𝑰 𝑨𝑴 𝑻𝑯𝑬 𝑲𝑰𝑳𝑳𝑬𝑹

3 0 0
                                    

Nabuhay ako sa mundo na puno nang kaguluhan...  at walang katahimikan.

Sa mundo ng mga tao na Ang tanging alam Lang ay pagmalupitan ang mga taong walang kakayahang lumaban.

Puro sigawan at iyakan ang tanging maririnig mula sa mga taong pinagmamalupitan.., at malalakas na halakhak nang mga taong masaya kapag nakakapanakit at may nakikitang nasasaktan..

Hanggang sa paglaki ko ay dala-dala ko parin ang lahat ng iyon mula sa aking isipan..

Nanatili pa rin hanggang ngayun ang kaba at takot  dito sa dibdib ko..  kaya nagpasya na lamang akong magpakalayo-layo at mamuhay nang mag Isa.

Ngunit sa tuwing sumasapit ang gabi ay siya ring paggising nang kadiliman.. na tila masamang bangungot para sa akin dahil hanggang ngayun ay hindi pa rin ako nito tinatantanan.. walang tigil sa pagpapakita sa akin Kung paano sila pumatay.. ng taong walang kasalanan at walang kalabanlaban.

It's 12:00 in the midnight ng magising ako Mula sa pagkakahimbing dahil sa kakaibang boses na pilit nagpapabangon sa aking diwa.

Nililipad ang mga kurtinang nakatakip sa bintana dahil sa lakas ng hanging pumapasok sa loob ng aking silid.

Nagtakip ako ng unan sa aking ulunan at sinubukang bumalik sa pagtulog ngunit mas lalong lumakas ang mga bulong na aking naririnig Mula sa kung saan.

Unti-unti akong nakaramdam ng takot dahil sa kakaibang boses na iyon.. nagsisitaasan narin ang balahibo sa aking katawan..

Bumangon ako upang sundan ang kakaibang boses na tila ba bumabanggit sa pangalan ko.

Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko..

Nanginginig na ang aking katawan dahil sa lamig ng hangin dumadampi sa akin...

Napalingon ako bigla sa kusina nang may malaking anino ang mamataan ko.

Sinundan ko kaagad iyon ngunit bigla itong nawala.. at naagaw ng atensyon ko Ang isang patalim na nakapatong sa lamesa.. 

Dahan-dahan ko itong kinuha upang gawing proteksyon.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa labas ng bahay.

Patuloy ko paring naririnig Ang nakakatakot na boses na iyon.. at habang tumatagal ay palakas Ito ng palakas!

Nakakabingi ! 

Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman ang pamamanhid ng aking katawan maging nang aking isipan.

Sa di kalayuan ay may nakita akong isang babae na tumatakbo at umiiyak.

Halatang takot na takot Ito..

Sinubukan ko siyang habulin hanggang sa matalisod siya sa nakausling kawayan.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan..

Puno ng dugo Ang kanyang katawan.. marahil sa pagkakasaksak ng Kung Sino man.

Bigla siyang umiyak at nagmakaawa...

Nais Kong tulungan siya ngunit bakit Hindi ko makontrol Ang sarili ko? 

Nakita ko Kung pano siya paslangin ng taong Hindi ko man Lang makilala.. Hindi ko makita Ang kanyang mukha!

Hindi ko na Alam Ang gagawin ko.. bakit tila Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko?  At bakit mukang sakin siya takot na takot?  Anong nangyayari sa akin?!

Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nawalan ng buhay ang babaeng Ito.

Pagkatapos ko siyang pagmasdan ay unti-unti akong lumayo sa kanya dala ang matalim na kutsilyong napulot ko kanina..

𝑰 𝑨𝑴 𝑻𝑯𝑬 𝑲𝑰𝑳𝑳𝑬𝑹Where stories live. Discover now