Jaim POV
pinipilit kong hindi sya tignan.
naalala ko tuloy yung unang beses naming pagkikita.
FLASHBACK...
nakatingin ang lahat sakin pagpasok ko pa lang sa loob ng campus. Maraming babaeng nagtitilian.
"gosh. ang gwapo nya."girl1
"ang hot nya .promise"girl2
" yaaaaaaaaah. wag nga kayo dyan, akin lang sya, akin."girl 3
"no way"
at yun nung malampasan ko sila. nag-away na. sabunutan, sampalan.grabe, ang gwapo talaga ni Jade Austin I. Marcial. ay ako pala yun. hahaha.
wala akong pakialam sa kanila.
pero di ko na makaya ang ingay nila."all of you, wanna die? keep quiet"
sigaw ko sa kanila kaya agad silang tumahimik. at lahat sila nagsisitabi .
good. madali lang pala silang kausap e.
asan na ba yung mga gagong yun.
nagpunta ako kung san andun ang bulletin board,
lahat sila nakatingin lang sakin,at mukhang takot na takot.
"guys, sya daw yung apo ng may-ari nitong school, lahat takot, sa mga kaya nyang gawin."
naririnig kong bulungan.pero totoo lahat ng sinasabi nila.
marami na akong nabugbog na tao. na gustong lumaban sakin. pero wala silang magawa.
pwera nalang sa babaeng to na walang pakialam.ang lakas ng loob nyang kalabanin ako.
"Lovey,Lovey,Lovey,Lovey,Lovey."
Lovey pala ang pangalan ng babaeng slow na to.
"Excuse me"
tinulak ko sya. kaya napaupo nalang sya sa sahig. Pero kaagad syang tumayo.
"Excuse me? kelangan may kasamag tulak. Ang kapal din naman ng mukha mo. Bakit sayo ba to??"
di ba ako kilala ng babaeng amazona na to.
sinipa nya ako sa binti. Aba, ang brutal ng babaeng to hah.
" anu sagot. sino kaba hah. ang yabang-yabang mo."
" ako lang naman ang apo ng may-ari ng school na pinapasukan mo. "
natahimik sya. pero agad syang nagasalita.
" so. a--po ka lang.Meaning di parin to sayo. "
nauutal nya. ang sarap nya pagtripan. ang sarap sa pakiramdam na makita yung muka nya habang naiinis.
sinipa nya ulit ako sa binti. aray, yung sugat ko yung nasipa nya.
"aray. humanda sa sakin. aray."
tumawa sya. nakakatawa ba na masaktan ang isang tao. pagtawanan ba daw ako.
napansin ko. ang ganda pala nya kapag nakangiti. para syang angel sa ganda. nawala ang sakit na nararamdaman ko.
napatigil ako at natulala sa kanya, bumibilis din ang kabog ng puso. di ko alam kung bakit.
" Lovey"
may tumawag kanya mula sa likod ko. nakatulala parin ako." good bye, Mr. weak.hahaha"
at tumakbo na sya paalis.magulat ako ng mag umakbay sakin.
" love at first sight ang tawag dyan pre."
nandito na pala sila.
"gago. tara na nga"
simula nun. di ko na sya maalis sa isip ko. tatlong taon ko syang sinusubaybayan.
End of flashback.
crush ko na sya simula non. pero di ko hahayaan na lumala pa ito. mahirap na. baka magkasakitan lang kame.
"Mr. Marcial, hoy Mr. Marcial. okay ka lng ba?
natauhan ako ng, marinig ko ang boses ni sir pits daw.
"ah. opo sir."
" okey, you may sit down"
umupo na ko, katabi ko si Dan at Von.
" natulala na naman sya sa kanyang lalabs. hay." sabi ni Dan.
sira talaga sila.
nagsimula ng magclass si sir.
wala akong pakialam sa lahat ng sinasabi ng teacher namin dahil rules ang regulations lang naman yun.
wala naman silang magawa sa mga gusto naming gawin.
sinalpak ko lang earphone ko at natulog. ang boring e.
lumipat ako sa section nila para parati ko syang makita at mabantayan. kahit sa ganitong paraan masaya na ako. basta malapit lang sya sakin.
Carla POV
gagawa ako ng paraan para magkalapit sila.
ako ang nagudyok kay Jaim na magpalipat sa section nila Lovey.
di naman siguro makakahalata si Lovey na sya ang dahilan ni Jaim kaya ito lumipat. dahil andun din naman ang mga katropa nya.
ngayon, sigurado ako na magkaklase na sila.
--------
uwian na.
naisipan kong tawagan si Lovey. May naisip na akong move para magkasama sila.
calling....
(anu na namang kelangan mo?)
gaga talaga to."di pa uso sa sayong maghello?"
(fine, hello.bakit ka napatawag. miss mo na ako kaagad, insan hah.)
"oo insan, miss na kita , miss na miss. ang ganda mo talaga insan."
pambobola ko sa kanya.
(oo na. sa tono ng boses mo alam ko na. anung kelangan mo.??)
gets nya agad. kilala na nya talaga ako.
" pwede sabay tayo umuwe, wait kita sa parking lot. dun ko nalang sasabihin sayo."
(hay. may magagawa pa ako. wait for me in 30minutes.)
bait talaga insan. kaya maraming maiinlove dito e.
" thank you insan. i love you."
(sige na. iloveyou din insan. see you."
diba?? ganito kame maglambingan. para na kameng magkapatid, makasama kahit saan. kaya love ko to e.
A/N:
Sensya na po sa Update. medyo maikli pa.
medyo matatagalan din po ako sa next UD ko. pero maganda naman siguro dahil kilig much na yung mangyayare.^_^V
VOTE|COMMENT
