Death 4

134 104 47
                                    

DISCLAIMER!
WARNING!

Wala namang nakaka-takot sa part na'to, may mga invlovements lang ng something na hindi nyo dapat i-try, hehehe.



Coby's POV

Kasalukuyan ngayong pinagha-hahanap si Roel ng magulang niya, pero patay malisya lamang ako. Hindi din naman ako pinag suspetyahan ng kahit na sino, lahat sila ay si Sir ang tina-tanong kung ano daw ba ang sinabi nito kay Roel kaya ito nawawala ngayon. I didn't bury his body — nakigamit ako ng stump grinder sa kapitbahay at dinurog ko na ang katawan ni Roel para walang ebidensya, I even used his remains as a fertilizer para naman may mai-ambag sya sa lipunan na maganda. Tahimik lang akong nakikinig sa klase ngayong umaga.

Lunch break na pero mas pinili kong puntahan ang lumang detention room kung saan natagpuang patay yung kaklase ko. Hindi na ako nag abala pang basahin yung sign board at agad na pinasok ito habang wala pang nakaka-kita. Agad na sumalubong sa akin ang masang-sang na amoy ng bangkay dito — wala bang balak mag imis ang mga janitor dito? Bakit basta nalang nila pinabayaan na ganito ang amoy nito. Agad kong binuhay ang ilaw ang detention room at agad na bumungad sa akin ang magulong patas ng upuan at mga files na nagkalat sa sahig. I can still remember how I threatened, Bianca that time.

Flashback

Nang maka-alis na ako sa simbahan ay agad ko ding naisipan na balikan si Bianca sa school — nag babaka-sakaling nandoon pa ito. Nang makabalik agad ako sa school ay agad kong tinungo ang daan papunta sa detention room pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Roel at Bianca na nag tatalo sa labas nito. Palihim akong nag tago sa may isang classroom malapit sa posisyon nila at mataman pinakinggan ang kanilang pinag uusapan.

"Sinabi nang hindi nga ako ang nag tago ng bag mo sa basurahan!" gigil na bulong ni Roel dito na siyang ikinapikit ni Bianca. Umiiyak ito at halatang nangangatal ang mga palad niya dahil sa inaakto ni Roel.

"Ikaw lang naman yung may malaking galit sa akin eh!" sigaw ni Bianca na siyang ikina-alarma naman ni Roel.

"Wag ka ngang maingay! Baka sabihin nila sinasaktan kita jan! At saka wag kang mapang-bintang jan" inis na suway ni Roel dito.

"Bahala ka! Kung ayaw mo pa ding maniwala, wala na akong magagawa sayo. Jan ka na nga!" saad ni Roel bago lisanin ang lugar. Napa-upo na lamang si Bianca sa sahig at napa-hagulhol. Agad ko naman siyang nilapitan at dinamayan.

"Okay ka lang? Here, drink this" alok ko sa kanya ng tubig — hindi ordinaryong tubig yon dahil nag lagay ako dun ng mga limang pill. Tasteless yung pill na yon and within few minutes it'll take effect and can lasts for several hours — yung side effects naman nya ay mag a-appear depende sa kung gaano kadami ang tinake. Hallucinogens (Dissociative Drug) yung type ng pill na binigay ko sa kanya — since first time niyang uminom non, mabilis lang ang magiging epekto nito sa kanya.

"S-sorry inubos ko na yung tubig mo" saad nito na siyang ikinagulat ko dahil hindi ko aakalaing mapapa-bilis pa nga yung trabaho ko.

"Okay ka na?" tanong ko dito na siyang ikina-tango naman niya. Akmang ta-tayo sana ito pero agad naman siyang na-out of balance sanhi para bigla ko siyang alalayan.

"Okay ka lang ba talaga?" pekeng pag aalala ko dito na siyang ikina-iling naman niya.

"Gusto mong pumasok muna tayo sa loob?" patungkol ko sa detention room na nasa likuran namin. Hindi naman siya sumagot pero inalalayan ko pa din siya papasok sa loob. Agad akong kumuha ng upuan para pa-upuin muna siya doon bago ako nag hanap ng tali na pwedeng isabit sa dingding. Agad kong kinuha ang phone ko at agad itong inabot sa tulalang si Bianca, nag tataka nitong tinitigan ang phone na ipinahawak ko sa kanya — ume-epekto na kaagad yung drugs. I need her to watch the visual drug I made for her — no, not just for her para din pala yon sa mga taong pwede ko pa maging biktima.

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon