18

973 124 0
                                    

Ha


Dahil sa nangyare samin ni Jas ay di ko na kayang magpanggap pa. Kaya sinabihan ko sila Manang kinabukasan non na di na ko magpapahatid sa driver at hahatid na lang ako ni Micho. Dapat ay si Chase tutal nakapag usap na din kami.

Nung gabe ng lunes ay di na naulit ang messages nung unknown number kaso ay ayoko din block. Feel ko kase ay kakailanganin ko din siya o kaya'y may alam siya. Napansin ko na once or twice a day siyang nag m message sakin. Halos ay greetings lang and I never bothered replying. It is really creepy pero ramdam ko na kilala ko siya at malapit sakin.

Naalala ko din na kumatok si Manang sa kwarto. Sabi niya ay kaibigan kaya akala ko'y si Micho kaya nagmadali akong bumababa kaya lang ay ang kambal ang nakausap ko. Humingi sila ng tawad noon at sinabing maliit lang na bagay pero lumaki dahil na din daw sa may nadadamay na iba. They told me to trust them. I even agreed to their set-up kahit na labag sakin yon. Who says I'll follow someone?

"Eto na lahat ng reviewers." Sabay pakita sa isang flashdrive.

"Pres, ang aga mo ah? Thursday palang!" masayang sabi ng kausap ko.

"Bukas deadline ko pero mas maganda na maupdate ko kaagad kayo." Sambit ko.

"Lahat ng president at kasali sa group page ay makakakuha. Sa mga wala sa group page ay send nyo na lang sa mga gc ng section nyo. Pakisabi na din pala sa mga walang electronics or wifi sa bahay na puntahan ako mamaya. Maghihintay ako hanggang 7pm. Salamat" dugtong ko

My phone beeped and I'm pretty sure it's from the creep

Unknown:
Have a nice day

I sighed. Tinago ko na lang ulit ang phone.

Hindi lahat ng estudyante ay nabiyayaan ng privilege katulad namin. May mga scholars din sa school namin and I must say na wala pa akong nababalitaan na nagloko o napunta sa guidance. Talagang mga hambog ang ang nadadala doon.

Aware din ako na halos sa scholars ay wage-earning ang mga magulang o di kaya'y may part-time pa ang mga iba dito. Maliit na tulong lang to kumpara sa nakukuha ko. Hindi din ako superhero para bigyan lahat sila ng gadgets kaya ang balak ko sana ay ipapalista mamaya ang pangalan nila at maghihintay pa ng panibagong listahan bukas. Balak ko silang kakausapin bukas at isa isahin ang bawat classroom para walang nakaligtaan na impormasyon sa mga estudyante. Magbibigay ako ng hand-outs sakanila tutal may printer naman sa bahay. Kung kailangan man nila ng wifi ay papakiusapan ko ang library na I extend ang opening hours nila.

Balak ko din sana mag tutor ng uwian bago pasukan para tulungan din ang ibang estudyante na nahihirapan pa sa academics.

I sighed with my thoughts. I'm still blessed. I get to eat more whenever I want in a day. Hindi ako nagkukulang sa pera dahil di ko na rin kailangan isipin yon. I have people who would do my suppose everyday chores. I have four wheels that could easily let me go to places whenever I want to without sweat. And yet, there are people who still want more despite of being blessed.

Ganon naman ang mga tao diba. Hinding hindi makukuntento. Pag nakuha na ang isang bagay ay hahangad pa sila ng mas higit pa doon kahit hindi na kaya. Aaminin ko din na umaabot ako sa ganon punto pero iniisip ko din na hindi ko pa pera ang hawak ko. Hindi ko pa pinaghihirapan ang mga meron ako kaya hindi dapat ako maging madamot sa mga nakukuha ko. Saka na siguro ako mag hangad kung sariling kayod na ang pera. If I could share, then why not?

It's almost dismissal kaya I texted Micho

Me:
Hey, are you busy?

Thomas and Friends:
Nope, why? Btw it's almost your out

To SubmitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon