nakabunggo sa akin.
Pero pagtingin ko, siya 'yun, 'yung lalaking nakita sa mall.
My Mr.Right!
YOU ARE READING
Falling for Mr. Wrong
ספרות נוערThey say, looking for Mr.Right is hard. But not for Skyler, a woman na naghahanap ng Mr. Right niya. Nakita niya,nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...