Death 1

252 127 121
                                    

Read at your own risk!

Hindi naman sya super nakaka-takot — walang nakaka-takot dito promise, ewan ko lang bakit ko pa nilagyan ng 'Read at your own risk' HAHAHAHA —author.


Coby's POV

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin at yung sakit sa pulsuhan ko dahil sa mahigpit na pagkakatali sa akin mula dito sa may bakal na upuan — wala din akong makita dahil sa piring na nakalagay sa mga mata ko. Napa-pikit ako sa takot nang biglang may humaplos sa binti ko pataas sa aking hita — halos hindi na ako magka-intindihan sa pag paling, pag iyak at pag mamaka-awa.

"T-tama na po please" tanging itong apat na salita na paulit-ulit lamang ang lumalabas sa bibig ko habang siya ay patuloy pa din sa kaniyang ginagawa.

"A-aray! TAMA NA!" sigaw ko nung maramdaman ko ang init na dulot ng konting hiwa na bumaon sa parteng pusod ko. Tila ba'y wala itong naririnig sa mga sinasabi at paki-usap ko. Narinig kong itinapon niya ang kutsilyo na hawak nito at agad na malaswang hinawakan ang tiyan ko pababa.

"WAG PO!" hiyaw ko ng maramdaman kong unti-unti nitong hinuhubad ang shorts ko. Halos nag-eecho lang yung boses ko sa buong lugar — dito na nag ta-tapos ang buhay ko. Nang matapos niya akong hubaran ng shorts pati na din underwear, ay agad ko namang narinig ang pag tunog ng flash ng camera na siyang lalong ikina-luha ko ng sobra.

'B-bakit ba nangyayari sakin lahat ng ito? A-ano bang kasalanan ko sa mundong ibabaw para parusahan ako ng ganito!' kasabay ng mga salitang hindi lumabas labas sa bibig ko ay siya namang rinig ko sa pag limot niya sa kutsilyo.

"Tama na" paki-usap ko ulit pero huli na nang maramdaman ko ang sakit at init na dulot ng pagkaka-saksak nya sa dibdib ko.


"SHIT!" hingal na hingal na saad ko. Napa-sabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa isang panaginip na hinding hindi ko matakas-takasan. Tsk!. Nakita kong may konting liwanag na sa labas ng bintana at doon ko na rin naramdaman ang pag tulo ng mga pawis ko sa leeg — lecheng panaginip 'to! Hindi na ako tinantanan!. Inis akong napa-bangon sa aking kama at nag handa na ng aking isusuot na uniporme pag pasok at umagahan ko — wala na akong magulang kaya wala na din akong ibang ma-aasahan kung hindi ang sarili ko.

"A-ah!" biglang nanakit ang ulo ko. Agad kong hinanap sa cupboard ang gamot ko sa sakit ng ulo — sabi ng doktor, na-trauma daw ako mula dun sa aksidente kaya may ganito pa din akong side effects. Habang kinakapa ko pa din ang gamot ko sa may cupboard ay lalo pang sumakit ang ulo ko.

"AGHHH!" kasabay ng impit na pag hiyaw ko sa sakit ay siyang imahe ng puting bahay naman ang nag pop-out bigla sa utak ko — as if on cue nawala na yung sakit ng ulo ko. Napatigil ako sandali at napa-isip kung ano ang meron sa puting bahay na yon. Habang busy sa pag iisip ay bigla kong natabig yung gamot na siyang pumatak pa sa ulo ko.

"Tss!" inis kong sinipa yung gamot sa ilalim ng lamesa pero nilimot ko din naman agad — pahirap sa buhay. This time, ilalagay ko na lamang siya sa mas madaling kunin na lugar hindi yung tumagal na nga yung sakit, hindi ko pa din mahanap, nawala na ang sakit at lahat eh napatakan pa ako sa ulo.

"WHAT A BEAUTIFUL DAY TO START!" eksaheradang sigaw sa loob ng bahay bago ko kunin ang cap ko at mag lakad papunta ng school.


•School•

"Coby!" rinig kong hiyaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Bored akong napatigil at inintay ang pag-akbay niya sakin.

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon